Bidding

170 19 1
                                    

'Ang taong mamahalin at minamahal mo ang siyang mismong kalabang hinahanap mo'

Hanggang ngayon ay hindi maalis sa isip ko ang sinabi ng lalaking yon sakin sa panaginip ko. Yung labi niya, para nakita ko na yon at kilala ko ang nagmamay ari non, Hindi lang ako sigurado kung sino

Ano na naman ba ang mangyayari at may pangitain na naman? Don't tell me nalalapit na naman ang digmaan?

Sus jusko, tadhana baka pwedeng bigyan mo muna ako ng palugit, masyado pa akong mahina para sa totoong digmaan.

Napabuntong hininga ako at naiisip na naman ang nangyaring digmaan

Putanginang scam yan! naghanda ako, halos lahat ng ipagawa sakin ng mga hari ginawa ko

Hinanap ko ang apat na crystal na Hindi ko naman magamit, ang tatlong kakaibang nilalang na nakalimutan Kong gamitin. Ang mga basbas nila, binigay nila sakin sa napakadaling panahon, kung alam ko lang na ang unang digmaan ay ang pagharap ko sa hari ng kadiliman, sana pala yung maliit na jar nalang ang hinanap ko kesa dito sa mga walang silbing bato!

Bumuntong hininga nalang ako

"Sweetie you're spacing out, you should've said that you're not feeling well para iniwan ka na namin sa bahay" rinig Kong sabi ni Clint mula sa earpiece

Kasalukuyan kasi kaming andito sa isang hotel kung saan gaganapin ang illegal bidding ng katunggaling mafia group nila Clint.

Yeps! Its a raid again, pero this time si magesta lang ang pain.

"Nahh I'm fine, tsaka I want to help" kako nalang

"Okey if you say so, pay attention" kamo niya pa

Isinali namin si magesta sa mga ibibentang babae. At kailangang ang target namin ang makakuha sa kanya, kung kailangan Kong gamitin ang kapangyarihan ko ay gagawin ko.

Nagsimula na ang bidding at halos lahat ng ibinebentang babae Ay nakukuha sa napakalaking halaga.

"Si magesta na ang sunod" rinig Kong sabi ni liam

Naiwan kasi siya sa Van para sa look out at taga update kung ano ang nangyayari sa paligid, certified professional hacker kasi tong si locky kaya nakuha namin ang access ng bawat cctv camera dito sa hotel.

Napatingin ako Kay grey, tumango lang siya, si locky naman ay nag thumbs up, and si Clint langya, as usual tinignan lang ako ng blangko at naghalf nod.

Lumabas na si magesta at pinapunta sa gitna ng stage, samo't saring sigawan sa pagkamangha, dahil Hindi maitatagong maganda at sexy tong si magesta

Nag start ang bidding at sinimulan ang bentahan sa kinse mil. dahil jackpot daw si magesta.

Napatingin ako sa target naming matanda.

Eros Arman, isang business tycoon, nagmamay ari ng illegal firearms and explosive company. Nagpapalabas siya ng mga bagong baril at nakikipag trade sa ibang grupo ng mafia. Hawak rin niya ang pangatlong pinakamalaking sindikato sa buong asya.

Kung ako lang talaga ang tatanungin wala akong pake sa kanya, at sa kung anong meron siya.

Pero dahil sa ranking at kalaban siya ni Clint ay syempre kailangan namin siyang patayin, tung si Clint naman nangunguna na nga lang gusto pang ubusin ang mga mafia groups. I can't blame him tho, kailangan niyang i-maintain ang rank niya.

Palaki ng palaki na ang perang nakaabang kay magesta pero itong matanda parang nag aabang ng pinakamalaki upang tapatan ito.

"500 mil!" sigaw ng isang binata

Tumahimik ang lahat. Talaga namang mga hayok sa babae at katawan, handang maglustay ng napakalaking halaga ng pera para lang sa isang gabi kasama ang babae.

"500 million? going up?" tanong ng MC "No more? so its-"

"1 billion for that girl!" biglang sabi ng aming target

Napangisi naman kaming apat, tumingin sakin si magesta, nag thumbs up lang ako.

"Halina kayo" tawag samin ni liam

Nagtungo kami sa Van at inantay na lumabas sila magesta at ang target

"Money successfully transferred" kamo ni locky

"Great job" nakangising sabi ni Clint

"Ano yon?" tanong ko

"Yung perang nakuha sa bidding" nakangising sagot ni liam

"Oh? bat yon?"

"Syempre naman miss phoebe Hindi tayo magsasayang ng pera dito, bago pa matusta ang lahat duon ay iligtas natin ang pera" tumataas baba pa ang kilay na sabi ni grey

Napailing nalang ako, Yups! the Mafia way.

Nang makitang lumabas na sila magesta ay agad kaming naghanda at sinundan ang kotse na may lulan kila magesta

Saktong paglayo namin ay ang mismo ring pagsabog ng hotel na ginanapan ng bidding.

Kaya naman pala sinalba ang pera, di na naawa tung mga to, iisa ang target pero maraming nadamay. Tsk

Sumagi sa isip ko ang misyon ko. Misyon ko ang protektahan ang mga mortal pero bakit eto ako at kasama sa mga pumapatay ng mga tao.

Napangiwi nalang ako, bahala na kung ano ang mangyari.

"Katulad ng plano, si grey ang bahala sa likurang bahagi ng bahay, locky pagkarating natin don ay ihack mo agad ang mga CCTV cameras, liam maiiwan ka ulit dito, locky sa may kanang bahagi ka ng bahay, Phoebe dun ka sa kaliwa, ako ang papasok sa loob, naiintindihan niyo?" seryosong sabi ni Clint

Sa mga misyong ganito ay walang kai-kaibigan kay Clint, walang mahal mahal, ang mahalaga daw manatili kaming buhay. Yun na yon!

The Chosen One [COMPLETED]Where stories live. Discover now