Pain

148 20 1
                                    

Nararamdaman ko ang pagkamangha ng mga tao sa gilid at sa mga mortal na nakakulong sa itaas na batid Kong nanunuod ng nangyayaring labanan

Ngunit ramdam ko din ang pag aalala sa mga ito

Patuloy lang kaming lumalaban ni phoebe, siya sa kanan at ako sa kaliwa, ang kailangan ko lang ay makalapit Kay...Clint.

Napahinga ako ng malalim at pinigilan ang lungkot na nararamdaman ko, gamit gamit ko ang legendary sword sa kanang kamay at kapangyarihan ko naman sa kaliwa.

Ngunit Hindi maubos ubos ang mga nilalang na ito, unlimited lang ang peg mga punyeta

Nagkatinginan kami ni phoebe at parehas na tumango, unti unti naming itinaas ang kamay namin, kasabay nito ang paglabas ng aking mga nilalang na bato at siya naman ay mga halimaw na punong nakasay sa mga mababangis na hayop

"LUSOB!" sabay na sigaw namin ni phoebe at kasabay ng aming nilalang ay tumakbo din kami upang umatake

Ngunit ako ay dumeretso Kay Clint, pati rin pala si phoebe Ay paderetso Kay Clint

Gamit ko ang legendary sword At gamit naman ng kambal ko ang isang lazer sword.

Parehas naming inatake si Clint ngunit bigla siyang nawala.

Nagpalinga linga kami ni phoebe, bigla Ay sinugod ng isang babae si phoebe, tutulungan ko na sana kaso may nagpakawala ng isang itim na usok mula sa likod ko, buti at nakaiwas ako

Tinignan ko ito at walang iba kundi si clint, nakita ko sa leeg Neto nakasabit ang kulay berdeng bato.

Huminga ako ng malalim bago ko siya inatake.

Sinasangga lang ni Clint ang aking mga atake, at kapag nakahanap ng tyempe ay papatamaan ako ngunit nakakaiwas din ako

Hindi rin pangkaraniwan ang kanyang kapangyarihan. Kaya aminado akong mahirap siyang kalabanin

"Ano na tagapagligtas? hanggang diyan lang ba ang kaya mo?" ngangisi nitong sabi

Nanliliit ang mga mata ko siyang tinignan at tsaka ko siya tinignan ng masama

"Wag na wag mo Kong mamaliitin" seryosong sabi ko at inihanda ang sarili ko sa panghuli Kong atake

"HAHAHAHAHA isa kang mahinang nilalang tagapagligtas! tanggapin mo ang bagay na iyon!" tawa pa nito

Hinawakan ko ng mahigpit ang espadang hawak ko at inabante ang isang paa

"Tumawa ka lang...Clint" kahit may pagkadismaya ang boses ko at lungkot ay itinago ko ito sa seryoso kong mukha

"HAHAHAHAHAHAHA-argh!"

Agad kong ginawang latigo ang aking espada at inamba sa kanya, pumulupot ito sa leeg niya at agad na pinapaso ng lagito ko ang kanyang leeg

Pumulupot ng palihim ang dulo ng latigo sa may gemstone

Hinila ko ito pabalik at napigtas ang kwintas mula sa kanyang leeg, habang siya naman ay iniinda ang napaso niyang leeg.

Tumalsik ang bato kaya naman agad akong tumalon para kunin ito ngunit....

Bigla akong tumalsik kasabay ng itim na usok na pumalibot sa gemstone

"Kendal! ang dibdib niya!" sigaw ni phoebe kaya napatingin ako kay Clint

Malaya ang dibdib niya kaya agad Kong ginawang espada ang hawak kong latigo at ibinato ito Kay Clint

Parang bumagal ang oras habang palapit Kay Clint ang espada ko...Bakit? bakit ansakit na makitang ako mismo ang papatay sa kanya?

Natulala ako nung makitang nakatarak na sa may dibdib ni Clint ang espada ko...bakit? ansakit?

Napaluhod si Clint at tumingin sakin habang naghihingalo at lumalabas ang dugo sa kanyang bibig

"S-sweetie.." huling sabi nito at biglang natumba

Agad akong tumakbo papunta sa kanya at sa Hindi malamang dahilan ay patuloy sa pagragasa ang luha ko

Bakit ansakit?

Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa harap niya.

"C-clint" tawag ko ngunit wala na...

Hinawakan ko ang kanyang pisnge at lumuluhang ipinaharap sakin ang mukha niya

"C-clint I'm sorry" Hindi ko na napigilang yakapin siya habang humihikbi

Ramdam Kong may humahagod sa likod ko

"Nakatakda na itong mangyari" sabi ni phoebe mula sa likod

"Nakatakdang ako ang papatay sa isang nagmamay ari ng sinumpang bato?"

Mula sa likuran ay niyakap niya ako

"Tahan na, nangyari lang ang nakatakda at kailangan nalang nating itong tanggapin"

Napahagulgol nalang ako at binitawan ang bangkay ni Clint

"Tapos na ate" nakangiting sabi ko ngunit batid Kong nangunguna parin ang lungkot sa mga mata ko

"Halikana tulungan natin ang mga natitira" tumango ako at tinignan sa huling pagkakataon ang bangkay ni Clint

Lalakad na sana kami nang biglang yumanig ang buong palagid

"A-anong nangyayari?" tanong ko

"ANG SUPREME VILLAINOUS GEMSTONE!" biglang sigaw si reyna tasha

Napatingin naman ako kung nasaan ito ngunit wala na ito ron

"P-panong.."

Mas lumakas ang pagyanig ng lupa at biglang lumitaw ang mga naglalakihang halimaw mula sa ilalim ng lupa. May mga iba't ibang nilalang na lumilipad sa himpapawid at may mga parating na Naglalakihang iba't ibang hayop na sa pagkakaalam ko ay mula sa Mundo ng mga higante

Lumitaw din ang iba't ibang nilalang sa mundo ng mga dragon na kalaban ni draxon

"A-ate.." hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit

"HINDI PA ITO TAPOS!"

The Chosen One [COMPLETED]Where stories live. Discover now