Gone

181 24 0
                                    

PHOEBE'S POV

Napatingin ako sa paligid at nakitang nakatalikod si phemie sa amin, naningkit ang mga mata ko at unti unting lumapit sa kanya

Nakita Kong may liwanag na namumuo sa kanyang harapan, nanlaki ang mga mata ko at tinakbo siya

Hindi! Hindi!

"HINDII! KAMBAL KOOO!!"

Ngunit nakakasilaw na liwanag lang ang naabutan ko, napapikit ako dahil sa sobrang liwanag nito.

Dumaan ang ilang minuto ay nawala ang liwanag. Pagmulat ko Ay...

Ayos na ang lahat, bumalik na sa dati ang lahat, walang mga halimaw, walang mga nilalang ang mga legendary creatures ay wala na din ngunit ang tatlong pag aari ni phemie ay andito pa

Parang walang nangyari, andito lahat ng mamamayan, mahekera at makapangyarihan, buhay na ulit ang lahat ng namatay na ngayon ay nakatingin sakin

Lumuluha akong tumingin sa mga hari at reyna

"A-asan ang kapatid ko?" garalgal ang boses na tanong ko ngunit yumuko lang sila

"Hah? asan si Kendal?" tanong ng babaeng satingin ko Ay kaibigan ni phemie

Nagpalinga linga naman ang apat na satingin ko ay kaibigan din niya

"R-reyna tasha, asan ang kapatid ko?!" Dahil narin siguro sa sakit ay Hindi ko na mapigilang mapasigaw

"P-pasensya kana-"

"Hindi! HINDI YAN ANG TANONG KO! ASAN ANG KAPATID KO!?" sigaw ko

lahat sila ay napayuko

"Ikaw...ikaw si zero Hindi ba? asan ang kapatid ko?!" baling ko sa nilalang na katabi nang dragon

Yumuko ito "Wala na siya" deretsong sagot nito

Napatingin ako sa kanilang lahat at Hindi ko mapigilang mapaiyak

"Anong wala?! Anong wala!? Hindi siya nawala..." dahil sa paghihina ay napaluhod ako

Napatulala ako at tila ba ayaw tanggapin ng utak ko ang mga binitawang salita ni zero. P-panong wala? Hindi! Sabi niya sakin tatapusin namin to! Sabi niya sakin magsasama kami

Bakit parang Hindi naman patas, bakit kailangan humantong sa ganito

Hindi ko alam kung sisisihin ko ba ang kapatid ko dahil maaari naman niyang hayaan nalang ang lahat at lalabanan namin ang natitira eh

'Ate promise me you won't leave me ah! Tapos ipangako mong magsasama tayo ng napakatagal na panahon'

'Ate wag mo Kong iiwan ah'

'Ate mahal kita'

Naalala ko pa noong panahong sinasabi mo saking mahal mo ako, na Hindi tayo maghihiwalay, na Hindi kita iiwan, na dapat magkadikit lang tayo palagi

Tanda ko pa yung mga yon, pero pano ko tutuparin?

Napayuko nalang ako at nagsimulang humikbi

Naramdaman Kong may humahagod sa aking likuran

"Kayanin mang makapagpagaling at makapagpabuhay ng patay si Kendal ay Hindi mawawakasan ang labanan sapagkat sa sumpa ni trevon ay walang hanggang digmaan hanggang mag sakripisyo ang natakda" niyakap ako nito at batid Kong umiiyak din siya

"Masakit din samin ang pagkawala ni Kendal sapagkat napalapit kami sa kanya at itinuring na tunay naming anak, ngunit...ginawa niya lang iyon upang iligtas tayong lahat, Hindi mapapantayan ang kadakilaan ng iyong kapatid cassidy"

Mas lalo akong napahagulgol sa sinabi nito

Napatingin ako sa mga nilalang ni phemie at unti unti na silang naglalaho habang umiiyak din

"A-anong nangyayari?"

"Wala na ang kanilang taga pangalaga...kung kaya't sila'y mawawala na ng tuluyan"

Napatingin ulit ako sa apat na pagmamay ari ng kapatid ko, pare pareho silang lumuluha at nagbigay galang saakin

Bakit ang kapatid ko pa? kung pwedeng ako nalang sana.

Ansakit lang isipin na nakabalik nga ako ngunit nawala naman ang kambal ko. Ang mas masakit pa'y Hindi ko na siya maibabalik pa.

Kulang pang depinasyon ang pinipiga ang puso ko para sa sakit na nararamdaman ko.

Nawalan na ako ng magulang tapos ngayon mawawala pa ang taong nag iisang meron ako at Hindi ko nakasama ng matagal

Kung kailan handa na akong bumawi sa kanya ay siya namang...pagkamatay niya.

Buong araw lang akong nakatulala magmula nung inuwi ako nung kaibigan ni phemie na magesta

Wala akong ibang ginawa kundi tumunganga at iyakan siya

Naalala ko noong nahanap niya ako sa kulungan ng massacre land, napakaganda niya

Ang tuwa sa kanyang mga mata ay Hindi mawala sa isip ko, kung pano niya ako ngitian

Hinihiling Kong sana ay makita ko pa ang ngiting iyon sa mahaba pang panahon ngunit...wala na

Napaiyak nalang ulit ako habang inaalala ang kambal ko

"Cassidy gusto mo ba munang lumabas?"

Malungkot na tanong ni magesta

"Hindi na, mas gusto ko mapag isa"

Lumapit siya sakin at umiiyak na ibinigay ang dalawang lampin

"Pag aari niyo yan ni Kendal noong sanggol pa kayo...satingin ko nararapat lang na ibigay ko saiyo ang pag aari niyo"

Tinignan ko ang lampin at nakitang nakaburda dito ang pangalan naming magkapatid

Niyakap ko ito at Hindi napigilang humagulgol

"Miss na kita kapatid ko" umiiyak na sabi ko

"Miss narin namin si Kendal" Humihikbing sabi ni magesta

Bakit ba kasi kailangan ganito kasakit ang mga pangyayari?

Hindi ko ata kaya

Hindi ko ata kakayanin

"Mahal na mahal ko ang kambal ko magesta, gusto ko siyang bumalik, gusto ko siyang ibalik, pakiusap mga bathala ibalik niyo po ang kambal ko"

Niyakap ako ni magesta at nagpigil ng hikbi

"M-mahal ka rin ng kapatid mo cassidy. Mahal na mahal"

Natapos nga ang labanan...nawalan naman ako ng kabiyak

The Chosen One [COMPLETED]Where stories live. Discover now