Kabanata 29

81.4K 2.3K 452
                                    

LEI

I CAN'T STILL believe how my life change, from a single probinsyana to a married and battered woman and now, with all this wealth in front of me. Hindi ko alam kung paano tatanggapin at paniniwalaan ang lahat ng mga nangyayari ngayon.

"I'm glad you came. Akala ko talaga wala ka nang balak na bumalik at kausapin ako."

Napakatamis at napakalapad ng mga ngiti sa akin ni Mr. Castellano at todo asikaso siya sa akin simula nang dumating ako kanina. I decided to talk to him after a few days of thinking. Nagulat at nabigla ako sa sinabi niya kaya hindi ko naisip ang magtanong at tanging pagtakas ang naging solusyon ko.

And now, I'm ready to face the truth.

"Gaano po kayo kasigurado na ako nga ang anak n'yo?"

"I'm pretty sure with that pero kung hindi ka pa rin naniniwala, may DNA na akong pinagawa, by next week, lalabas na rin ang resulta no'n."

Tipid akong ngumiti sa kaniya at tumango. Hindi ko matiis na paglaruan ang mga daliri ko dahil ang dami ko pa ring gustong itanong sa kaniya kahit pa kanina ko pa siya tinatanong.

"Come on, Calleigh. Ask me anything. Handa akong sagutin ang lahat ng gumugulo sa isip mo."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at napangiti kahit dama ko ang kaunting pag-aalinlangan sa puso ko. Natatakot akong marinig ang sagot na baka hindi niya talaga ako gustong maging anak kahit pa ilang beses niya nang sinabi sa akin na hinanap niya ako, ilang beses niya akong sinubukang hanapin pero masyadong naging mailap ang panahon at pagkakataon sa aming dalawa.

"Bakit n'yo ako iniwan sa ampunan?" Hindi ko napigilan ang dila ko at kusa na iyong bumulalas. Nawala ang ngiti sa labi niya at nabakas ko ang lungkot.

"Hindi ko alam na sa ampunan ka napunta." Natigilan siya at namutawi sa mga mata niya ang galit nang muling maalala ang nakaraan.

"Buo ang tiwala ko sa isang kaibigan sa negosyo, maganda ang takbo ng samahan namin pero hindi ko akalain na sila ang sisira sa pamilya natin. Pauwi na kayo no'n ng mommy mo galing sa isang medical mission, mahilig talaga siya magkawanggawa kaya lagi ka niyang kasama. Kalagitnaan ng biyahe n'yo nang marinig ko mismo sa telepono kung paano kayo pinaulanan ng bala. Dinig ko kung paano ka umiyak at unti-unting binabawian ng buhay ang mommy mo. Sobra ang galit ko no'n sa sarili ko dahil wala akong magawa kundi ang pakinggan lang kayo. Hanggang sa marinig kong nawala ang pag-iyak mo. Itinakas ka ng katulong pero no'ng matagpuan namin siya, bangkay na lang at ikaw, nawawala ka. Calleigh, maniwala ka, hinanap kita, hindi ko ginusto na mawalay ka sa 'kin. Kung alam mo lang, handa akong ubusin ang lahat ng meron ako para makita ka lang. Ikaw lang ang meron ako at hindi na 'ko ulit makakapayag na mawala ka," he said and I know he's telling the truth. I can see it in his eyes, his anger, sorrow and regrets, kaya kahit hindi niya sabihin, dama ko ang nararamdaman niya. Isa pa, kahit noong hindi niya alam na anak niya ako ay sinasabi niya naman sa akin ang tungkol sa anak niya. Siguro gusto ko lang marinig na hindi talaga nila ako pinabayaan, bagay na paulit-ulit kong naging tanong sa sarili ko, na bakit nila ako iniwan, kung mahal ba nila ako, o sa anong dahilan nila para iwanan ako? Pero lahat ng iyon ay nasagot na at masaya ako dahil hindi ako nabigo, hindi ako nasasaktan sa katotohanan at naiintindihan ko na ang lahat.

Marami siyang naging kwento sa akin, naitanong ko rin sa kaniya ang tungkol sa mommy ko at hindi ako makapaniwala nang makita ko ang litrato niya. Kamukhang-kamukha ko siya maliban nga lang sa loob ng mata na mukhang nakuha ko kay Mr. Castellano.

"Nakita mo na, kasingganda ka niya, Calleigh. She's one of the top models in US pero pure Pilipina siya. Dito kami nagkakilala sa Pilipinas no'ng mag-guest siya sa isang TV show. Unang kita ko pa lang sa kaniya, nahulog na talaga ako sa mommy mo."

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon