Kabanata 39

72.1K 2.4K 608
                                    

You may listen to:
If you're not the one

LEI

"KUMUSTA NA PO kayo?" nakangiti kong bati kay Mom at ibinaba ko ang mga dala kong prutas para sa kaniya. Buti at nagkamalay na rin siya pagkatapos ng aksidente. Wala masyadong naging damage, nagkataon lang na bumunggo sa pader ang sasakyan niya nang mawalan iyon ng preno.

"Ayos lang ako. Salamat at dumalaw ka."

Napangiti ako sa sinabi niya at kinuha ang saging at binalatan para iaabot sa kaniya, pero imbis na kuhanin iyon ay nagulat ako nang kamay ko ang hawakan niya.

"Lei, okay na ba kayo ni Trevor?"

"P-po?" Hindi ko alam kung anong klaseng pagiging okay ba ang tanong niya at hindi ko rin alam kung talaga bang okay na kami ni Trevor. He's always there at my side pero hindi pa rin namin nalilinaw kung ano na ba kami o ano. Basta hindi ko pa masabi sa kaniya dahil natatakot pa rin ako.

"Lei, ikaw lang ang makakatulong kay Trevor para—"

"Mom!" Agad naputol ang sasabihin nito sa akin nang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Trevor.

Magkasama kami, nauna lang ako pumasok dahil sa may kausap pa ito sa phone niya. Lumapit siya sa amin at napatingin kay Mom. Hindi ko sila maintindihan pero parang may pinag-uusapan sila na sila lang ang nagkakaintindihan mula sa mga tingin.

Sa huli napangiti sa akin si Mom at marahan niyang hinagod ang kamay ko at kinuha ang saging mula rito.

"Salamat, Lei." Ngumiti na lang ako at pinagbalat ko pa siya ng orange.

"Is that true? Magkaka-apo na ba ako ulit?" tanong niya at natigilan ako sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung tama bang sabihin iyon sa kaniya. Napatingin ako kay Trevor na mabilis na nakalapit sa amin.

"Mom, you better take a rest para makalabas na kayo."

"Trevor, gusto ko malaman kung totoo bang may apo na ulit ako?" nakangiti nitong tanong at hindi ko maiwasan na kabahan at mapatingin kay Trevor. Alam kong sinabi niya na huwag akong mag-isip, pero kinakabahan ako na baka nalaman nila ang totoo.

"Yes, magkakaanak na ulit kami ni Lei."

Lumapad ang ngiti ni Mom sa akin na sinagot ko naman ng tipid na ngiti.

"Salamat, salamat, Lei at hindi mo sinukuan ang anak ko."

Hindi ko alam kung paano mag-re-react sa sinabi niya at parang gusto kong sabihin na si Trevor dapat ang pasalamatan niya. Nahihiya tuloy akong humarap sa kaniya, sigurado ako na kung alam niya lang ang nagawa ko, hinding-hindi niya ako ngingitian.

"Mom, mauuna na rin kami. Kailangan pa namin pumunta sa doktor ni Lei."

"Sige lang. Okay na ako. Trevor, ingatan mo ang mag-ina mo, ah," nakangiting sabi nito sa amin na ikinatango ni Trevor. Nagpaalam na rin ako sa kaniya at lumabas na kami ng hospital.

Napansin ko pa na bahagyang natigilan si Trevor sa paglalakad kaya tumigil din ako.

"May problema ba?" tanong ko sa kaniya at kita ko kung paano niya kinagat ang kaniyang ibabang labi. "Nothing, let's go."

Nagtataka man ay sumunod na ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto at mabilis siyang umikot sa kabilang side.

Agad niyang pinaandar ang sasakyan pero hindi pa kami gaanong nakakalayo nang mapansin ko ang parehong sasakyan na nakasunod sa amin kaninang papunta sa ospital.

"Trevor, napapansin mo ba na parang may sumusunod sa atin?"

Napatingin din siya sa side mirror at humigpit ang kapit niya sa manibela habang nagtatagis ang bagang niya.

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon