Chapter 12

5K 159 5
                                    

"Are you sure this is safe?"

Kinakabahan kong tiningnan ang puting kabayo na hawak ni Alexus. We're really going to ride his horse!

Ang laki ng property niya dahil may malaking kuwadra ng mga kabayo. Nalaman ko din na mga pinoy ang caretakers niya rito katulad ni kuya John. OFW daw ito na nakipagsapalaran sa ibang bansa. Nang matagpuan siya ni Alexus ay inalok ito na maging caretaker ng palasyo. All necessities ay libre basta gawin ang trabaho plus may sweldo pa ito monthly.

He's really generous.

"Of course. Come here."

Pinalapit niya ako sa kaniya. Kinakabahan kong nilapitan ang kabayo. Never ko pang naexperience ang sumakay ng kabayo. Paano kung bigla itong magwala at masipa ako? Waaah!

"This is Gabriella. She's the most tamest among my ten horses. Try to touch her face gently. She'll love it." Nginitian ako ni Alexus at kinuha ang kamay ko.

Marahan niyang ipinatong iyon sa mukha ni Gabriella. Hinaplos ko siya ng dahan dahan dahil kinakabahan talaga ako. Paulit ulit ko itong ginawa hanggang sa mapangiti ako nang makitang nagustuhan nga ni Gabriella ang ginagawa ko. OMG!

"I think she likes you." Nakangiting pinapanood lang ako ni Alexus habang inaamo-amo si Gabriella.

"Really?"

Tumango siya.

I giggled when Gabriella's head leaned on my palms. Pinadyak padyak nito ang mga paa na para bang gusto pa nito na hawakan siya sa mukha.

"She's usually snob and quiet to everyone. This is the first time I saw her excited," Tumabi sakin si Alexus. Hindi ko mapigilang mamula nang pumatong ulit ang kanyang kamay sa bewang ko.

"This is Aria. You like her Gabriella?" Hinaplos niya rin ang ulo ng kabayo.

Natawa kami pareho nang gumawa ng mahinang mga tunog ang kabayo na para bang naiintindihan nito  ang sinabi ng kanyang amo.

"I do too." Bulong ni Alexus na hindi ko masyadong naintindihan.

"What?" Tanong ko sa kanya.

He just smiled and shrugged his shoulders. Binaling ko na lang ang atensyon ko kay Gabriella.

"Ang ganda mo namang kabayo, Gabriella." Sinuklay ko nang bahagya ang buhok nito. Hatang alagang-alaga ang kabayong ito. Sobrang tingkad ng pagkaputi nito gayundin ang buhok nito.

"Do you want to ride her? I'm going to take you somewhere."

Tumango ako.

Lumapit samin si John at naglagay ng saddle kay Gabriella. Ito yung leather seat ng mga riders. Kinabitan ni Alexus ng stirrup iron ang ilalim. Namamanghang pinapanood ko lang sila na lagyan ng gears ang kabayo.

"Come here."

Hinila ako ni Alexus patungo sa gilid ni Gabriella. Pumalibot sa magkabilang bewang ko ang kanyang kamay at walang pasubaling binuhat ako at sinakay sa kabayo.

"Oh gosh! You should warn me first! What if I fall?" Medyo pagalit kong sabi. Hindi man lang ako binalaan o kaya naman ay nagbilang muna sana bago ako buhatin!

Can't he see that this will be my first time to ride a horse?

I rolled my eyes when he sexily chuckled. Even his chuckle should be illegal!

"Then fall. I'll catch you." Titig na titig siya sakin habang sinasabi iyon. Hindi ko mapigilang pamulahan ng pisngi. Parang may iba siyang pinaparating.

The Billionaire's Little Secret | RBS 2Where stories live. Discover now