Chapter 42

3.8K 138 5
                                    

ARIA

I fell asleep while crying inside Alexus's arms. Hindi ko na namalayang hinila na ako ng antok sa gitna ng pag-iyak dahil panay ang haplos niya sa buhok ko.

I don't know what to say. I don't know what to think of him. He lied to me. May kirot sa puso ko dahil nagawa niyang itago ang bagay na iyon. It just feel so wrong to be here. He's engaged! Tita Lianilda would kill me if she knew I became the other woman!

Kahit pa sabihing hindi ginusto ni Alex ang mga nangyari, nakatadhana parin siya sa iba. Why do I feel defeat? Bakit kahit anong pilit kong labanan ang nararamdaman ko at magalit na lang sa kanya, hindi ko magawa.

His gentle touches and sweet husky voice tells me that he's telling me the truth. His eyes were bloodshot last night. Kahit sa nanlalabong mga mata ay nagawa ko parin siyang titigan. Puno ng sakit at pagsusumamo ang mga tingin.

What am I going to do? I love him! I really really love him! But is my love for him, right? Ano bang kinatatakot ko? Ano bang mga pagdududa ko?

Kahit akong pilit ko sa sarili kong buuin ang galit sa dibdib, isang tingin lang sa maamo niyang mga mata, natutunaw na agad. Hindi pa nabubuo, wala na.

I opened my eyes and I silently gasped at the view. Mataas na ang sikat ng araw na pumapasok mula sa floor to ceiling windows ng kwarto ni Alex. Sa gilid ko ay ang mahimbing siyang natutulog. Bakas sa mukha niya ang puyat dahil sa mangitim-ngitim nitong eyebags. Pero kahit ganoon, he can still look sexy. Gentle at the same time ruthless.

Salubong ang kilay nito na animo'y galit. Naka awang ang mapupulang mga labi. The scene last night entered my mind and my cheeks burned by it. Marahan akong napahawak sa labi ko. My first kiss on the lips... he... kissed me last night!

I bit my lip. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Mabilis ang pintig ng puso ko na para bang tumakbo ng napakalayo.

"What are you doing to me?" bulong ko.

I achingly stroke back the hair that covers his forehead. Galit dapat ako. Gusto kong magalit. But who can stay mad at this man? Professing his love at the same time telling me the truth about his past. Everything about his past.

Is this a sign that I'm believing him? Mahirap nang magtiwala at nadala na ako sa unang nangyari sakin at kay Raven.

But it's obvious that this man is in love with you.

I shook my head. Hindi nalang inisip ang mga bumabagabag. I understand why he kept it. It's his prison cage. It's his life. It's his business. No matter what, in the end, hes he one who have to deal with it. Laban niya iyon at ang tanging magagawa ko lang ngayon ay...

Intindihin siya.

Ganito ba talaga pag totoong nagmamahal?

Dahan-dahan akong kumilos. Nakayakap sakin ang braso ni Alexus. Nang magtangka akong alisin ang kanyang braso, gumalaw ito at mas lalo akong hinigit palapit sa kanyang katawan. His massive arm is too strong for my tiny body. Para akong nanliit sa loob ng kanyang bisig.

Sinubukan ko ulit gumalaw matapos ng ilang segundo pero pumatong namans sa bewang ko ang kanyang hita. Namumula ang mga pisngi ko nang lingunin siya. His brows almost meet. His jaw also clenched at my attempt to remove his arm.

Suminghap ako nang bigla siyang magmulat ng mga mata.

"Where are you going?" aniya sa baritonong boses.

Binalot naman ako ng kaba sa intensidad ng kanyang tingin. Galit at pagtatampo ang nakita ko. Mas lalo lamang niya akong hinatak palapit sa kanya. Our bodies were so close that I can hear his heart beating fast.

The Billionaire's Little Secret | RBS 2Donde viven las historias. Descúbrelo ahora