CHAPTER 5

6.3K 175 4
                                    

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Parang nawalan ako ng boses sa kanyang mga titig.

Get a grip of yourself, Aria!

I blink and look away from him. My heart thumping so fast. Why am I feeling this way?

"Hi," mahinang sabi ko na lang at binaling sa harap ang atensyon ko. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan.

"So how are you and Rafaelle?" He suddenly asked. My brows arched. Diba magkaibigan sila ni Rafaelle? I remembered his name...

Alexus Mardoni

Sasagutin ko ba ang tanong niya? He should know all about these things dahil sila-sila ni Rafaelle ang magkakasama lagi. And why am I being this talkative to myself?

"The engagement is off. So... yeah." I shrugged my shoulders and pretend like I'm not affected by his stares.

His blue eyes are glinting with unknown emotions and its piercing through me. Oh gosh oh gosh this is so wrong.

I held my breath when he stepped closer beside me. Nagsitindigan ang mga balahibo ko nang maramdaman ang kanyang hininga sa gilid ng tenga ko. What is he doing?

"I know... so, how are you?" Bulog niya sa tenga ko.

Agad akong humakbang palayo. Masyado siyang malapit. Hindi ako makahinga. What's happening to me!? Bakit ganito niya ako kausapin? Hindi kami close. Nakikita ko lang siya kasama ni Rafaelle or kaya naman sa mga events ng Moretti. But this is the first time he talked to me.

Matuwid ang pagkakatayo ko at humigpit ang hawak ko sa purse ko. I'm nervous just by his presence. This is wrong. Raven.

Huminto ang elevator.

"I-I'm okay... uhmm... I have to go." Mabilis pa sa alas-kwatrong naglakad na ko palabas ng elevator. Parang tambol ang dibdib ko sa lakas ng tibok nito. Narinig niya kaya?

Why am I even asking myself that? I have a boyfriend!

Hindi ko alam kung anong nag udyok sakin para lingunin ulit ang elevator. Sumara ang pintuan nito pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pilyo niyang ngiti at mapaglarong mga mata.

I gulped at the intensity of his stare. Ilang segundo lang iyon pero grabe na ang epekto sakin. Ano bang nangyayari sakin?

I know how to appreciate a man's beauty but that man... his looks should be illegal! His blue eyes can pierce the soul of whoever he's looking at. Makapal ang kilay nito na nagpabagay sa mapaglarong mga mata nito. May katangusan ang kanyang ilong at ang kanyang mga labi ay....

I shook my head. Aria Morzette Roccini! What are you thinking!?

Wala sa sariling naglakad na ako sa hallway ng floor. There are some press along the way. Sa conference room yata gaganapin ang presscon ni Raven.

Nang makita ko na ang suite number, bumukas ang pinto at nilabas nito ang ka-love-team ni Raven. Agad na pinagkaguluhan ito ng mga press habang naglalakad. Mabilis na tumabi siya sa daanan dahil sa paghahabol ng press kay Lexyr Diaz.

Nagtungo naman ako sa bukas na pintuan. I peeked inside. I saw Hannah, Raven's Manager sitting on the couch. Hindi pa ako tuluyang pumasok. Ginala ko ang mga mata ko sa loob habang nakasilip sa pintuan.

Other staffs were talking on the other side of the room. Parang ang lalim ng kanilang pinag-uusapan.

Where's Raven?

I knocked lightly. Napatigin sa direksyon ko si Hannah. Nanlalaki ang kanyang mga mata at parang nagugulat na makita akong nakatayo sa labas ng pintuan.

The Billionaire's Little Secret | RBS 2Where stories live. Discover now