Aquittus and Zero

297 38 1
                                    

Duon muna ako sa kaharian ni draxon naplipas ng gabi. Papaalis na ako ng bigla ay hinawakan niya ang buhok ko, bigla ay isang linyang kulay violet ang lumiwanag sa buhok ko, para akong nagpa -dye ng buhok pero sa isang linya lang

Tanda daw iyon na ako ang nagmamay ari sa kanila sa kaharian niya. Pagkatapos nun ay inihatid niya ako kung saan ko daw pwedeng makita ang isa pang mythical creature sa ilalim ng dagat.

Ngayon ay nakikipagtitigan ako dito sa dagat. Panu ko ba to sisisirin?

Nang makaisip ng paraan ay agad Kong pinalabas ang unbreakable air bubble ko at nagpunta sa loob nito, agad ko naman itong kinontrol at sumisid sa ilalim ng dagat.

Kitang kita ko ang mga iba't ibang uri ng isda habang palalim ako ng palalim, nagulat ako nung bigla akong tumilapon kung saan, shet binangga ako ng isang pating. Buti nalang matibay tung air bubble ko

Di'ko na siya pinansin at tinuloy ang pagsisid sa kawalan ng karagatan, ngunit wala akong makita ni isang clue. Nanghihina akong umupo, panu kaba hahanapin kasi?

Bigla nalang ay umalog ang air bubble ko

"AHHH!!" gulat na sigaw ko ng makitang kagat kagat nang isang pating ang air bubble ko

Shit naman! "Hey mister shark!" tawag ko dito ay tae di'ko pala maintindihan. Ginamit ko ang powers ko upang maintindihan ang sinasabi niya

"Bakit?" tanong naman niya

"May alam kaba tungkol sa mythical creature na nandito sa ilalim ng dagat?"

"Hmmn..Madami na akong nakikitang sumusubok ngunit kung Hindi ko nakakain ay natatakot sa ibang pating, malayo kapa sa kanya, nasa kailaliman ng dagat ang kanyang kaharian" paliwanag nito

Napangiwi naman ako "Maari mo bang sabihin kung ano ang kanyang itsura?"

"Malalaman mo, sumisid kana, Hindi naman kita makain eh" kamo pa niya at iniwan ako

Attitude kang pating ka, katayin kita eh

HALOS isang oras na akong sumisisid ngunit wala talaga itong katapusan, ang dilim dilim din ng paligid

"Tae naman asan kaba?" tanong ko sa sarili ko

"Stop right there!" biglang sulpot ng mga lalaking sirenang naka armor pa

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito sakin

"H-hinahanap ang-"

"Umalis kana kung Hindi ay papatayin ka namin" kamo niya

Ngumiwi naman ako, at ramdam Kong umilaw ulit ang tatak ko sa pisnge, sign na malapit lang sakin ang pangalawang nilalang

Nanlaki ang mata ng guwardiyang sirena at nagbigay pugay sakin.."Sundan niyo kami nakakataas na pinuno" kamo nila kaya sinundan ko sila

"Wow" manghang sabi ko ng makita ang isang napakagandang kaharian dito sa ilalim ng dagat

Kita ko pa ang ibang sirena, dinala nila ako sa loob ng palasyo

"Haring aquittus, narito po ang tagapagligtas" pagsabi non ay lumabas ang isang matinupong hari at talaga namang kitang kita ang kapangyarihan sa kanyang tindig

agad itong nagbigay galang sakin "Your highness" kamo niya at lumapit sakin

Hinipan niya ang buhok ko at gaya kanina ay sa katabi ng linyang violet ay nakulayan ito ng blue

"Tanda na ako at ang kaharian ko ay nasa iyong kamay, mahal na pinuno" kamo niya at nagbow

I can't really believe that this shit is happening.

PAGKAAHON ko sa may dalampasigan ay may nakita akong rescue team. Nagtataka man ay agad ko silang nilapitan

"Kuya" tawag ko sa isa

"Bakit?" sagot niya

"Sino po ang hinahanap niyo? ano pong meron?" tanong ko pa

"Phoebe Kendal Celeste, nawawala daw kasi kagabi at ang huling sabi niya daw ay nasa dagat siya kaya naman agad na pinahanap ni Mr. ludicrous sa rescue team ang kinikilalang babae"

Nanlaki naman ang mga mata ko

"A-ah ganun po ba? mauna na po ako" at agad na tumakbo palayo

Puta! pinahanap pa talaga ako. kailangan ko ng umiwi

PAGKAUWI ay sigaw agad ni Clint ang sumalubong sakin, as in galit na galit siya dahil dalawang araw akong nawala. Napangiwi naman ako, pansin pa nila ang buhok ko

Kinulong niya pa ako sa isang kwarto, napakamot naman ako ng ulo dito

Kailangan ko pang mahanap ang bukod tanging kukumpleto sa mythical creatures na meron ako.

Hindi ko alam pero parang bigla akong inantok, agad na nandilim ang paligid.

pagdilat ng mata ay natagpuan ko ang sarili ko sa isang madilim na diko alam kung saan, sobrang dilim at ang meron lang ay isang puno.

"Anak" napalinga linga ako dahil sa boses na narinig ko

"S-sino ka?"

"Hindi na iyon mahalaga, may ibibigay ako sayo"

Nangunot ang noo ko "Ano iyon?"

Bigla ay umilaw ang likod ng palad ko ay nag iwan ng isang tattoo, isa itong mabangis na hayop ngunit Hindi pangkaraniwan

"Siya si Zero, isang makapangyarihang alamat ng mga mortal, isang tawag mo lang sa kanya at lalabas siya, Hindi pangkaraniwan ang kanyang kapangyarihan, humayo ka anak at suungin ang laban para sa ikakapayapa ng lahat"

And with that I woke up, umaga na pala. Napatingin ako sa likod ng palad ko, andun yung tattoo

Zero? Alamat ng mga mortal? bumuntong hininga nalang ako, problema ko ngayon kung paano hanapin ang ikatlong nilalang, alam kaya ni zero?

Mamaya na. Pinihit ko ang door knob pero nakalock parin ito, ke'gagong Clint ano ba ang balak sa buhay non?

The Chosen One [COMPLETED]Where stories live. Discover now