Finding Her

593 47 4
                                    

Habang naglalakad papuntang school ay may napansin akong nakaparadang mamahaling sasakyan sa may gilid kung saan ako nabunggo, hindi ko nalang pinansin at nagderetso ng lakad.

Baka mga tambay lang naman iyan dito sa kanto, minsan kasi ay may mga ugok talagang tumatambay kahit saan dito sa amin. Deretso lang ang aking lakad nang bigla ay may humablot sa akin at kaladkarin ako papasok sa isang sasakyan.

Nanlaki ang mga mata ko nang mamukhaan ko kung sino ang mga to, itong tatlong to ang kasama sa nagdala sakin sa ospital. Bakit andito na naman ang mga 'to?!

"A-anong kailangan niyo sakin?"

"Ikaw yung nabunggo namin kahapon diba?" tanong nung mukhang loko loko, hindi naman sa loko lokong pangit tignan. Yung para bang, lahat sa kanya ay ginagawang biro.

"Oo, ako nga"

"Mabuti mamaya na tayo mag usap" sabi ng isang lalaki at tinalian ako, hindi katulad ng lalaking loko loko tignan. Kalmado siya at mahahalatang tahimik, hula ko mabait 'to.

"T-teka! kidnapping na to!" sigaw ko pero linagyan lang nila ako ng blindfold at packing tape sa bibig.

Ang useless lang ng blindfold nila dahil kita ko padin ang daan, I have a very extra ordinary senses kaya ganito, wag na kayong magtaka.

Nakarating kami sa isang mansion, o mas babagay ang isang palasyo dahil sa sobrang lawak at laki, pagkababa ay agad nila akong kinaladkad papunta sa isang pinto, which I guess papuntang basement.

At hindi nga ako nagkamali, pinaupo nila ako sa isang upuan at binuksan nila ang ilaw. Tinanggal nila ang blindfold ko pagkapasok ng pinakamatangkad na lalaki sa kanila

Nakakatindig balahibo ang pagtingin niya sa akin. Parang tigreng handang lumapa ng kalaban, napangiwi ako sa naisip ko. Ano ba kailangan ng mga ito sa akin?

"Who was the girl last night?" deretsong tanong niya sakin

Shit! ba't hindi nalang kasi nila kalimutan eh. Hindi na sana ako magsasalita kasi akala ko nakalimutan nilang may packing tape ako sa bibig, bagsak ang aking balikat nung agad nilang tinanggal ang packing tape sa bibig ko

"Sinong babae?" maang maangang tanong ko. Kailangan ko makaalis dito! Kahit saan sa kwartong ito ay sumisigaw ng KAPAHAMAKAN.

"Don't fool me. You know her" Maotoridad na sabi niya habang masama ang tingin na pinupukol sa akin. Pati ba naman sa kung ano alam ko, ikaw magdedesisyon? Ulol.

"H-hindi ko naman kasi talaga kilala yang sinasabi mo" kako at iniwas ang mukha sa kanya

"Then how did she replaced you? how come that she's in your room?"

Shit! Shit! Ano sasabihin ko, mag isip ka phoebe, magisip ka tangina naman! I have extra ordinary senses dapat may extra ordinary brain din dapat ako!

"H-hindi ko alam, pagkagising ko ay umalis ako agad sa ospital"

"Liar. We checked all the CCTV cameras, started when we arrived, after you woke up, you went straight to the bathroom. Then when you came out, It's the girl we saw. Who the fuck is she?" Seryosong sabi niya at masamang nakatitig sakin. Bakit? Inaano ba kita sa ganong anyo ko? Kinalaban ba kita?

Napatingin ako sa tatlong kasama niyang lalaki pero lahat sila ay may kani-kaniya ng mundo. Ang isa ay patingin tingin lang sa paligid habang pumipito, ang dalawa naman ay nagtatawanang nag uusap sa may gilid. Kidnapping ba to ng tatlong tao o kidnapping lang ito ng taong nasa harap ko ngayon? Mga utusan, yak.

"H-hindi ko alam" sabi ko at napapikit ng mariin. Naiinis na ako at ayoko dito sa basement mo!

"That's it. Don't untie her. Search for that girl first. Leave her until she speak"

"Aye sir!" sigaw ng tatlong utusan niya at magkakasunod silang lumabas.

