Real War

119 21 1
                                    

KENDAL'S POV

"P-phoebe?" Gulat na tanong ko habang naiiyak na nakatingin sa kambal kong ngayon ay napupuluputan ng pilak na kadena sa leeg sa kamay at sa paa

"P-phemie kambal ko!"

Napatakbo ako sa kanya at agad na hinawakan ang kanyang kamay

"A-anong nangyari sayo? B-bakit andito ka? bakit ganyan ang-"

"Sshh kailangan na nating makaalis dito, ilang oras na mula nung umalis sila at sumalay sa magical land at sa mundo ng mga mortal"

"A-ano!?"

kaya pala walang tao. Shit!

Agad Kong hinawalan ang dalawang rehas at pwersahan itong sinira para may malabasan si phoebe

Ng makagawa ng butas ay agad na lumabas si phoebe, itinapat ko ang kamay ko Kay phoebe at biglang nawasak ang lahat ng kadena

Agad niya akong niyakap kaya niyakap ko din siya pabalik

"Kailangan nating magmadali" sabi nito at hinila ako

Di ba pwedeng sister time muna! kailangan talaga gyera muna bago ang drama!

"T-teka.." pigil ko

"Bakit?" tanong nito at tumigil sa pagtakbo

"Kailangan natin ng plano" sabi ko

Napangisi naman siya at tinigna. ako

"Mabuti naisip mo, dahil may alam akong plano"

MAGESTA'S POV

"Clint! kami to! kilalanin mo naman kami!" sigaw ng umiiyak na si locky

Andito kami ngayon sa harapan ng Hindi makilalang Clint

Ibang iba siya, kulay pula ang kanyang mata at ang raming itim na ugat sa kanyang leeg, balot na balot siya ng itim na kapa, at kung tumingin siya sa amin ay napakalamig.

"Wala ng Clint na inyong kaibigan hangal!" sigaw nito at sinakal si locky gamit ang kanyang napaka itim na usok

"LOCKY!" sigaw namin nila grey

Kitang kita Kong nahihirapan na si locky at nagpupumiglas dahil sa kawalan ng hininga

Hindi naman ako makatayo dahil kanina lang ay pinatamaan ako ng isang nilalang ng malaking bato sa paa. Hindi ko siya matulungan

"Clint tama na! pakiusap!" iyak na sabi ni grey

Parehas na silang duguan ni liam, si liam ay halos Hindi na makaupo dahil sa bugbog nitong katawan, si grey naman ay Bali na ang isang kamay at dalawang paa, habang ako naman ay nakahiga lang at Hindi makatayo

"Tama na? ngunit nagsasaya palang ako HAHAHAHAHAHA" mala demonyong tawa nito

Nakay locky lang ang paningin ko, naiiyak na ako sapagkat namumula na ang kanyang buong mukha

"Clint B-bitawan mo na siya!" hirap na usal ko at nagsimula ng umagos ang luha ko

Wag pakiusap, wag si locky! pakiusap!

"LOCKY!!!"

Parang kusang bumagal ang oras ng bigla niyang bitawan ang naghihingalong locky sa tapat ng isang paturok na kahoy

"H-HINDIIIII!!!"

"LOCKYYYY!!!"

H-hindi! H-hindi!

Hirap na hirap man ay gumapang ako papunta sa katawan ni locky na nakatusok ngayon sa isang kahoy

Hindi! buhay pa si locky, b-buhay pa siya

Hindi pa ako nakakaabot Kay locky ay may biglang pumulupot sa katawan ko inangat ako sa lupa

"At saan ka pupunta dalagang mangkukulam? HAHAHAHAHA"

Hindi ko siya pinansin at nakatingin lang ako Kay locky

Nakapikit na ito at lumalabas ang dugo mula sa kanyang Ilong at bibig

"H-hindi..." umiiyak na usal ko

"Ay pasensya na! napaaga ang pagkakapatay sa kanya HAHAHAHAHAHA"

Tila wala akong marinig sa mga sinasabi niya. ang alam ko lang nasasaktan ako, tila ba nabingi ako sa sakit na nararamdaman ko

Inaamin kong kahit madalas kaming mag away ni locky ay napamahal ako sa kanya.

At ang makitang mamatay siya sa mismong harap ko pa ay sobrang sakit para sakin.

Ni Hindi ko pa siya naligtas. Ni wala manlang akong nagawa

Naramdaman ko ang sobrang pagod ng katawan ko at parang kusa na akong sumusuko, humihikbi lang ako ng tahimik dito at pakiramdam ko Ay wala na akong lakas pa para manlaban

Ngunit bigla nalang akong bumagsak sa lupa

"Argh!" daing ko dahil sa sakit

Masakit man sa katawan Ay pinilit Kong bumangon at umupo

"Anak!" rinig Kong sigaw ng isang tinig

"Ma! pa?"

May tumulong sakin upang makaupo ng maayos

At halos ngumawa ako nung makitang sila nga ang magulang ko, niyakap nila ako at pakiramdam ko, ligtas ako.

"Anak maghintay ka dito ha!"

Tumango lang ako at nahiga na.

Napakasakit ng katawan ko.

Napangiti ako nang makita ang mga nagliliparang kababayan ko sakay ng magic broom at nilalabanan ang mga nilalang

Phoebe? asan kana?

Napamulat ako ng mata ng bigla akong lumutang sa ere

Ano ang nangyayare? Biglang nawala ang mga galos ko at pakiramdam ko bumalik lahat ng lakas ko.

"Sama sama natin tong harapin" napatingin ako sa likod ko at nanlaki ang mga mata

Ngumiti siya sakin at tumango ng bahagya

Ngumiti naman ako at hinarap ang mga kalaban

Kaya namin to! kakayanin namin ito!

The Chosen One [COMPLETED]Where stories live. Discover now