Opponent

121 20 1
                                    

KENDAL'S POV

Tulala lang akong nakaupo dito sa may labasan ng dating tahanan namin dito sa magical land

Nag iisip kung ano ang gagawin. Hindi ko pa kabisado ang massacre land sapagkat wala nino man ang nakakapunta don, maliban sa mga pinapatapon duon.

Ang massacre land ang tapunan ng mga nilalang mula sa apat na Mundo na nag aalsa sa pamamahala ng kanilang opisyal at mga hari't reyna.

Sigurado akong delikado ang lugar na yon. Ngunit kailangan Kong pumunta don.

Nasa ganong posisyon ako nung biglang may isang liham na papalapit sakin.

Imposibleng ang mga hari at reyna ang magbibigay sakin ng sulat dahil andito lang naman ako sa magical land

Sino kaya ito? kinuha ko ito at agad na binuksan at binasa

'Kendal..alam Kong nasa magical land ka, kung ano mang ginagawa mo diyan ay sana bigyan mo ng pansin ang liham Kong ito. Si Clint ang may kakaibang kapangyarihan kahapon, kagabi ay nakita ko siyang lumabas sa kwarto mo, lalabas sana ako noon para uminom ng tubig, tinanong ko siya at sabi niya'y gusto ka lang niyang makita.

Pag akyat ko ay wala siya, akala ko natulog na kaya pumasok ako sa iyong kwarto, ngunit laking pagtataka ko nung makitang wala ka, gulong gulo pa ang kwarto mo at tila ba may nagnakaw, Alam ko na agad na may hinahanap si Clint sa kwarto mo.

Batid Kong sinaniban si Clint ng ating kalaban, magmula kagabi ay wala si Clint, alam Kong nasa magical land ka upang kausapin ang mga hari at reyna ukol sa nalaman mo.

Gusto Kong sabihin sayo ito ng harapan ngunit bawal ako diyan, alam ko ding masyado kang abala. Ngunit gusto ko lang sabihin na..batid kong nagpaplano na ang ating mga kalaban, batid ko ring dahil wala si Clint Ay nagpunta na siya sa kanilang kaharian.

The Chosen One [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن