Kabanata 19

90K 2.8K 962
                                    

TREVOR

"WHERE'S EVO AND Lei? Bakit hanggang ngayon hindi mo pa rin nagagawang iuwi ng bahay ang mag-ina mo?"

I keep my ears close and let her words pass through from one to another. I am tired for the whole day and can't find any strength to start my day again.

Naninibago ako na walang Evo ang tumatakbo sa bahay para salubungin ako sa umaga at sa pag-uwi ko. Hindi ko matanggap at lalong hindi ko lubusang maisip na hindi ko man lang ito masulyapan.

Napapikit ako nang mariin nang maalala ang nangyari. Hindi ko inaasahan na tututukan ako ng kutsilyo ni Lei at pinagbantaan pa talaga niya ako. Wala ni sa hinagap ko na magagawa niya iyon. At ang mga tingin niya, hindi ko mabakas ang takot o kahit na anong emosyon niya na maski ang tono ng pananalita niya nang marinig ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig.

"Trevor, get up! What the hell is wrong with you? Puro na kapalpakan ang ginagawa mo kaya siya nagagalit. Prove to your dad that you are capable of everything."

"Shut up!" Hindi ko napigilan ang magtaas ng boses kay Mommy at inis ko siyang tiningnan.

Ang dami niyang sinasabi sa akin pero hindi man lang ba niya naisip na kasalukuyan akong nagluluksa. Namatayan ako ng anak at hindi ko man lang ito makita o masulyapan man lang, habang siya . . . ito, dinadakdakan ako sa kung anong dapat kong gawin, sa mga problema ng negosyo at buong angkan without having a little sympathy on my lost.

"Would you just leave me for a while? Kahit sandali lang?" Napatingin lang siya sa akin and the way she stared at me is another headache.

"I'm telling you Trevor, bring your wife back in this house and close all the deals especially to Mr. Castellano and don't you ever forget that everything is about business and power. And we have a Del Valle's code at hindi pwedeng mawalan ka ng magiging tagapagmana kung ayaw mong mawalan ng mana," seryoso at may diin niyang sabi sa akin bago niya dinampot ang bag at padabog na lumabas ng kwarto ko. Hindi ko na napigilan na itapon ang lahat ng gamit na mahawakan at makita ko dahil sa sobrang inis.

How could she sleep at night if she knew we lost someone, we lost Evo pero, ano? Puro negosyo pa rin ang nasa isip niya, nilang lahat at walang katapusang pagdidikta na lang ang ginagawa nila at ano? Del Valle's code ulit? 'Yong lintik na batas ng pamilyang ito ang sumisira ng buhay ko.

I did everything for this fucking business and legacy, lahat ng mga hindi nila kayang gawin ako ang gumawa pero hindi pa rin sila nakuntento sa bagay na iyon at kahit kaunting oras man lang, hindi nila ako bigyan para makapagluksa.

Hindi ko pa matanggap na wala na ang anak ko, mas masakit pa ito kaysa noong makunan si Cassie. Marami akong pagkukulang kay Evo pero hindi ibigsabihin no'n ay hindi ko ito mahal. Mahal na mahal ko siya. Siya ang dahilan kung bakit pinupursigi kong maging matagumpay pa, na gusto ko pagdating ng araw ay hindi na siya mahihirapan pang patakbuhin ang buong kompaniya at makuha ko na ang tiwala nila para hindi na pagdaanan pa ni Evo ang mga naranasan ko noon.

But how could I wake up for another day if he was gone? Kung wala na siya, wala na ring silbi ang lahat ng pinaghirapan ko simula noon. Kung kaya ko lang ibalik ang oras, hinding-hindi ko sasayangin ang bawat segundo para makasama siya, kung kaya ko lang itama ang lahat ng pagkakamali at pagkukulang ko sa kaniya, gagawin ko na.

Gustong-gusto ko pa siyang makasama, makita kung paano lumaki at bumuo ng sarili niyang pamilya. Alam kong magiging mabuti siyang tao, magiging mabuti siyang ama dahil nakita ko kung paano siya pinalaki ni Lei, hindi tulad ko, walang alam gawin kundi maging sunud-sunuran na lang at mapuno ng galit sa sarili.

"Fuck!" Hindi ko napigilan na pagsisipain ang lahat ng bagay rito at sabunutan ang sarili ko hanggang sa matanawan ko ang litrato ni Evo.

Nakangiti pa siya roon habang nakasuot ng pampiloto. Alam kong iyon ang costume niya noong mag-birthday siya. Nandoon ako . . . nandoon ako sa bawat kaarawan niya, tinitingnan siya mula sa malayo, hindi ko lang magawang lumapit sa kaniya dahil na sasaktan ako, nasasaktan ako na maalala na nawala ang anak namin ni Cassie, na sana magkasinglaki sila kung nabubuhay pa ito.

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon