Crystal

119 17 1
                                    

*FLASHBACK CONTINUATION*

"Isang oras ang nakaraan at naramdaman ko ang pagsalakay ng mga makapangyarihan sa aming mundo"

Gulat Kong tinignan si aling maria

"Patawad aling maria"

"Hindi, patawad mahal na prinsesa, andito ako upang ibalik ang kambal, ngunit nahuli ako ng iyong kapatid"

Si trevon?

"Anastasia! umalis kana dito!" sigaw ni ama

Inakay Kong tumayo si aling maria sapagkat nagsisimula ng gumuho ang palasyo

"Maari mo na akong iwan mahal na prinsesa, kaya ko ang aking sarili, iligtas mo ang iyong sarili at hanapin ang dalawang bata, ang kambal na iyon ay kakaiba at malaking tulong sila dito sa inyong mundo"

Natataranta man ay inakay ko parin siya palabas ng kwarto

"Asan po ang mga bata?" tanong ko habang tumatakbo

"Hindi ko alam kung saan sila dinala ng iyong kapatid"

Si trevon? baka kung anong gawin non sa mga bata

"Sigurado po ba kayong kaya niyo?" tanong ko ulit

tumango lang siya at ngumiti

"Iligtas mo ang mga bata"

Tumango ako at nagsimulang tumakbo palayo kasalungat nung tinakbuhan niya

kilala ko si trevon at Hindi siya mahilig sa bata, baka kung ano ang gawin niya.

The Chosen One [COMPLETED]Where stories live. Discover now