Kabanata 14

78.9K 2.6K 344
                                    

LEI

I WAS RUSHING to the room and never care how I look like and as I open the door, it caught everyone's attention. They are surprisingly staring at me while I'm still catching my breath and holding my knees.

"Hi?" nahihiya kong bati sa mga ito at maayos na tumayo, tipid na napangiti at nahihiya sa biglaan kong pagpasok. Napailang kurap ako sa kanila bago parang walang nangyari at nagbalik ang mga ito sa kaniya-kaniya nilang mga gawain.

Everyone seems to be busy preparing the whole area, some of them are placing the umbrella lights, three of them takes the closet and put makeups on the artist, everyone has their own task. I was literally shocked and amazed with this big studio and it feels like I'm taking steps near to my dream.

"Lei!" Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng boses and I can't help but to sweetly smiled at him as he walked on my direction with a huge smile and a spark in his eyes.

"Glad you came. Akala ko talaga hindi ka na sisipot," he said as he handed me a cup of coffee and I gladly accept it.

"Hindi kita matiis," nakangiti kong biro kay Trey. Naging buo na ang desisyon ko ituloy at tanggapin ang offer niya sa akin kahit pa may kaunting kaba sa dibdib ko. Inisip ko na lang na hindi ito sabihin kay Trevor kaya nga habol hininga ako nang dumating dahil sa hinintay ko muna siyang makaalis ng bahay.

"Everyone, listen." Kinuha ni Trey ang atensyon ng marami at sa pangalawang pagkakataon ay dumapo ang mga tingin nila sa akin. Kinakabahan ako at iniisip kung ano kayang magiging reaksyon nila kapag sinabi ni Trey na isang baguhan ang mag-di-direk ng movie.

Ipinulupot ni Trey ang braso niya sa balikat ko at matamis na ngumiti. Nabawasan ang kaba sa dibdib ko at napatango ako para sabihin na okay na ako.

"This is Calleigh Bree Del Valle, she will be the director of this movie. Please be nice with her," pagpapakilala sa akin ni Trey at napatitig silang lahat sa akin. Hindi ko mabasa ang nasa isip nila, at hindi ko akalain na lahat sila ay ngumiti sa akin at may ilan pang kumaway.

"Hello, Calleigh."

"Hi, Calleigh."

"Hello."

Masyado yata akong na-o-overwhelmed sa pagbati nila at pakiramdam ko ay welcome na agad ako. Siguradong hindi ako mahihirapan na magtrabaho dahil mukha silang mababait at approachable.

"Lei, I want you to meet Anton, one of our best stylists. Anton, this is Lei."

"Duh! I'm the best stylist. Hi, Bree, just call me Anna. Anna ganda, Anna sexy, Anna na kakabog sa beauty ni Anna bebe!"

Mataray pero kabog ang pag-angat niya sa dibdib niya na wala namang naka-umbok. Akala ko talaga ay lalaki siya dahil hindi siya nakabihis babae, pero mukhang mas malambot pa siya sa akin.

"Anton, she's Lei not Bree," pagtatama ni Trey sa pangalan ko na ikinairap nito at ikinahawi pa sa maikli niyang buhok.

"Bet ko yung Bree, mukhang palaban ang dating kaysa sa Lei na medyo malamlam. Wait a minute."

Gulat pa akong napaatras nang bigla niyang ilapit ang mukha sa akin, nakapatong ang baba sa kamay niya at tila masinsin akong sinusuri. Umikot pa siya sa akin at dama ko talaga ang bawat paghagod ng tingin niya.

"May pwet ka naman, may dibdib din at may hulma ang katawan, ang buhok . . . maganda, medyo may mga split ends lang ang dulo at masyadong boring ang straight hair. Duh! And the face!" Napakurap pa ako sa kaniya nang muli niyang ilapit ang mukha sa akin. Parang gustong tumalon ng puso ko sa ginagawa nitong si Anto—este si Anna pala.

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon