Chapter 45

4.1K 131 3
                                    

ARIA

Days passed us again in Alexus's place. Claudia is here safe and sound with her small belly bump. Gumaan naman kahit papaano ang pakiramdam ng magkapatid ngayong nandito kaming apat sa iisang bahay at nagpaplano para sa darating na event. The masquerade ball. 

Nasa dining room kaming lahat. Inaasikaso ni Alrius si Claudia habang nagluluto ako ng dinner. Si Alex naman ay busy sa kanyang laptop. Kahit pa nandito siya sa bahay ay nagtatrabaho parin siya. He didn't really abandoned his companies even though he asked me to run away with him. 

The worries inside me is still here. Nararamdaman ko kung gaano kaimportante kay Alex ang company niya. He worked so hard. Sacrificed blood, sweat and tears to reach where he is right now. 

Wala sa sariling napatingin ako sa singsing na nasa daliri ko. It didn't almost dawned on me. Na ako ang engaged kay Alex. Na sa kabila ng sitwasyon niya ngayon sa kanyang ama at sa mga Morgans, ako parin ang pipiliin niya. 

The diamond stone reflected the light from the chandelier. Napakaganda nitong tingnan kahit malaki ang bato nito. It speaks the cost and elegance. Pero kahit anong singsing pa ang ibigay sakin ni Alex, it's the symbol that matter. The ring symbolizes his love and dedication for me. At ganoon din ang gagawin ko sa kanya. 

Ang sabi niya, he didn't mind being chased be their father's men, kung ako ang magiging kapalit. And I wouldn't mind sacrificing my life if he's the blessing in the end. 

Napabalik ako sa ginagawa nang may mainit na bumalot sa bewang ko. Alexus's manly scent enveloped my nose. He hugged me from the back. 

"Hmmmm, smells delicious..." he huskily whispered in my ears. Namula agad ang mga pisngi ko. 

Inayos ko ang paghalo ng mga rekados. In few minutes matatapos na din ang niluluto kong Balsamic Glazed Chicken. Isang Italian recipe na tinuro sakin ni  Tita Lianilda. Living with the Moretti for years, halos puro pang Italian ang niluluto para kay Realandro. Hanggang sa nakalakihan ko na ito at iyon ang halos alam kong lutuin sa kusina. 

Naramdaman ko ang hininga ni Alex sa aking leeg. I can't help but to close my eyes and tilt it to the other side. Mas humigpit lalo ang yakap niya sa akin. My heart pounding so hard. 

"Hmmmm..." si Alex nang nagpatak ng mumunting halik sa aking leeg. 

Damn! Why is this man like this? Hindi ko alam na ganito pala siya ka... ano... ugh! I'm lost for words again.

"You smell so good, babe." 

"N-nagluluto ako Alex... wait..." my voice sounded like pleading for something. 

Hindi ko na tuloy matukoy kung ano ang mabangong naaamoy niya. Kung iyong niluluto ko o ang... pabango ko. 

He nuzzled his face even more on my neck. Namumungay ang mga mata kong nakatingin sa kanyang brasong nakabalot sa bewang ko. Halos mabitawan ko na ang spatula na hawak ko kung hindi lang iyon hinawakan ni Alex. 

"My baby's distracted. I wonder why..." bulong niya. Bahagyang lumalapat ang labi sa aking tenga. 

I bit my lip and blinked twice. Para akong natauhan sa kanyang sinabi at kinurot siya. 

"D-doon ka na nga! M-may tinatrabaho ka d-diba?" 

Binawi ko ang spatulang hawak niya at kumalas sa kanyang yakap. Naamoy kong hindi na nagiging maayos ang timpla ng niluluto ko. Nadistract agad ako sa paglapit ni Alex! Ano ba yan, Aria... 

"Yeah..." he chuckled. "I'm working for our papers... my soon to be Mrs. Mardoni." 

Mas lalo lang yata akong nawala sa ginagawa dahil sa kanyang sinabi. Hindi na magkamayaw ang puso ko sa pagpintig nito. 

The Billionaire's Little Secret | RBS 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon