Kabanata 15

83.8K 2.4K 432
                                    

LEI

BUMILIS ANG PAGKABOG ng dibdib ko nang marinig ko ang pagbukas at sara ng pinto at alam kong ini-lock pa iyon ni Trevor.

"Now, let's talk," mahinang sabi niya at wala akong ibang matanawan kung hindi ang tindig niya na nakatayo malapit sa pinto. Naninigas ang buo kong katawan, mariin akong napapikit at napakapit nang mahigpit sa may kobre kama kung saan niya ako inutusang umupo kanina.

"Don't close your eyes, Lei. Mag-uusap lang tayo pero siguraduhin mong magugustuhan ko ang mga kwento mo." Napadilat ako nang maramdaman ang paghawak niya sa baba ko at pilit niyang pinagtatama ang mga tingin namin.

Kusang nalukot ang mga labi ko habang walang humpay ako sa pag-iling na puno ng pakikiusap. Marahan pero mapanuya niyang hinaplos ang pisngi ko pababa sa labi ko at gigil at marahas niyang binura ang kulay mula rito.

"Tingin mo ba ang ganda mo na nang dahil sa mga 'yan?" nakangising tanong niya na agad kong ikinailing. Gustong-gusto kong magsalita pero nauunahan ako ng takot na baka may masabi akong hindi niya magustuhan. Napatayo siyang tinalikuran ako at tinungo ang maliit na lamesa sa kwarto.

"So, simula natin sa kung nasaan ka ba buong maghapon?" kalmado pero mapagbantang tanong niya habang inaalis ang relo sa kaniyang pulso. Napansin ko rin kung paano niya tanggalin ang butones sa manggas ng suot niyang puting polo.

Hindi ako nakakibo at pilit na humuhugot ng lakas para makakuha ng pagkakataon na tumakbo. Hindi ko gusto kung paano niya ako kausapin ngayon, mas nakakatakot ang mababang boses niya kumpara sa madalas niyang pagsigaw.

"Uulitin ko . . . nasaan ka buong maghapon?" Nilingon niya ako at kita kong natigilan siya sa pagkalas sa butones. Naipit ang hangin sa lalamunan ko at tila hindi ko na alam kung anong isasagot pero nagawa ko pa ring magsalita dahil sa takot ko sa kaniya.

"M-mall, n-nasa mall lang ako maghapon," pagsisinungaling ko. Wala akong balak sabihin sa kaniya na pumunta ako sa studio nila Trey dahil alam kong mas lalo lang siyang maghihimutok at natatakot ako na baka totohanin niya ang banta niya sa akin.

"Mall." Napatango pa siya sa sarili bago tuluyang kinalas ang butones sa manggas ng polo niya habang nakatitig pa rin sa akin. Mabilis kong inilihis ang tingin sa kaniya para hindi niya mabasa na nagsisinungaling ako.

"Then who are you with?" tanong ulit ni Trevor na ikinabalik ng tanaw ko sa kaniya. Bahagya pa siyang napayuko at niluwagan ang pagkakatali ng necktie niya. Wala akong maisagot at pinili kong maging tikom ang bibig.

"Sinong kasama mo?" ulit niya na may pagdiin sa bawat salita at napapitlag ako sa gulat nang marahas niyang hilahin sa pagkakapulupot ang necktie niya.

"Wa-wala. A-ako lang. Ako lang mag-isa," mabilis kong sagot dahil sa takot. Hindi niya ako nilingon at sa halip ay may kung ano siyang kinuha sa bulsa niya. Wala sa loob akong napakagat sa labi nang mapagtanto kong cell phone ang hawak niya.

"Wala kang kasama kaya pala nag-text pa sa 'yo si Trey na mag-ingat ka sa pag-uwi and asking if you like the dress that he bought for you," sarkastiko niyang sabi at parang nag-slow motion ang pag-angat niya ng tingin. Higit akong tinakasan ng hangin sa sinabi niya at bago pa man ako mahulog sa mga kamay niya, ay buong lakas akong tumayo para tumakbo, pero wala pang dalawang hakbang ay mabilis na niya akong naharang.

"T-Trevor . . . P-Please—"

"Please, what?" seryoso pa rin niyang sabi sa akin habang nagpupumiglas ako sa ginagawa niyang pagtali sa kamay ko gamit ang necktie niya. Halos umupo at maglupasay na ako sa sahig pero hindi pa rin niya ako pinakinggan at sa halip ay para akong laruan na itinulak niya lang sa kama.

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon