Kabanata 6

79.2K 2.3K 139
                                    

LEI

NAKANGITI KONG ISINUOT kay Evo ang jacket at tuwang-tuwa ako habang pinopolbohan ko pa ang mukha niya, pero napansin ko siyang nakasimangot.

"What's wrong, sweetheart?" tanong ko at hindi ko mapigilang mag-alala. Kanina nga lang ay ang saya-saya at ang sigla niya pa bago kami umalis ng bahay. Siya pa mismo ang gumising sa akin at hinila ako para gumayak. Ayaw niya kasing mahuli kami sa foundation day nila.

"Mama, hindi na ba darating si Dada?"

Hindi ako nakakibo sa naging tanong niya sa akin at hindi ko rin alam kung ano bang dapat sabihin sa kaniya o kung anong klaseng palusot ang sasabihin ko.

"And for the next performance, let's call on for Trevor Del Valle junior!" Saktong narinig ko 'yong emcee na tinatawag na si Evo kaya pilit akong ngumiti at tumayo para igayak siya papunta sa stage.

"Sige na, Evo. Ikaw na 'yong susunod."

"Ayoko nang sumayaw, wala rin naman si Dada. Nangako siya na pupunta siya pero anong oras na tapos wala pa rin siya."

Kumawala siya sa pagkakahawak ko at nagsumiksik sa may isang sulok. Nakita ko ring ang pamumula ng mga mata niya na halatang pinipigilan ang umiyak habang nakahalukipkip ang mga braso.

"Mrs. Del Valle, si Evo na ang susunod. Ready na ba kayo?" tanong sa akin nung teacher ni Evo na nag-aalala na baka hindi na matuloy ang performance ng bata. Bakit ba kasi wala pa si Trevor? Nangako siya na pupunta siya ngayon dahil napili si Evo ng teacher niya na sumali sa pageant at siya pa nga mismo ang nakipag-usap sa teacher ni Evo, iyong araw na kabado ako na baka kung anong kalokohan ang ginawa ni Evo pero pag-uwi ni Trevor ay napangiti ako sa balitang dala niya, kaya imposibleng nakalimutan niya ito.

"Sandali lang po, Ma'am. Kausapin ko lang sandali si Evo." Pilit akong ngumiti na tinanguan naman nito. Nilapitan ko si Evo na walang kibo at masama ang tingin sa kawalan, pero bakas at nararamdaman ko ang sama ng loob niya.

Nakangiti kong hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Salubong ang kilay niyang napatingin sa akin. Kamukhangkamukha talaga niya ang ama niya. Ganitong-ganito ang itsura ni Trevor kapag galit at naiinis sa akin.

"Captain Evo, kapag ba ang eroplano mo ay nasira at wala ang co-pilot mo, hahayaan mo na lang ba ang mga pasahero mo?" Napailing siya sa akin kaya mas lumapad ang ngiti ko.

"Then perform. Hindi lang ang Dada mo ang kasama mo sa paglipad, nandoon din ako, nandito ako."

"Pero, Mama . . ."

"Magtatampo ako sa 'yo kapag hindi ka tumuloy. Gusto kong makita kang sumasayaw ro'n sa malaking stage. Kung ang problema mo ay dahil sa hindi makikita ng Dada mo ang performance mo, sige, i-vi-video ko. Okay na ba 'yon?"

Lumambot ang tingin niya sa akin at nakita ko kung paano nalukot ang labi niya at tuluyang pumatak ang luha mula sa kaniyang mga mata. Bigla na lang din siyang napayakap sa akin habang yumuyugyog ang balikat. Doble ang sakit na nararamdaman ko nang makita ko siyang nasasaktan. Matitiis ko ang lahat ng sakit pero hindi ko kayang makitang nasasaktan ang anak ko.

Marahan kong hinagod ang likod niya bago ako bumitiw sa pagkakayakap niya. Hirap man akong ngumiti, pinilit kong ipakita ang isang matamis na ngiti kay Evo, ngiti na puno ng pag-asa. Hindi ako pwedeng maging mahina, kailangan na ako mismo ang magbigay ng lakas ng loob sa kaniya.

"Sige na, Captain Evo, excited na si Mama na makita ang kendeng mo," natatawa ko pang biro sa kaniya habang pinupunasan ang kaniyang pisngi. Pilit siyang ngumiti sa akin at tumayo naman ako para tapikin ang balikat niya.

"Go, go, Captain!"

Nakangiti siyang kumaway sa akin bago siya tuluyang tumungtong ng entablado at kita kong nabuhayan siya ng loob.

Saktong pagtalikod sa akin ni Evo ay pumatak ang luha ko. Hindi ko alam kung dahil sa sakit na makita siyang nasasaktan o dahil sa tuwa na makita kong nagpapatuloy siya sa paglaban. Tama, dapat laban lang, at lalaban din ako para sa 'yo, malakas ako dahil sa 'yo.

"MANANG! MANANG! LOOK, I won! I got this big trophy!" Pagbaba namin ng sasakyan ay hindi ko na napigilan si Evo na magtatalon sa tuwa at pinagyabang na rin agad ang malaking trophy na inuwi niya, kahit nga sa mga nakasalubong namin sa labas kanina ay hindi siya nahihiyang kausapin ang mga ito.

"Uy, mas malaki pa sa 'yo 'yang trophy mo."

"Yes! Yes! Sabi ni teacher, ang galing ko raw kasing magdance. Mama, pakita mo nga kay Manang 'yong video. Bilis na,

Mama!"

"Oo, ito na. Sandali lang."

Hindi maalis ang ngiti ko mula pa kanina. Kita ko sa mga mata ni Evo ang sobrang tuwa sa pagpakanalo niya. Ipinahiram ko na lang ang phone ko sa kanila at napa-upo ako sa sobrang pagod. Sulit lahat dahil masayang-masaya ang anak ko. Hapon na rin at hindi ko napansin ang oras, napagod kasi ako sa dami ng ginawa sa school ni Evo.

"Ma'am, tubig po."

"Ay, salamat."

"Nakapagluto na rin po ako ng hapunan."

Nakangiti akong nagpasalamat kay Manang at akmang aalis na ito nang matigilan siya nang tawagin ko. Napatitig pa siya sa akin at tila hinihintay ang sasabihin ko pero nagdadalawangisip ako kung itatanong ko pa ba iyon kay Manang. Nilingon ko muna si Evo na madaldal na ibinibida 'yong trophy niya sa isang katulong namin.

"Umuwi na ba si Trevor?" bulong ko kay Manang na agad nitong ikinailing.

Tipid akong ngumiti at tumango na lang sa kaniya. Naikuyumos ko ang kamao ko sa sobrang inis. Hindi ko kayang palagpasin ang ginawa ni Trevor kanina, ibang usapan na pagdating kay Evo.

"Lei!" Napabalik lang ako sa realidad nang bigla na lang sumulpot si Kiko sa harapan ko. Humahangos pa siya nang lapitan siya ni Evo at ipinakita ang trophy nito. "Tito, look at my big trophy!"

"Wow! Ang ganda naman n'yan."

"Nanalo po ako sa contest! Sumayaw po ako!" bida ulit ni Evo na ikinangiti naman ni Kiko.

"Evo, palinis ka muna kay Manang. Kausapin ko lang ang Tito Kiko mo. Manang, pakilinisan naman si Evo," utos ko kay Manang. Mukhang hahaba pa kasi ang kwento ni Evo kay Kiko gayong nakikita ko kay Kiko na may sasabihin siya sa 'kin.

"May problema ba?" tanong ko sa kaniya at umupo kaming dalawa. Nagulat pa nga ako nang hawakan niya ang magkabila kong balikat.

"Lei, hindi ba nag-e-emcee ka?"

"Huh? Emcee?"

Tumango-tango pa siya sa akin. Mga sideline ko iyon noon para may pangsuporta ako sa pag-aaral ko. Hindi kasi ako mayaman tulad nila Trevor kaya kahit anong raket, pinapasok ko. At para na rin makatulong ako sa gastusin sa ampunan na siyang ipinagkatiwala sa akin ng pinakamatandang madre, ako lang kasi ang hindi umalis at umaasa sila na mapapangalaagan ko nang maayos ang ampunan sa kung paano nila iyon iningatan.

"Great! Mag-ayos ka at ikaw ang mag-emcee sa homecoming."

"Sa homecoming?" gulat kong tanong sa kaniya na ikinatango niya.

"May biglaan kasing emergency 'yong kinuha kong emcee kaya hindi makakapunta. Mamaya na iyon at kapag nalaman ni Fatima na pumalpak ako, hindi ako makaka-score mamayang gabi. Kaya sige na, pumayag ka na," nakikiusap niyang sabi sa akin at parang ayoko namang sumang-ayon sa kaniya. Nalulutang ang isip ko at hindi ko alam na ngayon pala iyon at hindi man lang ako sinabihan ni Trevor.

Huwag kang tanga, Lei. Malamang hindi niya sasabihin sa 'yo dahil ayaw ka niyang isama.

Napatingin ako kay Kiko at mahigpit na namilog ang kamao ko sa biglangpumasok sa isip ko. Ito ba ang dahilan kung bakit hindi niya sinipot si Evo?Mas mahalaga ba talaga para sa kaniya ang homecoming kaysa sa anak niya?Homecoming nga ba talaga ang dahilan o baka naman si Cassie?

🦋🦋🦋
CreepyPervy

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon