Chapter 28

3.8K 107 4
                                    

ARIA

MASAKIT ANG ULO ko nang minulat ko ang mga mata ko. Nakasubsob pa ang ulo ko sa mga kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa.

Agad kong napansin ang sikat ng araw mula sa bintana. Napabalikwas ako at nag-ayos ng sarili. Oh gosh! Puno pa ng pintura ang damit at katawan ko!

Itinabi ko muna sa isang gilid ang painting na ireregalo ko kay Alexus. Sabi ko nga, lahat na ng bagay ay mayroon siya. He can buy anything he wants.

Marami na rin siyang painting dito sa bahay niya at puro pa iyon galing sa mga sikat na pintor mula sa iba't-ibang bansa.

Pero may napansin ako sa lahat ng iyon... puro landscapes o di kaya nama'y abstract. Kaya naisipan kong mag-paint ng something na wala sa kanya.

Sana lang magustuhan niya. Saglit na tinitigan ko pa ang imahe na nasa canvass. I smiled when I got satisfied on my work. Not bad.

Nag linis ako ng mga kalat. Inilagay ko sa isang plastic ang mga acrylics at binabad sa isang silver bowl ang mga paint brushes.

Inayos ko ang iba pang gamit na idedesign ko sa tree house mamaya. Doon ko siya planong sorpresahin pag-uwi niya. May trabaho pa kasi siya sa siyudad at maaga siyang umalis para roon. Kaya nagpasya akong magandang gamitin ang tree house kaysa sa kusina ng bahay.

My phone rings and I smiled when I saw his name.

"Good morning, my lady."  Bati niya sa kabilang linya nang sinagot ko ang tawag.

I giggled. "Morning. Nakarating kana sa office?" I asked.

"Yeah. Why? You missed me?" He teased.

I sighed exasperatedly and acted a little overreacting. Trip ko lang siya asarin.

"Yes. Sobrang miss na miss na kita. Umuwi ka na lang at dito mo nalang gawin ang trabaho mo. Hindi kumpleto ang araw ko pag hindi kita nakikita!" Dinramahan ko ng konti.

I heard him gasped on the other line. Natawa akong isiping naniwala siya?

"Fuck! Are you serious? I'm going home-" Agad ko siyang pinutol. Sineryoso niya nga! Hihihi!

"Joke lang! Ito naman hindi mabiro! Sige na mag work ka na diyan. I'm having breakfast. Bye!"

"Baby-"

I ended the call. Napailing na lang ako at natatawa nang maisip na uuwi talaga siya. Hay nako, Alex. If you continue doing weird things on me, I'm gonna fall hard and deep.

Nagbabad muna ako sa bathtub. I need to relax kahit ilang minuto lang dahil masakit pa ang ulo ko mula sa pagpupuyat kagabi. Halos dalawang oras lang yata ang tulog ko para lang magawa ang painting.

It was a big stretched-cotton canvass kaya mas mahabang oras ang kailangan para buong espasyo ang malagyan ng paint. Painting is my hidden talent. Wag niyo na akong pakantahin at pasayawin or patugtugin ng instruments, ito lang talaga. Mahilig lang akong makinig ng mga classical music pero ang tumugtog? Naaah. Hindi yata iyon pinagkaloob sakin. 

Minsan na akong tinuruan ni tita Lianilda kung paano tumugtog ng piano. Si Riccolo naman ay nagtyaga ding turuan ako sa violin pero wala akong natutunan. I just gave it up. Nahanap ko rin naman kung ano talaga ang gusto kong maging talento. Photography and painting. 

Ang painting at photography halos pareho lang. The only difference is that photography uses lenses while painting, brushes. 

NAGPUNTA ako sa kuwadra para hanapin si kuya John. Dala-dala ko ang mga paperbags at ang malaking canvass sa magkabilaan ko.

The Billionaire's Little Secret | RBS 2Where stories live. Discover now