Kabanata 36

71.6K 2.2K 513
                                    

LEI

"OMG! WHAT TO do now, Bree?" Anna asked as he hurriedly walking on my direction but I am more worried on a man who got an injury and rush to a nearest hospital with our medical team.

Mahirap 'yong stunt na ginagawa niya at namali ito ng bagsak. Nagulat talaga kami sa nangyari at hindi ko inaasahan na may ma-i-injured sa mga kasama namin.

I should expect things like this because we are filming a romantic-action movie and it involves breathtaking stunts—yet, I'm not ready for this kind of incident.

Wala kaming kasamang backup team para gawin ang ibang stunts at ang mahirap pa, wala kami sa Manila para magtawag ng kapalit.

"I-I—" Hindi ko alam ang gagawin and even Trey didn't expect it, and he tried to calm the whole team.

"Bree, we can't stop from this. We have deadlines," nangungulit na sabi sa akin ni Anna and I know we have deadlines for this movie and we can't waste any time nor money to take another film in this area.

"Teka lang Anna, kumalma ka nga. Pati ako hindi makapag-isip dahil sa 'yo," natuturete kong singhal sa kaniya at naramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko.

"Lei, okay ka lang?" humahangos na tanong sa akin ni Trevor na siyang unang tumakbo papunta roon sa aksidente kanina. Napansin ko pang may bahid ng dugo ang damit niya kaya agad ko siyang inabutan ng tuwalya. Kinikilabutan kasi akong makakita ng dugo at parang nagtataasan ang lahat ng balahibo ko.

"Mag-ayos ka nga." Hindi ko siya magawang tingnan at kinuha niya naman ang tuwalya sa kamay ko.

"Try mo tumawag sa studio, ask them if they can send another stuntman," sabi ko kay Anna at tumatango itong sinunod ang sinabi ko. Nagkagulo at hindi ko mahagilap ang assistant namin kaya kay Anna na ako nagbilin na siyang mas maraming kontak kaysa sa akin.

"Kailangan n'yo ng stuntman?" tanong ni Trevor at tumango lang ako sa kaniya. Binalikan ko iyong script at mariin kong nakagat ang ibabang labi ko nang mapagtanto na hindi ko pwedeng alisin ang part na ito, kung saan tatalon ang bidang lalaki sa may motor at napakarami pang stunts na involve dito sa area.

"Pwede ako." Mabilis akong nag-angat ng tingin kay Trevor at agad na umiling sa kaniya.

"Tumigil ka, hindi oras ngayon para magpasikat," inis kong singhal sa kaniya.

Akala niya ba gano'n lang kadali ang trabaho ng mga stuntman? Buwis-buhay iyon at pwede siyang mapahamak lalo na at hindi niya iyon napagpraktisan.

"Bree, baka bukas pa raw makarating," kunsomidong sabi ni Anna at lumapit na rin sa amin si Trey.

"We can wait for them till tomorrow, mag-stay na lang ulit tayo for another night."

"Teka, overnight ulit? Ako na lang ang gagawa para matapos na 'to at wala ng overnight."

"No!" Mabilis kong kontra na suggestion ni Trevor at literal na gulat silang napatingin sa akin.

Sinabi ko naman na kasi sa kaniya na hindi pwede pero ang tigas talaga ng ulo niya at ayaw niyang makinig at ano? Ipinarinig niya pa talaga sa iba.

"Ayaw ni Bree. I'll cancel this taping—"

"Gagawin ko nga, 'di ba."

Nagkatinginan ulit sila ni Trey and here we go again, nagsisimula na naman silang magkainitan. Ganiyan ba talaga ang mga lalaki? Kahit anong sabihin mo parang wala silang pinapakinggan at 'yong gusto pa rin nila ang masusunod.

"Go ahead. Desisyon mo 'yan."

"Trey," suway ko kay Trey na ang tingin pa rin ay na kay Trevor, and obviously he wants to prove himself again. I shut my eyes and try to control myself, nangako siya sa akin na hindi niya na papatulan si Trey pero ito na naman siya.

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon