Kabanata 12

78.8K 2.5K 589
                                    

LEI

NAGISING AKO DAHIL sa liwanag na tumatama sa pisngi ko kasabay ang maingay na pagtunog ng alarm clock. Nagmamadali akong bumangon pero nagawa ko munang halikan at batiin ng good morning si Evo na siyang katabi ko sa pagtulog. Iginayak ko ang lahat ng gagamitin sa pagpasok ni Evo at pagkatapos kong ihanda ang almusal ay kinikiliti ko itong ginising. "Captain Evo, wake up. Your passengers are waiting for you."

"Five minutes, please."

Napailing ako nang magtakip ito ng mukha. 'Yong five minutes niya ay siguradong magiging five hours kapag hindi pa siya bumangon. Naawa man ako dahil sa pagod ito sa kalalaro kahapon ay kailangan niyang pumasok, ayoko kasing magaya sa akin si Evo na hanggang highschool lang ang natapos though I know he can be a pilot someday like he wanted to be dahil hindi issue ang pera.

"Ayaw mong gumising ah, sige ka. Ma-d-delay ang flight!" Makulit kong pinupog ito ng halik at inamoy-amoy ang mabangong kili-kili ni Evo na kinatawa at kanahagikgik naman nito.

"Mama! Stop it! I can't brea—" ani Evo sa pagitan ng pagtawa.

"Bangon ka na kasi d'yan."

"Opo, ito na po. Gigising na . . ." hinihingal nitong sabi sa akin habang pinulupot ang maliit niyang mga bisig sa batok ko, kaya tumigil na ako sa pagkiliti sa kaniya.

"Goooooooodmoooooooorrrrning to the most beautiful and sexy mama in the whole world!" masigla niyang bati sa akin sabay halik sa labi ko. Mas lumapad ang ngiti ko at hinalikan din siya sa labi.

"Ang bata mo pa pero bolero ka na."

"Mama! Nagsasabi lang ako ng totoo. Lalo na kahapon, ang ganda-ganda mo."

"Sus, maganda lang ba ako dahil may lipstick kahapon?"

"Siyempre po hindi. May lipstick o wala, ikaw ang pinakamaganda sa paningin ko. Hihi." Parang kinikiliti na naman ito habang nagsasalita kaya mas natutunaw ang puso ko sa kaniya. Ang pure kasi ng pagkakasabi niyang maganda ako kaya ako naman itong nabola niya.

"Oh sige na, bumangon na tayo at baka ma-late ka pa sa school mo."

Napatango siya. Binuhat ko na ito papunta sa may banyo, pinanggigigilan ko pa ang pisngi ni Evo hanggang sa matapos ko siyang igayak. Bumababa na kami para kumain at medyo minamadali ko ang pagkilos para hindi ulit kami mag-abot ni Trevor.

Ewan ko ba, parang na-enjoy ko 'yong pagtakas sa kaniya kaya hindi ulit ako natulog sa kwarto namin at mas maaga ulit akong gumising. Balak ko rin na puntahan si Trey at gusto kong tanggapin ang inaalok niya sa aking trabaho, pero, mukhang malabo na iyong mangyari nang makita ko si Trevor sa kusina.

"Good morning, Dada!" Kumawala sa pagkakahawak ko si Evo at nagmamadaling lumapit ito kay Trevor at humalik sa pisngi ng ama. Himala yata at ang aga niyang nagising ngayon, inaasahan ko na mamaya pa siya babangon lalo na at nakainom siya kagabi.

Nagkunwari na lang akong hindi ko napansin ang maaga niyang paggising at umupo ako sa tabi ni Evo. Ganado itong nagkwento tungkol sa mga natutunan niya sa school hanggang sa matapos siyang kumain.

"Halika na, Evo," aya ko. Tumayo na ako at handa ko na sanang samahan sa pagpasok si Evo nang sumunod sa amin si Trevor.

Bahagya akong kinakabahan sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, basta parang hindi maganda ang kutob ko lalo na at sa tuwing mapapatingin ako kay Trevor ay madilim ang tingin niya sa akin na para bang may ginawa akong mali.

At dahil ayokong harapin kung ano man ang kinaiinit ng ulo niya ay tatakasan ko na lang ulit siya. Akmang sasakay na ako ng kotse nang mahigpit niyang hinawakan ang pulso ko. Napatingin ako sa kaniya na malapad ang ngiti kay Evo.

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon