Chapter 44

3.9K 124 4
                                    

ARIA

It was like yesterday when we heard about the news. Ilang araw nang nasa hospital sa Seville, Spain si Ophelia, ang fiancee ni Alex. Nabibilang na lang ang mga natitirang araw sa parating na event ng The Underground. 

Alexus was furious. Hindi siya magkandaugaga sa pagpapadala ng mga tauhan sa hospital para bantayan ang seguridad ni Ophelia. Hindi namin maintindihan ang mga nangyayari ngayon. Sumabay pa sa problema ang kagulat-gulat na pagkabuhay ni Maria. 

Alex told me that he once suspected the theory that she may be alive. But he let himself sulked and believed that Maria was really dead. Kaya naman ang laking kaguluhan ang idinulot ng insidenteng muntik nang ikapahamak naming dalawa ni Alex. That Greece incident has lead us to Maria's secret. 

Alrius is the only one chilling on the far side of the office. Nakasalampak itong nakaupo habang umiinom ng wine sa kopita na animo'y walang kapahamakang nangyayari ngayon hindi lang sa mga Morgan kundi maging sa kanilang pamilya. Hindi ko alam kung ganoon talaga ang ugali niya or what pero feeling ko naman nag-aalala din siya.

"Are you okay?" 

I sighed and leaned my back on the chair beside Alexus' swivel chair. Matapos ang ilang oras na panay sagot niya ng mga tawag, hindi na napigilang mag-alala sa katahimikan ko. 

"I'm fine. Don't worry about me." I gave him a soft smile. 

Ilang segundo niya akong pinakatitigan bago pumungay ang kanyang mga mata. He deeply sighed and lick his lip. Bahagya niyang iginulong ang swivel chair niya patungo sa puwesto ko. His mahogany desk is so big. Kasya ang ilang tao kung sabay-sabay na gagamit. 

He covered our distance and held my hand. Tuwid ang pagkakaupo ko. Hinaplos niya ang mga kamay kong magkahawak sa kandungan. 

"I'm so sorry I got you into this mess..." pabulong na sinabi niya. 

Hindi niya naman kasalanang nandito ako. It was my decision to stay in the first place. He didn't force me into this. I dragged myself in him. I fell in love with all of him, even if loving him is this complicated and dangerous.

"It's not your fault. Magiging okay din ang lahat." I smiled. 

Hinawakan ko ang kanyang kamay. Mainit ang kanyang palad na humahaplos sakin. I look at him in his eyes full of worries. I wish I could just remove everything that made him trapped in this situation. 

Marahan siyang tumango. Bumaba ang kanyang tingin sa aking mga labi. I obliviously bit my lower lip because of the sudden nervousness. 

He blinked and looked away, blushing at something. I can't help but to think about the kiss we shared. He's my first kiss. Ang halik na iningatan ko ng matagal na panahon at pinangakong sa altar lamang gagawin, I gave it to him. I am sure of him. I want him for me. I want to be with him. 

Napatingin kaming dalawa ni Alex sa kanyang Kuya nang biglang tumunog ang phone nitong nakapatong sa coffee table. Tahimik ang buong paligid kaya naman madaling nakuha niyon ang atensyon naming dalawa. 

"Claudia..." ani Alrius sa kabilang linya. 

Napatingin naman ako kay Alex. Nagtatanong ang mga mata. 

"Claudia... his fiancee," sagot niya nang matanto kung ano ang tanong na bumalatay sa mukha ko. 

Napa-O naman ang labi ko sa nalaman. Alrius's getting married too? 

"Arranged marriage?" Hindi ko na mapigilang itanong. 

Bahagyang lumungkot ang mukha ni Alexus habang nakatitig sa kapatid na masayang kausap ang fiancee sa kabilang linya. I look at Alrius too. He really looked so happy and contented despite his situation and their family's problem. Looking at him, I can already see how deeply he's in love with Claudia. 

The Billionaire's Little Secret | RBS 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon