Chapter 33

3.8K 116 2
                                    

ARIA

KINABUKASAN, nasa isang Cafe ako ng hotel. Sobrang napaaga ang gising ko kaya nagdesisyon akong bumaba na lang sa lobby. Nakita ko kasi ito noong nag book ng suite si Alexus kagabi. Buti na lang ay 24 hours open ang kapihan.

I put some sugar cubes on my black coffee. I like the strong and bitter taste of it but this time, I want some sweet.

Wala sa sariling hinalo-halo ko ang inumin. Napadpad ang isipan ko sa kalagayan ni Veronica. I have known her for a very short time and I find her so sweet like a goddess. Hindi ko halos maisip na mararanasan niya ang ganitong mga bagay.

The scars and marks on her body tells me that she's been through hell in her past. I can safely assume that that's the reason why Zero is so eager to look for her blindly. Kahit pa walang kasiguraduhang mahahanap niya nga ang kanyang kapatid.

Iilang mga pagkakataong binabanggit sa'kin ni Zero noon na hindi siya naniniwalang patay na ang kanyang kapatid dahil ayon sa imbestigasyon, walang katawang natagpuan sa pinangyarihan ng aksidente. He searched and became a secret agent in their agency.

Napatuwid ako sa puwesto ko nang may maramdamang kakaiba. Narito na naman iyong pakiramdam na parang may nakatingin sa'kin. Tumindig ang mga balahibo ko sa batok.

Inalis ko na lang sa isipan ang mga negatibong ideya na pumapasok. Ilang minuto ang pinalagpas ko pero hindi parin nawala ang kakaibang pakiramdam na iyon. That's when I decided to roam my eyes around.

It's like any normal day in the cafe and hotel lobby. Wala akong nakikitang kakaiba. Iilang mga tao ang kasama ko sa loob ng cafe. Kung bibilangin ay nasa anim kaming customers. Pang pito na ang cashier at pang walo naman ang waiter.

There's nothing weird inside the cafe but why do I feel like someone's staring at me?

Saglit kong ininuman ang tasa at hindi na ko nagpalipas pa ng ilan pang minuto doon. Im having a bad feeling. Wala naman akong nakaaway buong buhay ko para may magtangka ng masama sa'kin. Hindi kaya masyado lang akong nag-iisip ng mga ganitong bagay? Maybe I'm just overthinking things?

Mabilis kong kinuha ang wallet at phone ko sa table at mabilis na tumayo. Babalik na lang ako agad sa kuwarto ko. Masyado pang maaga para mag-ikot-ikot sa hotel. It's just five in the morning.

Lumabas na ako agad ng cafe. Pilit kong inignora ang patuloy na pagtitig sa'kin ng kung sino. Bagamat wala akong makitang kakaiba sa paligid ko, it's better to be safe than sorry, right?

I walk towards the lift. Nasa 25th floor pa ang room namin. While waiting for the lift, nandoon parin ang makapanindig balahibong tingin. Pinaghalong kaba at inis ay muli kong pinasadahan ng tingin ang buong lobby. The receptionists, the guards, and some strangers/customer walking in and out the hotel. Iyon lang.

I shook my head to avoid the thoughts. Bumukas ang pinto ng lift kaya pumasok na ako at pinindot ang tamang palapag. The doors almost closed but a hand stopped it and a woman entered.

My eyes slightly widen at her familiar face. I saw her! I saw her before!

The woman's back is in front of me. Pinagmasdan ko siya ng mabuti. She's the woman who appeared in the restaurant back in Paris! What's her name again? Orelia? Ophelia?

She's wearing an all black outfit. Malayong-malayo sa girly and sexy outfit niya noon sa restaurant.

I sighed and just look at the door. I felt awkward when our eyes met at the reflection. My brows furrowed but I still smiled slightly at her. She smirked.

The Billionaire's Little Secret | RBS 2Where stories live. Discover now