Nakatanga ko silang tinignan! WHAAAT!? iiwan niyo ko dito hanggang mahanap niyo? Eh, hindi niyo na mahahanap 'yon mga gago!

Shit ano na gagawin ko? if I use teleportation, sigurado akong magtataka ang mga yon kung paano ako nawala nalang bigla, alam Kong may CCTVs sa mansyong 'to at mahirap lusutan ang mga gwardya.

Bwisit naman! bakit ba kasi hinahanap nila ako? second day of school pa naman, transferee pa ako, tapos may absent agad sa first week of school days. Sumasakit ulo ko eh.

It leaves me no choice, agad kong hinanap ang mga camera at tinitigan hanggang sa mag malfunction ito, nang masigurong wala ng natira ay ipinikit ko ang mata ko. Pagmulat ko ay nandito na ako sa bahay. I'm sorry, hindi pwedeng mastock ako diyan.

Magdadahilan nalang akong kakalabas ko ng ospital bukas para hindi ako ipahiya ng teacher namin.

LOCKY'S POV

"WHERE THE FUCK IS SHE!?" Galit na sigaw ni boss

Fuck! paano ba naman kasi, pagbalik namin dito sa mansion nila ay wala na ang babaeng nasa basement.

"Diamant! Check all the CCTV footage! NOW!" napatakbo naman ako ng wala sa oras dahil sa sigaw ni boss

Hindi ko ikakaila napakaganda nga naman kasi nung babae sa ospital, kaya siguro hayok na hayok si boss na mahanap to, kakaiba kasi ang ganda niya, tipong isang tingin lang, sureball hulog ka.

Pagkarating sa security room ng bahay nila ay pinanood ko ang mga footage simula nung pumasok kami hanggang sa magloko ang mga CCTV cameras sa basement at pagkaayos ay wala na ang babae. Ang weird pa dahil kung anong CCTV camera ang titigan ng babae ay yun ang nasisira

Malilintikan ako kay boss nito. Agad akong kumuha ng soft copies para ipanuod kila boss ang footage.

Ni hindi ko rin nakita sa iba't ibang parte ng mansion ang pagtakas niya, bigla nalang siyang nawala. Alien ata ang babaeng yon.

Agad kong pinanood kay boss ang footage at halos ibalibag niya ang laptop sa sobrang galit. Sino ba naman ang hindi? Failed kidnapping at may kababalaghan pa atang nangyari, grr.

"FIND THOSE TWO WOMEN OR ELSE I'LL CUT YOUR HEAD OFF!" galit na sigaw nito samin at padabog na nag walk out.

"Gago! may sa lahing alien ata ang babaeng yon" nakangiwing saad ni grey

"Ayon na din ang iniisip ko eh, ni hindi man lang kita sa main door o sa labas na camera ang pagtakas niya, eh lahat naman ng daanan palabas ay may CCTV camera, how come na hindi siya nakita" kunot noong sabi ko

"Tsaka imposibleng sa may side siya dumaan dahil sa taas ng bakod ni boss, ni sinumang katawang tao hindi yan maakyat" seryosong sabi naman ni liam

"Ang weird pa dahil bawat titigan niyang carema ay nagloloko" -grey

"Natumbok mo! ayon na din ang iniisip ko!"

"Tapos nung bumalik ang access ng camera ay ganun kabilis siya nawala. Imposible talaga" iiling iling na sabi ni liam

"Tsk. tsk. Maligno ata ang babaeng iyon, ganon ba naman kapanget"

"Tama na chismis kumilos na tayo baka malintikan tayo kay boss" sabi ni liam at nauna nang lumabas.

Nagtataka parin talaga ako, sinong matinong tao ang mawawala at makakatakas nalang bigla. Eh, sa dami ng gwardya ni boss sa labas impossibleng walang nakakita sa kanya.

"Multo ata yung babae pre!" sabi ni grey kaya nag unahan kaming tumakbo palabas. Alam namang mga takot kami sa multo eh! Ayon at nagtulukan kami palabas sa maliit na pintuan, halos matisod tisod kami sa pagtakbo.

Langyang Forzfield yan nanakot pa

The Chosen One [COMPLETED]Where stories live. Discover now