Magical Land

224 24 1
                                    

Kabang kaba akong bumangon, pinahid ko ang pisnge ko at naluha pala ako.

Kung sila ang pamilya ko? Sino yung mga taong kinalakihan ko? Kung may kambal ako? Asan siya ngayon? Asan ang pamilya ko

Hindi ko na napigilang mapaiyak. Ano ba talaga ang totoo, kailangan ko pa bang bumalik sa magical land para alamin ang totoo?

Nasa ganung posisyon ako nung may biglang portal ang nagpakita sa harap ko, nagtataka man ay pumasok ako don.

Paglabas ko ay nandito ako sa aming mundo, maaliwalas at payapa ang aming bayan. Nakakamiss din pala tung magical land.

Mukhang tapos na ang misyon ko, dapat ata masaya ako dahil tapos na pero bakit ang lungkot ko, eh wala naman akong magandang naranasan sa mundo ng mga mortal? lalo na't ginawa akong katulong nung Clint na yon tapos pinapirma sa pukinginang marriage contract.

"Miss Celeste" tawag ng isang kawal

"Po?"

"Pinapatawag ka sa kaharian" sabi niya

Tumango lang ako at lumipad na kasama sila na nakasakay sa pegasus. Pagkarating sa napakalaking gate at bumukas ito. Tumambad sakin ang napakalaking kahariang kulay sky blue. Napakaganda.

Pumasok kami kung saan ang throno ng mga mahal na hari at reyna

Nagbow naman ako nung sila at nagsiupuan sa kanilang throno

"Nagagalak kami sa kadakilaang ipinakita mo Kendal" nakangiting sabi ng reynang earth

"Ginawa ko lamang po ang aking responsibilidad" magalang na sabi ko

"Bilang gantimpala sa iyong kadakilaan, tanggapin mo ang aming regalo"

Unti unting lumapit sakin ang isang kwintas na gawa sa kristal na hugis puso, napaka ganda dahil nakapaloob ito sa isang magestic design. Napakaganda nito

"Napakaganda po nito mga mahal na hari at reyna" kako at hinawakan ang kwintas

"Malalaman mo rin kung para saan ang bagay na iyan" nakangiting sabi ng reyna ng mga yelo

"Maraming salamat po"

"Bumalik kana duon kendal, Hindi pa tapos ang responsibilidad mo"

"P-po? ngunit tapos na po ang digmaan mahal na reyna"

nagkatinginan naman sila "Hindi pa anak, kailan lang namin nalaman na ang nangyaring digmaan ay ang paunang tikim" malungkot na sabi ng hari ng langit

"K-kung ganon may susunod pa?"

"Sanayin mo ang iyong bagong kapangyarihan Kendal, ang meron ka ang pinakamalakas sa lahat" sabi ng reyna ng kagubatan

"Masusunod po" sabi ko at umalis na

Habang lumilipad ay pinag masdan ko ang kabuuan ng magical land, puros itong kulay ginto at ang isang palasyo lang sa gitna nito ang gawa sa mga kumikinang na bato. Duon nakatira ang mga opisyal ng magical land.

Dito naman sa taas ay ang mga kaharian, kumpleto na itong nakapabilog ngunit parang may kulang, kulang ata ng isang kaharian dito sa gitna kung nasaan ako.

Ang sabi kasi sa librong nabasa ko, Kapag nakumpleto ang bawat kaharian ay maghahalo ang apat na mundo ng mga mahika, ang magical land, fairies land, witches land, at ang dragon land, kung sino man ang nakatira sa mga kahariang iyon ang siyang mamumuno sa nabuong bagong mundo.

Nagkibit balikat nalang ako at bumalik na sa Mundo ng mga mortal. Kailangan kong magsanay. Para sa darating na digmaan, malayo pa man Ay kinakabahan na ako.

Pagbalik duon ay nagkakagulo ang lahat. Rinig ko ang sigaw nila sa baba kaya naman lumabas ako ng kwarto at bumaba sa sala. Pagbaba ko ay natigil silang lahat

"Phoebe!" sigaw ng kung sino at may bigla nalang yumakap sakin

"Where the hell have you been?" nag aalalang tanong ni Clint

"Naku mahal na tagapag ligtas, halos magwala yan nung makitang wala ka sa kwarto mo" sabi ni magesta habang kumakain ng saging

"Shut up!" inis na sabi ni Clint at niyakap ulit ako. Grabeng kabog nitong puso ko

Bumuntong hininga naman ako "Galing ako sa mundong pinanggalingan ko" kako at umupo

"Sa magical land? Naku! gustong gusto Kong pumunta don, ang kwento kasi ay napakaganda daw sa lupaing iyon, lalo nat andun ang mga hari at reyna" masayang sabi ni magesta

"Teka! ibig sabihin galing kayo sa ibang mundo?" takang tanong ni locky

Tumango naman kami

"Wow!" nasabi nalang nila

"Ano po ang ginawa niyo don?" tanong ni magesta

"Ipinatawag ako ng mga hari at reyna"

"Nakatira ba sila sa palasyo?" excited na tanong ni locky

Tumango naman ako

"Mag aasawa ba silang hari at reyna?" ngayon Ay si grey naman

Umiling ako, sumimangot naman ito

"Do they have powers too?" tanong ni liam

Tumango naman ako

"Cut that bullshit! what did you do there?" tanong ni Clint

"its not yet done, Simula palang ang nagyaring digmaan"

"ANO!?" gulat na tanong ni magesta "Panu na yan?" tanong pa niya

"Sinabihan nila akong sanayin ang kapangyarihang meron ako, Hindi pa man nagsisimula ay kinakabahan na ako"

"Kaya mo yan, ang tapang mo nga eh" nakangiting sabi ni grey

"Oo nga eh! astig nga nung nagpalabas ka ng iba't ibang bola" -locky

"Specially when you call zero" -liam

"And the time your clothes change into armor" -Clint

"Kayang kaya mo yan phoebe ikaw pa!" gatong pa ni locky

natawa nalang ako "Zero labas"

"Yes master?"

"Sanayin mo ako" kako ngumiti naman ako

"Wait! wait ako din!" sigaw ni magesta

"D-diba ikaw ang maalamat na zero?" takot na tanong ni grey

"Oo ako nga" ngumiwi naman ito

"Nagsasanay ka rin ba ng mga mortal?" tanong ni liam

Tumango naman ito

"SANAYIN MO DIN KAMI!" sigaw ng makulit na locky

"Master!" sumbong sakin ni zero pero tinawanan ko lang.

KINAGABIHAN ay inilabas ko ang apat na crystal at pinalibutan ng crystal na yelo tsaka ko pinaluob sa isang old treasure box na galing pa sa magical land.

Itatago ko muna ito habang Hindi ko pa alam kung saan gagamitin

sunod ko namang inilagay sa may kamay ko ang kwintas, Hindi ako mahilig sa kwintas eh, pinalibot ko ito sa pulsuhan ko para magmukhang bracelet.

Kaya ko to!

The Chosen One [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя