Chapter 20

4.4K 124 6
                                    

ARIA

Nang makarating kami sa Archius Designs, nagpaiwan na lang ako sa sasakyan. Wala din naman akong gagawin doon sa loob ng building. May kukunin lang naman si Alexus na plates doon. At gusto kong mapag-isa kahit saglit lang.

"Are you sure?" Tanong niya nang tumanggi ako sa anyaya niya.

"Yep. Wala din naman akong gagawin sa loob. Dito na lang muna ako." Nginitian ko siya. I tried so hard not to breathe. Baka mahalata niya na kinakabahan ako dahil sa bagay na narealize ko ngayon.

"Okay. Give me ten minutes."

Nang lumabas siya at pumasok sa malaking building, agad kong pinakawalan ang kanina ko pang pinipigil na hininga.

What did I just learn tonight? Relax Aria... Relax...

You're just starting to fall in love with him. Pwede pa naman maagapan at mapigilan iyon, diba? Bakit ba sobrang bilis ng mga pangyayari? It just took me 17 days! Dalawang linggo pa lang at naka-move on na ako agad sa heartbreak ko?

Some people took months! Even years! Tapos ako dalawang linggo, ibang lalaki na ang lagi kong kasama at binabanggit. It makes me think low of myself. Parang ang playgirl ng dating ko.

But loving another man isn't bad right? I mean wala naman na akong strings kay Raven. I cut it off already in that event. But could I be really falling in love with Alexus?

I still don't know much things about him.

This is crazy...

I shrugged my shoulders and took a breathing exercise. I'll just go with the flow. Hahayaan ko na lang ang panahon at oras ang magdikta sakin. Isa pa, I'm free to do what I want.

I saw Alexus exited the building. May mga dala siyang brown envelopes at malalaking papel na nakarolyo. I can't help myself but to adore his features. He's tall. Probably a six footer. A handsome six footer with blue eyes.

He smiled at me when he enter the car and sat at the driver's seat.

"Let me help you with that." Tinulungan ko siyang ayusin ang mga papel at envelopes. Marami-rami rin iyon. Kinuha ko ang iba at maayos na itinabi sa likod.

"Thanks. Are you hungry?" Tanong niya habang pinaandar na muli ang sasakyan.

"Yeah..." I honestly said. Totoo namang gutom na ako. Anong oras na rin at matagal ang naging biyahe namin kanina papunta sa siyudad.

Mabilis lang ang biyahe at agad na pinarada niya sa isang sikat na restaurant ang Porsche. It was a five star restaurant.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at binigay sa valet ang susi.

I held my breath when his hand fell on my waist. Marahang hinila niya ako palapit sa kanya habang naglalakad kami patungo sa entrance. Sinalubong kami ng isang waiter. Mukhang nakaready na ang lahat ah.

"Mr. Mardoni. Good to see you again." Bati ng lalaking waiter sa katabi ko. Bumaling sa akin ang tingin niya at nagtagal iyon.

Alexus faked a cough. Agad namang napalingon sa kanya ang waiter. Parang natauhan ang waiter at agad na niyaya kami sa loob.

"Shall we?" He asked. I nod and he guided me inside.

Hindi gaanong marami ang mga customers. Marahil ay sobrang gabi na at lagpas na sa dinner time. But still, I can really say na dinadayo ang restaurant na ito. The aroma of different foods filled the air. Pakiramdam ko uloy mas lalo lang akong nagutom.

I felt someone's staring at me. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok kaya naman agad na inikot ko ang tingin sa resto. May i-ilan kaming nadaanan na kumakain pero wala naman akong nakitang kakaiba. Baka guni-guni ko lang at hindi naman talaga ako ang tinitingnan.

The Billionaire's Little Secret | RBS 2Where stories live. Discover now