Chapter 13

4.7K 150 3
                                    

Pinanonood ko siya habang kalmado siyang nabababad sa man made na sapa. May kalaliman ang gitna nito na aabot sa kanyang leeg. Habang sa ibang parte ay panay batuhan na at sobrang babaw na. He designed this place again. It's a wide stream with a deep part on the end of the road. Malayang dumadaloy ang tubig sa kung saan.

Inaya niya akong maligo roon pero tumanggi ako.

Wala naman kasi akong dalang gamit. Siya, kumuha siya ng damit sa tree house malapit sa sapa. Hindi ko iyon napansin nang makarating kami dito. Maliit lang iyon at parang isang kuwarto lang.

"Are you really sure you don't want a dip?" He shouted. Nasa bandang malayo kasi siya. Habang ako ay naka-indian seat lang sa damuhan.

I smiled at him. Umiling na ako.

Hindi parin mawala sa isip ko yung lungkot sa mga mata niya kanina. Saglit lang iyon kaya hindi ko din alam kung totoo ba talaga iyon or imagination ko lang.

Nakita kong lumangoy papalapit sakin si Alexus. He's wearing a black sando and boxers na nakuha niya sa tree house.

Tumili ako sa isipan ko nang dahan dahan siyang umahon. Parang nag slow motion ang buong paligid at sa kanya lang natuon ang atensyon ko.

The water dripped from his hair to his muscles. Bumakat ang malapad niyang dibdib mula sa basang sando. This man is sexy!

Bahagyang naghiwalay ang mga labi ko nang tumingin siya sakin. Para bang nang-aakit ang kanyang mga tingin. His eyes held mischievous glint and his lips formed into a smirk.

"Come on, baby. The water is great!"

Pinamulahan agad ako nang marinig ulit ang tawag niya kanina.

"Can you stop calling me that!" Pasigaw ko na namang sabi.

What is happening to me? I'm usually composed. Why can't I control my voice and emotions?

"Call you what?" Nang aasar niyang sabi.

Lumangoy siyang muli hanggang sa magpantay ang mga mukha namin. Siya nasa tubig, ako tuwid na nakaupo sa damuhan. Nadidistract ako sa pagiging wet look niya.

It's like a greek god ascending from the water. Showing his whole glory to a mortal like me. Para akong nahihipnotismo sa kanyang asul na mga mata. May kakaibang kislap na naman doon.

"T-that! The one you just called me earlier!" Halos magkandabulol-bulol na ako. Ano bang problema mo, Aria? You're not like this!

I shook my head and the thoughts that tried to enter my mind. I am never like this to any man. Even to Raven! I don't react like this to him, but to Alexus...

It feels like everything is... more.

"What? I can't remember. Perhaps you could remind me of what I called you earlier?" Pilyo niyang sabi. Mas lalo lang namula ang mga pisngi ko.

I cover my face using my hands. I don't want him to see me like this. He will probably think that after getting my heart broken, here I am getting butterflies in my stomach from another man.

"N-nevermind. Call me whatever you want." Sabi ko sa kanya nang makabawi.

Binaba ko na ng mga kamay ko at diretso siyang tiningnan. Seryoso kang siyang nakatingin sakin. Nangungunot ang kanyang noo. His lips pressed into a thin line. My eyes landed on his jaw. He's clenching it like he's stopping himself to say or do something.

Don't let another man play your feelings, Aria.

I smiled at him. I pretended like I'm not affected to his intense stare even though my heart is going wild on my chest.

The Billionaire's Little Secret | RBS 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon