Chapter 25

4K 120 1
                                    

ARIA

GABI na nang bumalik kami ni Alexus. Tahimik lang kaming nagmeryenda kanina sa terrace ng tree house. Hindi naman naging mabigat ang hangin kanina dahil sa katahimikan. Parang mas gumaan pa yata ang nararamdaman naming dalawa mula sa naging pag-uusap.

"What do you want to eat?" He asked when he finished talking to his caretakers.

Kinuha sa'min ni kuya John at ni Dino ang dalawang kabayo nang makarating kami sa kuwadra.  Agad nilang pinasok sina Gabriella at Dom sa loob.

"Ikaw magluluto?" Nakangiting tanong ko at sumabay sa kanyang maglakad patungo sa loob ng bahay.

The side of his lips rose. "Why? You like my cooking skills?"

"Let's just say, tinatamad akong mag-luto." I giggled. Hindi naman talaga ako tinatamad mag-luto. Gusto ko lang talaga ulit matikman ang mga luto niya.

Napansin kong puro filipino dishes ang niluluto niya pero laging may kakaiba. There will always be weird ingredients or unfamiliar herbs siyang dinadagdag sa putahe kaya mas lalong sumasarap.

Tumaas ang kilay niya at bahagyang natawa. Pinalibot niya sa bewang ko ang kanyang braso at hinapit ako sa kanyang gilid. He really like doing this.

"Fine."

Napapalakpak ako at pareho kaming natawa habang naglalakad papasok ng bulwagan.

"Magbibihis lang ako." Paalam ko. Tumango naman siya at dumiretso na sa kusina.

Umakyat na ako sa kuwarto at mabilis na nag half-bath. Nagbihis ako at sinuot ko ang isa sa mga binili ni Alexus. Its a pair of light pink pajamas. Sinuklay ko ang gulo-gulo ko nang buhok dahil sa hangin nang mangabayo pabalik.

Mabilis na nag-ayos ako. Tinabi ko muna ang camera at phone ko sa bedside table at bumaba na.

Naabutan kong naghihiwa ng kalamansi si Alexus. Nakapagpalit na rin pala siya ng damit. He's now wearing a fitted black shirt and sweatpants. Medyo basa pa ang kanyang buhok.

"Anong lulutuin mo?"

Umupo ako sa stool at nangalumbabang pinanonood siyang maghiwa ng maraming kalamansi.

He glance at me. Saglit na tumigil siya sa ginagawa at pinasadahan ako ng tingin. He blinked and went back to his work.

"Bistek."

Tahimik na nanood na lang ako sa mga ginagawa niya. Nag-enjoy ako masyadong titigan  siya habang nagluluto. Feeling ko tuloy ako ang prinsesa at siya ang knight in shining spatula. I laughed at my thoughts. Mukhang nilalamon na ako ng mga english romance novels ko.

"Here's your dinner, my lady."

Alexus placed the food in front of me gracefully. Natawa pa ako nang bahagyang nag-bow pa siya sa harap ko na para bang isang masipag na royal cook.

"Well thank you."

Ginaya ko ang kalokohan niya at nag-bow din ako. Hawak ko ang imaginary gown at yumuko sa kanya.

He chuckled and pinched my cheeks.

"Eat."

Magana kaming kumain. As usual, masarap talaga magluto si Alexus. Walang palya. Pero pag tinamaan ng katamaran, mag-yayayang kumain sa labas. 

"What can you say?" Tanong niya nang sumubo na ako.

Halos mapapikit ako sa sarap at lambot ng karne pero hindi ko ipinahalata sa kanya. I acted like normal.

"Okay lang." It's delicious!

Nagtaka naman siya. I saw him frown on my peripheral vision. I bit my lip when he grab a spoon and taste his cooking. Kumunot ang noo niya at masamang tumingin sakin.

The Billionaire's Little Secret | RBS 2Where stories live. Discover now