CHAPTER 1

11.6K 194 1
                                    

"Are you sure you want to do this?"

Nakangiting sinulyapan ko ang naging ama-amahan ko ng mahabang panahon matapos mawala ang aking mga magulang. Nakalulungkot na magpapaalam na ako sa kanya. He's nothing but a great father to me.

"I'm sure, padrino. Thank you for everything." sinserong sabi ko.

Nagsisimula na ring mamuo ang luha sa mga mata ko. Ayokong umalis pero ito ang kailangan kong gawin. Rafaelle's have his woman now. I'm no longer needed to be his so-called-fiancé. After all, it's just a play that I and the mighty Realandro created.

"Sì. I'm gonna miss you, daughter."

Mula sa kinauupuan ni Realandro ay tanaw niya na rin ang nagbabadyang pagtulo ng luha nito. Tumalikod ako. Nasasaktan ako. It's like leaving my father behind. He may not be my biological father but he treated my like his own daughter. Never in my entire stay here made me felt an outsider. The Moretti's became a huge part of my heart and I'll always remember them. I will always remember my father, Realandro Moretti.

Kinuha ko na ang maleta ko. Mahigit sampung taon din akong nanirahan sa mga Moretti. Mabigat sa dibdib na aalis ako at iiwan ang mga taong naging malapit na sa puso ko.

Nagtungo na ako sa pintuan ng opisina sa mansyon ni Realandro. Ngunit bago ko pa mapihit ang doorknob...

"I wish you your happiness with Raven..."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Paano niya nalaman? Paano niya nalaman ang tungkol kay Raven?

"So tutto, mia figlia. So tutto." I know everything, my daughter, I know everything.

Abot langit ang kaba ko at nilingon siya. Hindi ko maitatangging napaka-makapangyarihan niya na tipong kahit pinakatatago kong sikreto, alam niya rin.

Nginitian niya lang ako at kumaway ng mahina. Senyales na kailangan ko nang magmadaling umalis.

Tumungo ako at tuluyan nang binuksan ang pintuan. Mabibigat ang mga yabag na tinahak ko ang daan pababa ng bulwagan. Agad na may lalaking nag-asikaso ng maleta ko.

"Aria. Are you sure you want to leave?"

Sinalubong ako ni Lianilda. Ang aking naging ina-inahan ng matagal na panahon. Sa gilid niya ay si Riccolo na malungkot na nakangiti sa akin. Alam niya kung saan ako pupunta. Alam niya din kung sino ang makakasama ko.

Ngumiti ako kay tita Lianilda at mahigpit siyang niyakap. Tuluyan nang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Masakit. Masakit mawalan ng mga magulang. Ngunit parang mas masakit pa ang mamaalam sa mga taong minahal mo ng totoo.

Wala silang ibang ginawa kundi maging mabuti sa akin. Inalagaan at pinag-aral sa isang sikat na paaralan abroad. Tapos anong isusukli ko? Ang iwan sila?

Ngunit buo na ang loob ko. Kailangan kong gawin ito. Dahil habang nasa poder ako ni Realandro, kontrolado niya ang buhay ko. Hindi ito dahil sa wala akong utang na loob, kundi kailangan ko din lakaran ang buhay ko. Naging parte man ako ng pamilya nila, hindi parin ako tunay na Moretti. I'm still a Roccini.

"Sì, mamà. I will call you or text you when I get there."

Hinagod niya ang likod ko at pinunasan ang mga luha ko. Nagtawanan kaming dalawa. Para namang mamatay na ako at ganito kami mag iyakan.

"Mag-iingat ka lagi ha? Kapag may panahon ka, tumawag ka sakin. Mi mancherai, mia figlia."

I smiled. "I'm gonna miss you too mamà."

Bumaling ako kay Riccolo at mahipit na niyakap siya. This man became my best friend. I'm sure I will miss him so bad.

"Call me when he made you cry. I'm gonna kill him." mahinang bulong niya sakin na kami lang nakakaalam, habang mahigpit na niyakap ang maliit kong katawan. Ginulo niya ang buhok ko.

I chuckled. "He won't." Confident kong sabi at kumawala na sa yakap niya.

Tinawag naman ako ng isa sa mga bodyguard ng mga Moretti. Ang magiging personal butler ko ngayong pag-alis ko, isasama ko siya. Utos ito ni Realandro. Wala naman akong magagawa kundi sumunod na lang. Isa pa, it would benefit me too to have Dave with me. He's four years older than me. I'm twenty five.

Inayos na namin ang gamit ko sa trunk ng SUV at sumakay na ako. He will drive me to where I'm going.

Nang umandar na ang sasakyan ay binaba ko ang bintana at kumaway sa mga taong iiwanan ko sa mansyon. It felt like I'm being torn into pieces. Masakit mawalay sa mga taong tinuring ko nang pamilya. Pero kailangan kong gawin to.

Pinunasan ko ang luhang lumandas sa pisngi ko.

"Saan tayo, signorina?" Rinig kong tanong ni Dave na nagmaneho na palabas ng mansyon.

"Sa PR Moretti Group of Companies tayo, Dave. I need to say goodbye to Rafaelle." And to his girl.

Masaya akong nahanap na nila si Veronica. And I also need to talk to her and explain my side. Alam kong nasaktan ko siya noong araw ng Company Party. Though there's no need to, but I still want to know her and say sorry to her. After all, she'll be my sister-in-law soon. Natawa na lang ako sa naisip ko.

The Moretti never treated me with indifference and I love them for that.

"Copy, signorina."

I smiled as I watched the view outside the backseat window. I'm gonna miss this.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Nilabas ko ito sa pouch ko at mas lalong ngumiti nang makita ang pangalang nasa screen.

"Tesoro..." his deep yet sweet voice echoed the other line.

Raven.

The Billionaire's Little Secret | RBS 2Where stories live. Discover now