Kabanata 41

71.2K 2K 430
                                    

LEI

"TREVOR!" HABOL HININGA akong napabangon mula sa pagkakahiga at tagaktak ang pawis. Parang totoo 'yong panaginip ko, hinihila ng kawalan palayo si Trevor hanggang sa tuluyan na itong kainin ng dilim.

Mabilis kong kinuha ang phone ko. Kagabi pa ito naka-charge hanggang sa nakatulugan ko na lang. Wala pa ring text na kahit na ano si Trevor at halos pasado alas-diyes na ng umaga at wala pa ring bakas ng isang Trevor Del Valle.

Nagmamadali akong nag-ayos at lumabas ng kwarto. Nagtatakbo ako papunta sa labas para tingnan kung nandoon na siya, pero bakit gano'n? Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko nang hindi ko mahagip kahit ang anino niya. Mahigpit akong napahawak sa phone ko at parang tangang naghihintay kahit isang text.

Kagabi pa ako balisa, masama ang kutob ko. Napapikit ako nang mariin bago muling tinawagan si Trevor, pero tulad kanina cannot be reach pa rin ito.

I stopped for a while when I heard a car crashing to our yard. Akala ko si Trevor na iyon pero sasakyan ni Trey ang dumating.

"Lei . . ." His woeful voice and dismissal gazed turned my knees in jelly. I shook my head and forced a smile as I foresee his wits.

"Please tell me, I'm wrong." Nanginginig ang kamay ko. Hinawakan niya iyon at nangungusap ang mga mata ni Trey.

"I'm sorry," he said. My whole world suddenly collapsed and almost fell as he abruptly caught me.

"Lei . . ." tawag pa niya sa akin at naubusan ako ng lakas para tingnan si Trey. Sobrang naninikip ang dibdib ko at iniisip ko pa lang ay hindi ko na matanggap.

Nanlulumo ako, hindi ko magawang mag-isip nang tama. Ayokong maniwala at gusto ko itong makita mismo ng mga mata ko.

"Whe-where is he? Gusto ko siyang makita," buong lakas kong untag kay Trey at tumango ito sa akin. Inalalayan niya pa ako para makatayo at makalakad nang maayos.

Walang luha ang pumapatak sa mata ko, namamanhid din ang buo kong katawan. Ganitong-ganito ang naramdaman ko nang bawiin sa akin si Evo, pareho ng sakit at sana . . . sana hindi pa huli ang lahat.

HINDI KO MAGAWANG humakbang papasok sa loob pero dinig ko na mula sa kung nasaan ako ang mga hikbi ni Mom. Nahigit ko ang hangin at nanginginig ang kamay kong pinihit ang seradura ng pinto. Dama ko ang bigat sa buo kong katawan. Parang hindi ko siya kayang harapin. Halos mawalan ako ng lakas at nanatiling nakaalalay sa akin si Trey.

Nanikip ang dibdib ko at nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata ko nang mapatingin ako kay Trevor. May mga aparatong nakakabit sa katawan niya habang dinig ko kung paano pumipitik ang makina na siyang nagsisilbing suporta sa buhay niya. Tumigil sa paghikbi si Mom at namumula ang mga mata nitong nilingon ako.

"Le-Lei . . ." mahinang sambit niya. Napakapit ako nang mahigpit kay Trey nang muli kong tinanaw ang walang malay na si Trevor. Naka-benda rin ang ulo nito at may ilang pasa.

"Lei!" sigaw nila nang tuluyan nang manlabo ang paningin ko at nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Naramdaman ko pang binuhat ako ni Trey at narinig ko ang pagkakagulo nila, but I can't hold seeing him unconsciously and helpless. For the second time, my world falls apart. How could he break his promises and leave me hanging after he makes me feel love and special? Napaka-unfair niya!

"SI . . . TREVOR PO?" She clamps a hand to her mouth, trying to suppress her tears. Her puffy and bloodshot eyes are evident of her grievances.

"Hu-huwag kang mag-aalala, Lei. Gigising din si Trevor. Gigising siya," naiiyak at pumipiyok nitong sabi sa akin. Napatingala ako para pigilan ang mga luha ko.

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon