Kabanata 30

89K 2.3K 1.7K
                                    

A/N: It is my most awaited part but I know some of you will curse or hate me with this chapter so I apologize as early as now, bbs.  But I already put the warnings on the first page. Hope you understand. Enjoy!

LEI

"CALLEIGH, ANAK." NAG-ANGAT ako ng tingin kay Dad and he sweetly smiling at me and greeted me a good morning.

"Nakahanap na ako ng driver at personal bodyguard mo. He will be there anytime," nakangiti niyang sabi sa akin. Sinabi ko na sa kaniya na hindi na iyon kailangan pero mapilit siya. Mas mapapanatag daw ang loob niya kung alam niya na may kasama akong bodyguard at the same time driver na rin para hindi ako nahihirapan mag-commute, though sinabi ko na sa kaniya na okay lang talaga ako at nandiyan si Trey na minsan ay sinusundo at inihahatid ako sa mga bakante niyang oras.

"Sir."

"Oh, nand'yan ka na pala siya. Calleigh, siya ang personal driver at bodyguard mo," nakangiting sabi ni Mr. Castellano habang literal na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Trevor na nakabihis pang-driver at hindi tulad ng nakagawian niyang mga damit.

"Good morning, Ma'am," malapad at matamis ang ngiti na bati niya sa akin. Napatingin ako kay Dad at bago pa ako makapagsalita ay hinalikan na ako nito sa noo.

"Mauuna na ako sa 'yo, Calleigh. Be a good girl, princess," paalam niya sa akin at bumaling kay Trevor. "Ikaw na bahala sa anak ko." Sabay tapik niya sa balikat ni Trevor. Gusto ko siyang tawagin pero mabilis siyang nawala sa paningin ko.

"Aalis na ba tayo? O mag-a-almusal ka muna?" tanong ni Trevor na kinasama ng tingin ko sa kaniya.

"Anong kalokohan na naman ba 'to!?" gigil kong sigaw sa kaniya pero nakangiti lang siya.

"Nagtatrabaho ako. Nabalitaan ko kasi na naghahanap ng driver at bodyguard si Mr. Castellano kaya nagpresinta ako. Sayang naman ang pagiging black belter at sharpshooter ko kung hindi ko magagamit, 'di ba?"

Naikuyumos ko ang kamao sa naging sagot niya. Hindi ko alam kung pinipilosopo ba niya ako o iniinis. Wala ba siyang ibang gagawin at ang dami niyang oras para sirain ang araw ko? Paano 'yong kompanya niya kung nandito siya?

"Hindi ko kailangan ng driver at personal bodyguard." nagngangalit kong singhal sa kaniya at nilagpasan ko siya. Tinext ko si Trey at mas gugustuhin ko pang mang-abala ng ibang tao kaysa makasama si Trevor.

Hindi pa nagsisimula ang araw ko pero nasira na agad iyon. Kailangan kong makausap si Dad para paalisin niya si Trevor. Tatanggapin ko ang lahat ng ibibigay niyang driver at bodyguard pero 'wag lang si Trevo—pero napaisip ako kung tama bang sabihin sa kaniya na kasal ako sa isang Trevor Del Valle. Napapikit ako nang mariin at lumabas ng bahay nang mabilis na mahawakan ni Trevor ang balikat ko.

"Teka, saan ka pupunta?"

"Wala kang pake!"

"I care, Lei."

"Dahil, ano? Trabaho mo? Pwes, sesante ka na agad," singhal ko sa kaniya at akmang tatalikuran ko na ulit siya nang pigilan niya ulit ako.

"Hindi mo ako pwedeng sesantihin at oo, trabaho ko ito kaya ko ito ginagawa, pero kaya ako pumasok dito ay para makasama ka, mabantayan kita, maihatid ka nang ligtas sa mga pupuntahan mo at masiguradong hindi ka mapapahamak."

Nagsusumamo ang mga mata niyang napatingin sa akin habang hawak ang kamay ko.

"Kaya please lang, Lei. Hayaan mo ako na pagsilbihan kita. Alam kong hindi sapat 'yong mga sinabi ko, 'yong mga ginagawa ko nitong mga nakaraan pero maniwala ka, gustong-gusto kong makabawi sa 'yo, gustong-gusto kong maramdaman mo na totoo lahat ng sinabi ko, na kailangan kita, na pinagsisihan ko na lahat, handa akong magbago at higit sa lahat mahal kita, mahal na mahal kita, Lei."

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon