Kabanata 13

77.5K 2.6K 272
                                    

LEI

"LEI!? UMUPO KA muna, may gusto ka ba? Kumain ka na ba? Drinks? Coffee? Juice? Teka, kukuha ako ng meryenda."

"Hindi na. Okay lang ako," nakangiti kong pigil kay Trey nang akmang aalis pa ito para kumuha ng makakain.

"Sigurado ka?" tanong niya ulit at napangiti akong tumango sa kaniya. Natataranta niyang inayos ang sofa kahit maayos naman iyon, inalalayan pa niya akong umupo kaya mas lumapad ang ngiti ko.

"Thank you."

"Pasensya ka na kung medyo magulo. May mga ginagawa kasi akong script, pero hindi ako busy," mabilis niyang sagot sa akin na ikinatawa ko. Parang natataranta kasi siya at hindi mapakali sa gagawin. Nagpalinga-linga pa ako sa buong lugar. Ito pa rin 'yong dating tinutuluyan ni Trey, mas pinaganda niya lang ito at may ilan lang na nabago.

"Buti hindi ka lumipat," nakangiti kong sabi rito. Ang totoo, nagbakasakali lang ako na dito pa rin nakatira si Trey at good thing, hindi nga siya lumipat.

"I can't leave this place. It was full of good memories." Napatingin ako sa kanya at kasabay no'n ay ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko nang mag tama ang mga mata namin.

Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa kaniya at tama siya, maraming alaala ang lugar na ito, hindi lang sa kaniya kundi pati na rin sa akin.

This place become my home when I'm still homeless and helpless, I used to feel safe and comfortable in every corner of this room. It is filled with laughter and where my dreams started to bloom, but everything's gone when I choose to left and face that it wasn't meant for me and he deserved someone who's better than an idiot like me.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin kay Trey at mukhang doon lang din siya natauhan at bahagya pang naubo nang bahagya kaya mahina akong tumawa.

"S-so what brings you here? Just tell me if you need something, I am eager to help you in any means."

"Ah, ano k-kasi . . ." Lalo akong hindi makatingin nang diretso kay Trey at muli kong naalala ang sinabi ni Trevor.

All you need to do is reject Trey's offer. Tell him you can't do it.

Gustong-gusto kong tanggapin 'yong alok ni Trey, ang totoo, tuwang-tuwa talaga ako at nabuhayan muli ng pag-aasa pero sana hinndi na lang pala, dahil mas masakit 'yong pangalawang bagsak na pinutulan ka ng pakpak.

"I-iyong i-inaalok m-mo—"

"Don't worry, everything is under my control and by next week, I can hand you the script."

Mas lalo kong tila nalunok ko ang dila ko nang marinig sa kaniya na okay na ang lahat. Mas nahihirapan tuloy akong sabihin na hindi ko na tatanggapin ang kontrata. Hirap na hirap ang kalooban ko dahil pakiramdam ko, pinapipili ako ni Trevor sa pagitan ni Evo laban sa pangarap ko.

I was eager to push my dreams, pero walang silbi na matupad ko ang lahat ng pangarap ko kung mawawala naman sa akin si Evo.

"Lei?"

Napatingin ako kay Trey at hinawakan niya ang kamay ko. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya and I want to cry on him and tell everything but I can't, I don't have the guts to open up. Natatakot ako na baka imbis na maging maayos ang lahat ay lalo lang gumulo.

"Tell me, what's bothering you?" Mas lumapit na siya sa akin at mas humigpit ang paghawak niya sa kamay ko, pero 'yong higpit na may ingat at puno ng pag-aalala.

"Wa-wala . . . A-ano ka ba? Walang problema. Haha!" Kunwari pa akong tumawa sa kaniya at pilit na ngumiti. Kita kong hindi siya kumbinsido sa sinabi ko at nagsalubong pa ang kilay niya kaya marahan kong tinapik ang balikat ni Trey.

"Nauuhaw ako. Pwede bang makahingi ng tubig?" pag-iiba ko ng usapan. Tumango naman agad siya at agad na tumayo.

"Dito ka lang, kukuha lang ako ng maiinom." Tumango na lang ako. Napabuntonghininga agad ako at mahinang napa-sampal sa sarili ko. Paano ko ngayon tatanggihan 'yon kung nakahanda na ang lahat? Ayokong ipahiya si Trey pero ayoko rin na mawala sa akin si Evo, gulong-gulo na ako sa kung anong tamang gawin. Ipinikit ko na lang ang mata ko at muling nagpakawala ng hangin.

"Lei?"

"Ay!" Gulat pa akong napapitlag nang hawakan ni Trey ang balikat ko at bahagyang lumaylay ang suot kong jacket. Biglang kumunot ang noo niya kaya sinundan ko kung saan siya nakatingin. Mabilis kong isinuot nang maayos ang jacket at nagkunwaring hindi ko napansin ang tingin niya.

"Ginulat mo naman ako," biro ko at pilit na ngumiti, pero hindi naalis ang pagkakakunot noo niya sa akin.

"Pasa ba 'yan?" tanong niya na may halong pagkainis bago mabilis na ibinaba ang dala niya. Mahigpit akong napahawak sa suot kong jacket at pilit na ngumiti habang umiiling.

"Hi-hindi. Teka, ano ba 'tong meryendang ini—"

"Lei!" Bakas ang inis sa boses at mga tingin niya.

"Wa-wala nga—"

"Patingin ako," inis ulit niyang sabi at pilit niyang inililislis ang jacket.

"Te-teka lang—" Hindi ko na siya napigilan nang tuluyan niyang mahila ang jacket ko.

"Where did you get that? Sinasaktan ka ba ni Trevor?"

"Hindi ah! A-ano lang tumama lang 'yan sa may ano—s-sa a-ano—sa pinto, tama, sa may pinto," depensa ko at pilit na binawi sa kaniya ang jacket ko at inayos ang pagkakasuot nito sa akin. Nagpasa kasi 'yon nung tumama sa may lamesa at sa higpit ng hawak ni Trevor.

"You're not a good liar, Lei. Uulitin ko, sinasaktan ka ba ni Trevor?" Sumeryoso ang mga tingin niya sa akin at hindi ko matagalan iyon kaya nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.

"Lei!"

"Hi-hindi, a-ano lang—n-naitulak niya lang ako p-pero hindi niya ako sinasaktan." Pilit akong ngumiti kay Trey at hindi nagbago ang ekspresyon ng mga mata niya. Inis siyang napatayo at parang hindi mapakali sa kalalakad.

"Shit!" mahina niyang bulong sa sarili pero narinig ko iyon. Kinakabahan tuloy ako dahil hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isip ni Trey. Napasama yata ang pagpunta ko rito at nakita pa tuloy niya 'yong pasa ko. Ayoko ng kahit na anong gulo.

"Trey, kumalma ka nga. Masyado kang paranoid. Malayo ito sa bituka oh, tiyaka hindi talaga niya ako sinasaktan, mahal no'n si Evo." Natigilan siya sa paglalakad at napatingin sa akin kaya matamis akong ngumiti na puno ng panigurado na okay lang ako at hindi niya kailangang mag-alala.

Mabilis siyang lumapit sa akin at halos lumuwa ang mata ko sa gulat nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko at inilapit ang mukha niya sa akin na halos magtama na ang mga ilong namin.

"T-Trey . . ." nauutal kong tawag sa kanya habang dama ko ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Isang maling galaw lang, pakiramdam ko mahahalikan ko na siya.

"I want to take care of you. Just let me in and I'll bring out the best in you."

"T-Trey . . ." Naguguluhan ako sa sinasabi niya pero may haplos sa puso ko na parang gusto kong pumayag kahit hindi malinaw sa akin ang tinutukoy niya.

"Lei, hayaan mong alagaan kita tulad ng dati. Gusto kong ako ang kasama mo sa lahat ng bagay. Please, don't forget your own worth. You are worthy and you deserve to be happy."

Napatitig kami sa mata ng isa't isa at dama ko ang sinseridad sa mga sinabi ni Trey. I feel loved the way he looked at me, I feel safe the way he touched me and I found hope in his words and even I didn't get his point, I nod at him as my tears stream down my cheeks.

"Trey . . ." Umiiyak akong napayakap sa kanya na kahit ako, hindi ko mahanap ang dahilan ng pagpatak ng mga luha ko. All I want is to cry until all the pain fades away. He hugged me back and without saying a single word, I knew he can understand all my grudge.

🦋🦋🦋
CreepyPervy

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon