Chapter 35

3.7K 108 3
                                    

ARIA

Ilang beses kong nilingon si Alex gamit ang lumuluha kong mga mata. Patuloy ako sa pagda-drive sa takot na baka may sumunod na naman sa amin at sa pagtatangkang makahanap ng ospital. Pero habang tumatagal at napapalayo ay wala akong makita ni isang building o bahay man lang!

"Hang on me, Alex! Don't you fucking close your eyes!" hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko nang mapansin ang dumadanak na dugo sa kanyang braso at balikat.

Right there and then I knew he was shot! May dalawang butas ang kanyang dress shirt at tuloy-tuloy ang paglabas ng dugo mula rito.

He chuckled softly. Hinang-hina ang kanyang boses. I can almost sense my anger rising up! Hindi ko alam kung saan ako magagalit! Kung sa dinadaanan naming parang walang katapusang mga puno at kalsada, o dahil nagawa pa niyang tumawa sa gitna ng kalagayan niya!

"Y-you... j-j-just... cursed. This... is new," he coughed after saying those almost inaudible words.

I hit the speed. My tears can't stop from falling. Ayaw kong mawalan ng pag-asa! We badly need medic! And I'm so helpless dahil wala akong magawa! Ang tanging makakaya ko lamang ay ang mag maneho.

I glanced at him and I saw his hands clutching the part where the bullet is. Sa parte kung saan mas maramig dugo ang patuloy na tumutulo.

Mabilis kont itinabi sa isang gilid ang sasakyan. Hinawakan ko ang laylayan ng aking tshirt at pinunit ito. With trembling hands, I balled it and placed it to where his hands are. Hindi ako marunong sa mga ganitong bagay at naiinis ako sa kamangmangan ko ngayon!

"P-put it right t-there,l first. Don't talk and keep your eyes o-pen, Alexus! I'm getting us out of here," sabi ko matapos masigurong nailagay niya ang mga tela.

"O-okay," he whispered weakly. Pumungay ang mga mata ko at muling pinaandar ang sasakyan.

Halos mabuhayan ako ng loob nang makita ang dulo ng kalsada. Few establishments are peeking from the leaves of the trees. Mas pinatulin ko ang takbo ng sasakyan.

It's a small city. And I thank all the heavens when I saw a small hospital nearby the exit. Wala na akong pakialam kung balahurang nakaparada ang sasakyan. Tanging nakay Alex lang ang atensyon ko.

Tumakbo ako at nanghingi agad ng assitance sa mga nurses na nasa loob. Nahirapan pa akong kausapin sila sa language nilang griyego, pero laking pasasalamat ko'y may isang doktor na lumapit na mabilis naintindihan ang sinasabi ko.

Agad nilang dinaluhan si Alexus. Nanginginig ang mga kamay kong nakahawak sa kanya habang tinutulak ang stretcher papuntang operating room. His hands were cold and his eyes are looking at me tiredly. Mas lalong tumulo ang mga luha ko.

"I... I'm n-not g-going to... die. Silly... d-don't cry..."

"Stop talking and just... just stay with me!"

Tumigil na ako sa harap ng dalawang pintuan. Mabilis nilang inasikaso si Alexus sa loob. Patuloy naman ang pagbagsak ng mga luha ko dahil sa nangyari.

Hindi ko lubos maisip na may magtatangkang gumawa niyon samin! Bakit? Bakit kami hinahabol? Bakit kami pinaputukan? Bakit gusto nila kaming patayin?

Nanghahapong umupo ako sa isang bench at yumuko. Inisip ko kung may tao ba akong nakaaway o natakapan nitong mga nagdaang panahon. Kung may nakaalitan ba ako. Pero kahit gaano ko pa katinding alalahanin, wala. Wala akong makitang magbibigay motibo sa nangyari ngayon.

I never got into a fight! Wala akong nakaaway ni isa sa buong buhay ko! Or that's what I think? Kung mayroon mang may galit sakin, sino naman iyon?

The Billionaire's Little Secret | RBS 2Where stories live. Discover now