Chapter 39

3.6K 118 6
                                    

ARIA

Shocked at when Alrius said, hindi ko na naituloy ang pagkain ko. What does he mean by that? I don't even think that I'm invited in that ball kaya bakit niya naisip iyon?

Natahimik kami dahil doon. Mukhang napansin ni Alrius ang tensyon sa hapag pero mukhang balewala lang sa kanya. I heard Alexus sighed heavily na para bang nabibigatan siya.

"It's... okay. I don't think I'm invited there. Hindi din naman ako member ng Underground." Sabi ko sabay inom ng tubig para mawala ang kabang bumabara sa lalamunan.

"Do you think this event will just be about the members and the underground stuffs?" si Alrius. Seryoso at parang nangungutya. I don't understand this man!

"Kuya," pigil ni Alex sa kanyang kapatid na ngayon ay seryosong nakatingin sakin.

What's his problem? Hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating! Bakit hindi niya ako diretsohin? He can just tell us straight to the point what he wanted to say.

"No Alex! I know this woman isn't just any woman in your life. Kaya nga siya nandito dahil tinatago mo siya kay Papa at sa mga Morgan! Don't you think she deserves to be known?" Alrius suddenly burst in front of me.

Ako? Tinatago? Hindi ko maintindihan! I look at Alex. Bakas sa mukha ko ang tanong at pagtataka sa mga sinasabi ng kapatid niya. Bakit ako tinatago at kanino naman? sa kanilang ama? At sino naman ang mga Morgan na yan?

"I'm not like you Kuya," si Alex nang bumaling sa kapatid. Hindi man lang niya sinubukang sagutin ang obvious nang mga tanong sa mukha ko.

"That's because you're a coward. You're always under that man's sleeves! Now look at you, trapped and caged into a marriage you don't even like!" Alrius slammed the table.

Napasinghap ako sa bigla niyang kinilos. Hindi ko na-imagine na magiging ganito kagulo ang dinner namin. They're fighting in front of the food! Isa pa, hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila. Alam kong masamang manghimasok dahil usapan nilang magkapatid iyon, pero hindi ko mapigilan dahil related din sakin iyon! And what did Alrius just said? Marriage?

Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Malinaw ang pandinig ko at sa lakas ng boses ni Alrius malabong magkamali pa ako sa narinig. Alexus is trapped and caged into a...

"K-kasal ka?" nanginginig ang labing bumaling ako kay Alex. My hands started to tremble on the table. Mukhang napansin niya iyon.

He gulped. Fear is visible in his eyes. I have always known him as someone who is secretive. May mga bagay siyang hindi sinasabi sakin and I respected that! Hindi ako yung tao na manghihimasok na lang bigla pag may gustong malaman. Pero parang sobra naman yata ang pagsisikreto niya?

"Almost. He's engaged!" si Alrius na ang sumagot sa tanong ko. Almost and he's engaged? What the hell is this?

"W-what? Is this true Alex? You're engaged?"

"Aria," he tried to reach for my hand pero agad kong iniwas iyon.

Binaling ko ang atensyon ko sa kanyang kapatid. Kahit na nagsisimula nang manakit ang dibdib ko, hindi ko gugustuhing umalis na lang bigla nang hindi nalalaman ang buong kuwento. It will be painful to hear the truth but nothing is more painful than the feeling of being betrayed. And I feel like Alexus just betrayed me right now. I'm staying with him because I love him! Hindi ko alam na maling-mali na narito ako sa bahay ng isang lalaking ikakasal na!

"Tell me about... it," garalgal na ang boses ko dahil sa namumuong luha.

"Kuya, don't you fucking dare!" Alexus' voice echoed the dining room. Galit na galit sa kapatid.

The Billionaire's Little Secret | RBS 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon