Kabanata 20

97K 3K 1.1K
                                    

TREVOR

MASAKIT ANG ULO ko nang umuwi ako ng bahay dahil sa puyat. Magdamag akong nasa puntod ni Evo at hinayaan ang sarili na makapag-isip. Hindi ko pwedeng itigil ang buhay ko. Kung may dapat man akong gawin ngayon, iyon ay ang itama ko ang lahat ng pagkakamali ko lalo na kay Lei. Alam kong marami akong pagkukulang sa kaniya at marami akong sakit na idinulot sa kaniya, pero kailangan namin ngayon ang isa't isa.

Hindi ko alam pero naisip ko, kung buhay pa si Evo, isa lang ang gusto at parati niyang hiling sa akin. Ang alagaan ko si Lei, ingatan ko ang mama niya and I want to do it now for my son.

"Manang, si Lei?" bungad ko kay Manang nang makita ko itong nagdidilig ng halaman.

"Ah Sir, 'di po ba kayo ang asawa? Bakit sa 'kin n'yo hinahanap si Ma'am Lei?"

Biglang sumama ang timpla ko sa naging sagot nito sa akin. Nagtatanong ako nang maayos pero ang lakas ng loob niyang sagutin ako nang pabalang.

"Ah . . . hehe. Hindi pa po nauwi si Ma'am Lei. Baka hindi na nga po 'yon umuwi kasi wala na siyang babalikan dito." Sinadya pa nitong hinaan ang boses sa bandang dulo pero narinig ko pa rin iyon at hindi ko napigilan na tingnan ito nang masama.

"Umayos ka kung ayaw mong mawalan ng trabaho." Inis ko itong tinalikuran at nagtungo ng kusina. Naghanap ako ng makakain nang tumunog mismo ang phone ko.

"What?" inis kong bungad sa tumatawag pero mukhang mas galit pa ito sa akin.

"Where the hell are you, Trevor? We have a meeting with the board and we are all waiting for you and for your presentation. I want you to be here in five minutes."

Hindi pa ako nakakapagsalita nang bigla na lang putulin ng magaling kong ama ang linya. Inis kong ibinato ang cell phone ko. Akala naman niya kung sino siya kung makapag-utos. Limang minuto? Gago ba siya? Hindi ba niya naisip na kalilibing lang ng apo nila?

"Fuck!" Inis kong hinampas ang lamesa nang makita ko rin na wala pang pagkaing nakaluto.

"Manang! Manang!"

"S-sir, ano po 'yon?" Nagkukumahog itong lumapit sa akin at inis kong itinuro ang hapag-kainan sa kaniya.

"Anong oras na bakit wala pa ring pagkain? Anong hinihintay n'yo? Kusang mag-dive 'yong mga karne sa kaldero?" gigil kong sigaw. Pakiramdam ko sasabog na ako sa sobrang dami ng mga nangyayari. Idagdag pa ang magaling kong ama.

"Pasensya na Sir, hindi po kasi ako marunong magluto nung mga kinakain n'yo."

"Anak ng—hindi ka marunong magluto? Eh sinong nagluluto?"

"Si Ma'am Lei po, Sir. Siya po 'yong naghahanda ng kinakain n'yo tuwing umaga."

Napasabunot ako sa naging sagot nito sa akin at kung hindi lang siya matanda ay malamang kanina ko pa siya nasuntok sa mukha.

"Ihanda mo na lang ang mga damit ko at nagmamadali ako."

Nawalan na ako ng ganang kumain at dahil kailangan ko rin makapunta agad sa opisina ay gusto kong nakahanda na ang mga gagamitin at susuutin ko.

"Saan po ba nakalagay, Sir? Tiyaka ano po 'yong susuotin at gagamitin n'yo?" Kunot-noo at matalim akong napalingon kay Manang sa naging tanong niya sa akin at mukhang natakot at napaatras pa.

"S-Sir, si Ma'am Lei din po kasi 'yong nag-aayos at naggagayak ng mga gagamitin n'yo kaya hindi ko po alam kung saan iyon nakalagay."

"What the—Damn! Wala kayong mga silbi! Ano pa't kumuha ako ng katulong kung si Lei din ang kumikilos sa lahat!?" sigaw ko sa inis at hindi ko lubusang maisip at matangggap na lahat ng nakasanayan kong nakahanda na sa harapan ko ay si Lei ang gumagawa.

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon