Chapter 18

4.4K 141 3
                                    

DAY 10

ARIA

"Hey you cheater!" Sigaw ko kay Alexus nang mabilis niya akong mahabol. Agad kong kinabig ang tali ni Gabriella upang bilisan pa ang pagtakbo.

Nag-uunahan kami ni Alexus makarating sa favorite place niya. Nagyaya siyang magswimming sa sapa. Free time niya ngayon at wala daw siyang lakad o trabaho kaya nagpasya siyang maligo doon.

Pumayag naman ako dahil nakita ko sa kanya na gusto niyang magpahinga at saglit na malimutan kung ano man ang problema niya.

"Try to keep up with me, turtle!" Pang-aasar niya nang tuluyan niya na akong maunahan gamit ang kabayo niyang si Dom.

Ilang araw lang ang nakalipas nang matutunan kong mangabayo. Tuwang-tuwa ako nang pinayagan ako ni Alexus na mag-isang sakyan si Gabriella ngayon. Hindi kasi siya naniniwala na kaya ko nang mag-isa.

Hindi niya kasi alam na habang wala siya, nagpapaturo naman ako kay kuya John kung paano mangabayo nang mag-isa kaya naman laking gulat ni Alexus kanina na napatakbo ko ng mabilis si Gabriella.

"Turtle mo mukha mo! Nandadaya ka lang!"

Inis na ngunit mahina akong nagpadyak para mas pabilisan pa si Gabriella. Ito kasing si Alexus panay ang kalabit sa likod ko sa tuwing naabutan ako. Nadidistract ako! Nakakainis!

"I'm not! Come on baby!" Lumingon siya sakin at nang-aasar na ngumiti sabay kinabig si Dom at tuluyan na akong naiwan sa gitna ng kalsada.

Napabuntong hininga na lang ako at pinabagalan ang takbo ni Gabriella. Wala din naman akong pag-asa sa kanyang manalo at maunahan siya. First, he's a pro. Second, I'm noob. Simple as that.

I'll just enjoy Gabriella's slow movements and the scenery.

Bandang hapon na kaya naman hindi gaanong mainit. At kahit naman maaraw ay hindi naman iyon direktang tatama sa balat namin.

Matataas at mayayabong ang mga puno na nakapaligid sa daanan. Nagsasalubong sa gitna ang mga dahon at sanga nito kaya hindi mainit.

"You're so beautiful, Gabriella. I can't believe I can now ride you alone." Sabi ko sa kabayo at sabay dumukwang para haplusin ang mukha nito.

Mahinang humiyaw si Gabriella na para bang naiintindihan ang sinabi ko.

"Gusto mo bang mag-ikot bukas ulit?" Tanong ko. Kung may nakakakita man sakin ngayon, baka isipin nilang baliw ako.

Who cares? I learn to love Gabriella. At hindi lang siya basta kabayo. Sabi nga ni Alexus noong unang araw na tinuruan niya akong mangabayo...

"Dom and Gabriella aren't just horses to me. They're also my friends."

"Really?"

"Yeah. They know and they can feel me when I'm sad, happy, or angry. They know me too much that they'll give me their best ride whenever I need one."

"So they're like your comfort zone?"

"Yeah. Because they are comfort itself."

I admire Alexus and his love to his horses. Halos ituring niya na itong tao sa tuwing bumibisita siya sa kuwadra tuwing gabi.

Nakita ko kasi siya nang minsang sumilip ako sa bintana. Kararating niya lang ng mansyon at doon agad siya dumiretso. Nakita kong kinuha niya si Dom at nilakad-lakad sa paligid.

Tatawagin ko sana siya para batiin pero pinigilan ko ang sarili ko noon nang makitang pinaupo niya si Dom sa damuhan at siya naman ay humiga.

Sumandal siya kay Dom at parang may sinasabi. Hindi ko iyon marinig dahil nasa malayo sila at para bang binubulong niya lang kay Dom.

The Billionaire's Little Secret | RBS 2Where stories live. Discover now