Kabanata 8

81.4K 2.8K 269
                                    

LEI

SA KABILA NG malamig na hangin na tumatama sa akin ay dama ko ang init mula sa pagitan ng mga tingin nilang dalawa. Hindi ko maintindihan kung bakit parang nagsusukatan pa sila ng mga tingin hanggang sa tumawa si Trevor, 'yong tawa na may halong pang-iinis.

"Really? That's great, Trey. I hope we can have a good time together, like we used to. But for now, may you excuse me and my wife," nakangiting sagot ni Trevor sa kaibigan at mabilis akong hinila palapit sa tabi niya. Napansin ko pa ang pagsunod ng tingin ni Trey sa mahigpit na pagkakahawak sa akin ni Trevor bago ibinalik ang tingin sa akin.

Ayoko sanang sumama kay Trevor, pero mas humigpit ang hawak niya sa akin at alam ko ang gusto niyang mangyari. Kaya kahit kita ko sa mga mata ni Trey na hindi ito sang-ayon na umalis kami ni Trevor ay pilit akong ngumiti sa kaniya at binigyan siya ng assurance na okay lang ako.

Okay lang talaga ako, okay lang. Sanay na ako kung ano man ang mangyayari kapag naiwan ako sa kamay ni Trevor. "Thank—"

"Mauuna na kami." Hindi ko na nagawang magpasalamat pa kay Trey nang hilahin na ako ni Trevor palabas.

Halos matisod pa ako dahil sa sobrang bilis ng paglalakad niya, mukhang nakalimutan niya yatang nakasuot ako ng heels at saktong nakarating kami sa parking area ay parang gamit lang akong ibinalibag niya sa may sasakyan at mabilis siyang umikot sa kabilang side ng kotse.

"Ang bastos mo. Kinakausap ko pa 'yong tao tapos hinilahila mo lang ako. Hindi man lang tuloy ako nakapagpasalamat sa ginawa niya," gigil kong singhal sa kaniya dahil hindi ko na mapigilan ang inis ko.

Pati si Trey ay binabastos niya. Hindi niya naman kailangan magpanggap sa kaibigan niya dahil alam kong alam ni Trey ang lahat. He was there all the time but he left for no reason, for not telling me the reason behind, pero masaya ako kasi mukhang naging successful na rin siya katulad ni Cassie.

"Shut the fuck up Lei or I'm gonna fuck your fucking mouth!" galit niyang sigaw habang binubuhay ang makina ng sasakyan. Hindi na lang ako kumibo dahil alam kong hindi rin siya nagbibiro. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa may bintana habang buhay na buhay ang inis ko kay Trevor.

Ang lakas ng loob niyang hilahin at kaladkarin ako palabas ng venue gayong hindi niya naman ako kayang tulungan kanina. Kung hindi pa dumating si Trey ay baka wala na akong mukhang ihaharap sa ibang tao.

Hinila ko pa 'yong coat na nakapatong sa katawan ko nang maramdaman ko 'yong lamig ng aircon, pero nagulat ako nang hilahin din iyon ni Trevor sa akin.

"Akin na 'yan, giniginaw ako."

Sinubukan kong maging kalmado habang binabawi ko ang coat ni Trey sa kaniya.

"What the hell are you doing at the party?" pag-iiba niya ng usapan, pero hindi ko iyon pinansin at pilit na nakipaghilahan sa kaniya hanggang sa masama niya akong tiningnan. Nagulat akong napasandal sa upuan ko nang biglang bumilis ang takbo namin. Napasuot ako ng seatbelt at mahigpit na napakapit dito.

"Magdahan-dahan ka naman sa pagmamaneho," nanginginig kong utos kay Trevor, pero imbis na sundin ako ay mas binilisan pa niya pa ang pagpapatakbo sa sasakyan.

"For the last time, Lei! Anong ginagawa mo roon!" sigaw niya habang pigil-pigil ko ang hininga ko sa bilis ng pagmamaneho niya.

"Sumagot ka!"

"Su-sumama lang ako kay Kiko. Please, magdahan-dahan ka," habol-hininga kong sagot sa kaniya at napapikit na lang ako nang dahan-dahan niyang ihinto ang sasakyan.

Nakahinga ako nang maluwag, pero dama ko pa rin ang pagkabog ng dibdib ko. Ngayon ko lang din napansin na nakarating na kami sa bahay sa sobrang bilis ng pangyayari.

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon