Stone

124 17 1
                                    

Ilang araw na nung nakalabas ako sa ospital, naging busy itong si magesta, at natural na busy din ang apat sa kumpanya nila...

At ako? eto at nag iisip ng mga bagay bagay

Ang mga sinabi ng tagapagligtas, ang reaksyon ng Lola ni phemie, ang digmaan, ang mga iniisip ni phemie kahapon, ang batong crystal na hugis puso, ang kalaban ko, ang mga panaginip ko, ang totoo.

Hindi ako makakakuha ng sagot kung uupo lang ako dito.

Tumayo ako at tinignan ang tuktok ng bundok kung saan madalas kong marinig ang kumakanta

Wala ka man diyan o andiyan ka, pupuntahan kita.

Agad Kong kinuha ang dynamism bag ko at naglagay ng mga magagamit ko.

Nag-iwan din ako ng sulat na sinasabing mawawala muna ako at Hindi na nila kailangang mag alala sakin.

Pagkatapos non ay nagteleport ako papunta sa may pasukan ng kagubatan papunta sa bundok na yon.

Iniisip Kong suungin ang kagubatan ngunit dahil tamad ako Ay nagteleport nalang ako papunta sa bundok na yon.

Mula rito sa taas ay purong puno ang makikita mo, hindi mo makikita ang city kung saan ako nakatira at parang labas na ito ng maynila.

Ngunit isang spot ang nakaagaw ng atensyon ko, sa gitna ng kagubatang ito ay may isang malawak na field. Katulad na katulad sa panaginip ko noon

Kung ganon, dito ako dinala ni ama, akala ko pa naman ibang mundo yung pinagdalhan sakin, dito lang pala psh.

Pupuntahan ko nalang yon mamaya, nilibot ko ang paningin ko, mula dito sa kinatatayuan ko ay makikita ang isang kweba na nasa tuktok ng katabing bundok kung saan ako.

May iilang puno rin dito.

Lumipad ako at tinungo ang kabilang tuktok na bundok, lumapag ako sa may pasukan ng kweba

Kung ano man ang mahahanap ko dito, bahala na!

Pinasok ko ito, madilim ngunit ayos lang, may nakita akong hagdanan pababa

Kweba ba talaga to?

pagkaapak ko sa unang baitang ng hagdan ay biglang nagsindi ang mga kandila sa gilid

Dahan dahan akong naglakad pababa, kung ano man ang meron sa dulo ng hagdan na to sana naman...may pakinabang.

Pagkarating sa huling baitang ng hadgan ay mayroong pinto. Huminga muna ako ng malalim at dahan dahan ding binuksan ito

Nanlaki ang mata ko sa bumungad sakin.

Iba't ibang uri ng bato, ang kikinang, ang gaganda, iba't ibang kulay, hugis at laki.

"Sino ka? anong kailangan mo dito?" biglang may nagsalita sa may kaliwa kaya napatingin ako doon

Omygod! isang stone keeper! ang mga stone keeper ay anyong tao pero ang mata nila ang siyang pagkakakilanlan kung anong bato ang kanilang inaalagaan.

At ang isang ito ay crystal and gemstone keeper.

"Inuulit ko-"

"Chill dude, Dimo na kailangan ulitin, Hindi ko din alam kung ano ang ginagawa ko dito, pero may hinahanap ako" putol ko sa sasabihin niya

Umayos siya ng tao at inilibot ang tingin

"Kung ang magical lovers stone ang hinahanap mo...sumunod ka sakin"

Gulat akong napatingin sa kanya, Hindi ko naman sinabing bato ang hinahanap ko eh. Pero sumunod nalang ako

Pumunta kami sa isang silid, kung saan merong dalawang glass at nakapaluob dito ang isang diamond na bato, ang isang glass naman ay isang diamond na gemstone na kulay green, nakakaengganyo itong tignan

Ito ba ang dalawang sinumpang bato?

"Eto ang sinumpang bato" turo niya sa kulay pink na diamond crystal

Napakunot ang noo ko, kung Hindi ako nagkakamali dalawa ang sinumpang bato

"At yun ang isa pa?" turo ko sa kulay green na gemstone

"Hindi"

"H-hah?"

"Iyan ang supreme villainous gemstone"

"Hah? ano yon?"

"Ito ang panlaban sa legendary crystal power"

Nanlaki naman ang mata ko.

Putik! kung ganon ang labas bato laban sa bato.

Bakit Hindi ko alam ang tungkol sa bagay na ito.

"Ngunit Hindi iyan ang totoong bato" kamo niya pa

"Hah?"

"Ang totoong bato ay pagmamay ari na ng isang mandirigma, na Hindi na alam kung saan siya ngayon"

Napakurap kurap nalang ako dahil sa totoo lang, naguguluhan at Hindi mag sink in sa utak ko ang mga sinasabi niya

"P-pero? bakit iisa ang sinumpang bato?" pag iiba ko ng topic

"Senyales na may nakatakdang mamatay"

Nanlalaki ang mga mata at nakaawang ang labi Kong napatingin sa kanya

"Ang sinumpang bato na ito ay kilala na ang nag mamay ari sa kanila, alam na nila kung ano ang kapalaran ng nag mamay ari sa kanila at kusang maglalaho ang bato kapag alam nilang mamamatay ang taong nakatakda sa kanya"

This is just mind blowing! I don't even know what to say! Hindi pa ako nakaka get over sa sinabi niya ay nagsalita na naman siya

"Hindi totoo ang sinasabing papasawalang bisain niya ang sumpa. Ang sinumpang bato ay nakalaan lamang para sa nagmamahalang mortal at immortal, mabibigyan ng basbas ang sinumang nagmamay ari nito. Ngunit satingin ko'y ang nagmamay ari ng batong ito ay Hindi nakalaang magsama habang buhay"

Tumingin siya sakin ng seryoso

"At ikaw ang isa sa nagmamay ari nito"

The Chosen One [COMPLETED]Where stories live. Discover now