Kabanata 37

65.6K 2.2K 787
                                    

TREVOR

"I LOVE YOU every millisecond." I sweetly smiled at her while leering at her lovely face, shocked and mouth opened. She's still pure and innocent with those big eyes and rosy cheeks. I wanted her to feel that I'm truly and sincerely in love with her.

Wala akong ibang intensyon kundi ang mapangiti ko lang siya at umasa na balang-araw, mamahalin din niya ako. Itinaas ko ang kamay ko para sana pahirin ang pumatak na luha sa pisngi niya nang may lumipad na kamao sa mukha ko at napasubsob ako sa buhangin.

"Trey!" Lei screamed as we saw him and I met his blazing eyes.

"Gago! Hindi ka marunong lumaban ng patas!"

Akmang susuntukin ulit niya ako nang tumayo ako at ako na mismo ang sumuntok sa kaniya.

"Gago ka! Matagal na akong nagtitimpi sa 'yo!"

Hindi ko napigilang ibuhos ang lahat ng galit ko kay Trey simula noon at buong lakas ko itong sinuntok ulit hanggang sa tumabingi ang mukha niya. Kung nagagalit siya sa akin, pwes may mas karapatan akong magalit sa kaniya.

"Tama na!"

Pero imbis na magpaawat kami ay walang tumigil sa amin ni Trey. Sinundan niya ng suntok ang bawat suntok ko sa kaniya hanggang sa gumulong na kaming dalawa sa buhangin.

"Gago! Sabihin mo, ano ba talagang problema mo sa 'kin!? Noon pa man, alam kong may galit ka na kaya mo siya pinakialaman!"

He growled in pain and he slouch on top of me, he hardly punched my face and I didn't expect that he knew why I take Lei on his birthday—but he is jerk than I am, he slept with her even we are still married and he took advantage of our situation. Sinamantala niya ang galit ni Lei para sa sarili niya kaya wala siyang karapatan na magmalinis.

"Sinabi kong tama na! Tumigil na kayo!"

Sa sobrang gigil ko sa naisip ay mabilis kong napagpalit ang pwesto namin at ako itong sumuntok sa mukha niya nang paulit-ulit.

"Tarantado! Gusto mo malaman! Huh! Dahil gago ka! Gago kayong mga Del Valle! Gago kang animal ka!"

Buong lakas ko siyang pinagsusuntok hanggang sa makita ko kung paano siya maligo sa sariling dugo habang gulong-gulo ang isip niya.

Wala siyang alam pero hindi ibig sabihin no'n mapapalagpas ko na kung paano nila ako gawing demonyo.

"A-anong ibig mong sabihin?" hirap nitong tanong pero hindi ko napigilan ang sarili ko na suntukin ulit siya.

"Gag—"

Bago ko pa siya masuntok ulit ay sinalubong ulit ako ng kamao niya kaya nahulog ako mula sa pagkakaibabaw sa kaniya at agad niya akong kinuwelyuhan saka akong hinila patayo.

"Linawin mo ang sinabi mo!"

"Tss! Gago ka, katulad ka rin nila. Mga demonyo—"

"Sumagot ka!"

"Sinabing tama n—ahhhh . . ." Bigla kaming natigilan ni Trey nang marinig ang pagdaing ni Lei.

Agad kong itinulak si Trey at mabilis na nilapitan si Lei. Bakas ang sakit na gumuguhit sa mukha niya.

"Lei . . ." nag-aalala kong sabi pero wala akong ibang makitang sugat sa katawan niya kaya mas kumabog ang dibdib ko sa takot.

"Lei—"

"Ahhhhhhhhhh!" sigaw niya habang mariin siyang napakapit sa akin at hindi ko malalaman ang gagawin ko hanggang sa makita kong may umaagos na dugo sa pagitan ng mga hita niya.

"Lei . . ." mahina kong bulong at hindi makapaniwala. Tila bumalik sa akin 'yong nangyari noong nakunan si Cassie at muntikan na rin makunan si Lei no'n kay Evo.

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon