Wife and maid

442 47 5
                                    

Kinabukasan feeling ko normal na ulit ang araw ko, wala na ang mga lalaking nagbabantay sa daan kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Buti naman at wala ng pesteng nakabantay sa labas ng bahay.

Pagdating sa school ay may lumapit sa aking studyante, kakapasok ko palang talaga sa gate, sabi ay ipinapatawag raw ako ng dean. Nagkibit balikat nalang ako at nagderetso sa deans office. Masyado akong tahimik sa paaralang ito kaya malabong magkaroon ako ng kaso sa office. Kung ano man ang dahilan ng pagpapatawag sa akin, ipagdasal nalang nating magandang balita ito.

"Pinatawag niyo po ako sir?"

"Yes please sit down miss Celeste, someone wants to talk to you, maiwan na kita" Ha? Ganon na 'yon? Ipapatawag ako dito para iwan at ipakausap sa mga taong hindi ko man lang kilala? Ayos ah.

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya pero hinayaan ko nalang. Tahimik nalang akong naupo dito, mag isa, sa malawak na opisina ng Ludicrous International High. Halos kulay black at gold lang ang makikita mo sa opisinang ito.

Sa totoo? Kampon ba ng bampira ang may ari ng paaralang ito?

Makalipas ang ilang sandali ay bumukas ang pinto, nangunot ang noo ko dahil sa presensya nila. Sila na naman? Bakit na naman? Ano na naman ba ang ginawa ko?! ARGH! SAKIT KAYO SA ULO!

"Yow! miss Phoebe KENDAL Celeste" batid kong nang aasar ang isang ito, mukhang clown!

"Magandang umaga miss KENDAL"

"Musta araw mo miss KENDAL?"

Napatingin ako sa likod at bumungad sakin ang nakakaloko nilang ngiti. Mga hayop

Nakangisi naman ngayon ang lalaking pinakamatangkad sa kanila "Are you wearing a mask?" Tanong niya at kinorner pa talaga ako sa table at inilapit sakin ang kanyang mukha

Napangiwi nalang ako "No, why would I wear a mask?"

Ngumisi lang ito "I want to make a deal with you miss Phoebe KENDAL Celeste"

"Ano bang problema niyo sa pangalawang pangalan ko?"

"Ganda lang banggitin HAHAHAHA" banggit ng isa sa tatlong tukmol. Mabulunan ka sana sa sarili mong laway punyeta ka.

"Ano na naman ba kailangan niyo?"

"You." deretso at seryosong sabi nitong kaharap ko. Walang kaemo-emosyon at para bang bato ang kausap

"Me?" pagtataka ko. Me as in ako? Me as in I? Me as in me? Like ako talaga o yung iba kong anyo?

"Yes. Be my wife, I don't accept no as an answer. And you have no choice but to say yes. Or I'll kill you"

Napataas naman ang kilay ko, kill me? Oh really? Pag ikaw kinulong ko sa air bubble ko ewan ko lang kung hanggang saan ka lulutang lutang sa ere kasama yang baril mo

Pero syempre act like a normal human. Kunwari takot sa baril, babae eh. Syempre kailangan mahina kasi may baril yung tao eh. Syempre kailangan umoo kasi syempre may baril yung tao eh. Punyetang baril yan! Ipalunok ko yan sayo eh.

"B-bakit?"

"Just say yes already damnit!" inis na sabi niya at tinutukan ako ng baril.

Haha! Uy baril oh.

Kung hindi ko lang naalala na nagpapanggap akong normal na tao ay baka kanina ko pa pinalutang baril nito at hinampas sa ulo niya. Isiksik ko kaya yang baril mo sa butas ng tenga mo.

"O-okay, Deal" nagmumukha kang katatawanan sakin, tsk tsk tsk.

Ngumisi naman siya at binaba ang baril "Get her" utos niya at agad naman nila ako hinawakan

"T-teka may klase pa ako!" sigaw at pumiglas ko pero ayaw nila ako bitawan. Lalo lang nilang hinihigpitan ang hawak nila sakin na lalong nakakapagpainis sakin.

Buti nalang nakakapagpigil ako, kundi kanina pa talsik tung apat na to. Sisiguraduhin kong lalabas sila dito sa mundo.

"You'll stop going to school from now on" kamo niya at ngumisi. Ulol ka ba?! Eh kung ipakain ko kaya sayo lahat ng diploma ko!

DINALA nila ako dito sa mansion na pinagkulungan nila sakin dati. Tangina don't tell me ikukulong na naman ako? Lintek na 'yan.

Pagkatigil ng van ay kinaladkad nila ako papasok, letche talaga, kung pwede lang gamitan ng isang mahika ang apat na'to, bulagta na siguro sila ngayon. Sisiguraduhin ko talagang ni isa sa mga minamahal nila, hindi na sila makikita.

"MANANG!" sigaw nung lalaking asawa ko daw. Haha asawa, yucks.

"Yes young master" yukong sabi ng isang matanda

"Dress her. She's new" turo pa niya sakin. Sakin?

"Yes sir"

Laglag naman ang panga kong nakatingin sa kanilang apat na paakyat sa taas, ako? katulong?

Binawalan niya akong mag aral, ginawa niya akong asawa pero ang labas ko katulong? MAGIGING KATULONG LANG AKO?! FUCK YOU!!!!

Sa sobrang inis ko ay di inaasahang nabasag ko ang isang flower vase gamit ang mata.

"Naku naman Alexis! halika nga't linisin mo iyong nabasag" Sigaw nitong kaharap ko at tsaka nakangiting bumaling sakin. Huwag mo'ko ngitian dahil baka ubusin ko yang ngipin mo! Di mo pa naman bagay sayo magpustiso.

"Halika na iha ipapakita ko sayo ang pagtutulugan mo" inaya niya naman ako sa kung saan

PAGKATAPOS magpalit ng uniform ng mga katulong ay agad akong tinawag ng hinayupak Kong MASTER daw

Pagkapasok sa kwarto kung asan sila ay ngingisi ngisi sakin ang tatlo samantalang ang boss naman ay walang emosyong nakatingin sakin

"Kailangan niyo?" inis na tanong ko

"Bring us snacks"

umirap nalang ako at nagpunta sa baba at kumuha ng snack, kumuha na ako ng kahit na anong makita ko at isang 1.75 liters coke.

Agad ko itong pinunta sa kanila.

"Clean our basement" ngisi pa niyang utos sakin

Padabog nalang akong umalis don at nagpunta sa basement.

BOOM sabog! Tangina ilang bagyo ba ang dumaan dito? SOBRANG KALAT!

Tch. Tinatamad pa naman ako maglinis ngayon.

Pinawalang gana ko muna ang mga CCTV cameras at pinalutang ang mga kalat. Agad ko namang kinontrol ang mga kahon at inilagay sa isang sulok

Ang mga kalat na nakalutang naman ay inilagay ko sa basurahan, pinitik ko din ang walis tambo at agad itong kumilos mag isa, Ang mga kalat naman sa lamesa ay pinalutang ko at isa isang pinagbabato sa basurahan.

Ginamitan ko na ng kapangyarihan dahil tinatamad ako, pagkatapos ay pinagana ko na ulit ang mga CCTV at kunwari ay inaayos ko ang walis at dustpan. Tsaka lumabas

Ngingisi ngisi akong nagtungo sa maids quarter at natulog na, pakealam ko kung magalit yon pag natulog ako. Napagod akong tumayo don sa basement eh.

The Chosen One [COMPLETED]Where stories live. Discover now