Mission

279 30 1
                                    

Kinabukasan pagkagising ay agad akong lumabas, alas singko palang ng madaling araw ay andito na ako sa tapat ng hotel kung saan ko nakita ang kumpol ng nakaitim na tao.

Agad Kong prinotektahan ang aking kapangyarihan upang Hindi nila ako maramdaman o di'kaya ay makita ang halo sa ulo ko, ito ang tanda na ako ang tagapag ligtas. Bahagya ko ring itinago ang tatlong kulay sa buhok ko.

Agad ko ding pinalitan ang aking kaanyoan, binago ko ang aking mukha, at agad na pumasok sa hotel.

Naghintay ako sa may lobby at hinintay na lumabas ang isa man sa kanila. Nang makita ko ang isang babae at dalawang lalaki na napapalibutan ng itim na mahika ay agad akong lumapit sa kanila

"Hi ate! Hi mga kuya!" masiglang bati ko

"Anong kailangan mo ineng?" tanong nung Babae

"I'm lost po kasi, And I'm a tourist here, can you help me find my home?" kunwari'y maarteng sabi ko

Nagkatinginan pa sila at bumuntong hininga "I'm sorry Hindi ka namin matutulungan" nag pout naman ako

Nilagpasan nila ako kaya sinundan ko sila hanggang sa mapunta sila sa eskinita, perfect!

"Ang kulit mo! katapusan mo na" sabi nila at agad na nag itim ang kanilang mga mata

Ngunit bago pa man sila makaatake ay itinapat ko sa kanila ang kanang kamay ko, napataas sila ng kilay, at natawa, tignan ko lang kung makatawa pa kayo sa gagawin ko

Lumabas ang tatlong maliwanag na host sa kamay ko at dumiretso ito sa kanilang dibdib, agad ko namang hinigop ang kapangyarihan nila, hanggang sa manghina sila at maging normal na tao.

Isa rin sa kapangyarihan Kong humigop ng kapangyarihan ang itim na mahika ay nagiging bughaw dahil sakin napupunta, lumapit ako sa kanila

"P-panung?" nanghihinang tanong nila

"Ako ang hinahanap niyo" kako at ginawa na silang abo.

Agad ko namang binalik ang dati Kong anyo at umalis na sa lugar na iyon.

PAGKARATING sa bahay ay ang tamihik, parang walang tao. Nakita ko ang nag iisang hardinero na nag iimpake

"Kuya asan ang mga tao dito?" tanong ko

"N-nako Ma'am n-nagsi alis na. Maski si s-sir Clint ay lumipat na sa isang mansyon niya" sabi nito at nagtatakbo paalis

Wew. what a scene. Napabuntong hininga nalang ako

"Zero labas"

Lumabas naman si zero sa anyong tao ngunit iba ang mukha

"Required bang paiba iba ka ng mukha?" natatawang tanong ko

"Ayaw mo non master? di ka magsasawa sa iisang mukha" kamo niya pa

"Sira! gusto Kong bilangin mo kung ilan pang itim na mahekero ang andito sa mundo ng mga mortal" utos ko

"Masusunod master" kamo niya at bigla nalang siyang nawala

Wew free house, psh. mga baliw sila eh, nagderetso ako sa kusina. Pfft free food, agad naman akong nagluto ng dinakdakan.

Makalipas ng ilang minuto ay nakabalik na si zero

"Siyam napu't pito master"

"Kung gayon, isang daan silang lumusob dito, at maaaring marami pa sila sa kanilang kaharian" Hindi naman nagsalita si zero

"Bibigyan kita ng misyon zero"

"Malugod ko po itong tatanggapin master"

"Kada alas singko ng madaling araw, mag abang ka sa kanilang hotel, at kung sino mang makita mo na isa sa kanila ay gawin mong abo, ako na ang maglilibot upang tignan kung may ipapahamak silang mortal na tao" kako at isinalin sa pinggan ang niluto ko

"Masusunod master"

"Kain tayo" aya ko pero tumanggi lang siya

"Babalik na ako master" paalam niya at bumalik na sa kamay ko.

KINAUMAGAHAN ay agad akong nag ayos, maaga palang ay umalis na si zero. ako naman ay nag ayos at magbabantay sa labasan ng L. corporation, sabi kasi sa panaginip ko na pupunta duon ang anak ng kanilang pinuno.

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at nagteleport sa labas ng isang kumpanya, ang taas nito at ang lawak, tatlong matatayog na building na magkakadikit dikit, kanino kaya ito?

Mukhang sakto lang ang pagdating ko kasi kita ko ang isang binatang napapalibutan ng itim na mahika at itim na halo, palatandaan na isa siyang maharlika sa kanilang kaharian

Katulad ng ginawa ko kahapon, ganun ulit ang ginawa ko ngayon, pero ang anyo ko ngayon ay isang lalaki. Naglakad ako papunta sa may entrance at tinanong kung saan ang office ng CEO. Ginamitan ko pa sila ng hisnotismo para lang papasukin ako.

29th floor pa ang opisina ng CEO, sumakay ako ng elevator at pagkarating dun ay, ginamitan ko din ng hipnotismo ang secretary ng CEO.

Hindi muna ako kumatok at nakinig sa kanilang usapan, batid Kong kinikilala ng mahekerong ito ang CEO na kaboses ni Clint ngunit sadyang maingat din sa impormasyon ang lalaking ito kaya wala siyang napala, dun na ang oras ko para pumasok

"Good morni-" Nagulat ako nung si Clint ang bumungad sakin, means kanya to!? ang yaman pala ng impaktong to "eherm. Good morning Mr. ludicrous" bati ko

"I dont remember having an appointment with you two" malamig na sabi nito

"Well I'm just here to warn you Mr. ludicrous" deretsang sabi ko at nginisihan ang anak ng itim na mahekerong to

"About what?" seryosong tanong ni Clint

"About someone" kako at lumabas na

Alam Kong susundan ako ng lalaking yon, at Hindi nga ako nagkamali

Curiosity kills my dear HAHAHAHAHAHA

Nakasunod padin siya sakin hanggang sa mapunta kami sa walang katao taong lugar.

"Why are you following me?"

"Ano ang ibig mong sabihin duon?" masama ang tingin niya sakin

"Naka ramdam ka agad" ngisi ko pa

"Sino ka?" tanong niya sakin at nagpalabas ng bolang itim na mahika

Umiling nalang ako at itinapat ang kanang kamay ko sa kanya, nagtataka naman siyang tumingin sakin

"Goodbye motherfucker! Rest in peace!"

The Chosen One [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon