Not even a Rest

126 18 1
                                    

Pagmulat ng mata ko ay kubo ang bumungad sakin, napaupo ako at nagpalinga linga, nasa isang kubo ako.

Lumabas ako para tignan kung saan ako...Kagubatan

Take note GITNA NG KAGUBATAN

Nagtataka man ay nagkibit balikat nalang ako, atleast payapa ako dito

Siguro sa tatlong araw na pahinga mag iisip isip muna ako, maybe makakapag unwind din ako dito, maganda narin yon

Babalik na sana ako sa may kubo nang bigla itong magiba

Nanlaki ang mga mata ko

"HULIIN SIYA!"

MAGESTA'S POV

"Bat daw nahimatay?" tanong ko pagkabalik ni Clint

Kinausap siya kasi ang doctor

"stress daw" sabi niya at naupo malapit Kay Kendal na payapang natutulog

"Ikaw magesta ah! dimi binabantayan tung si Phoebe" sisi sakin ni grey

"Luh? bat parang kasalanan ko? first of all, sino ba naman ang Hindi mai-stress sa kalagayan ni Phoebe? Ni maski ako nga Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang kailangan niyang gawin dito sa mundo ng mga mortal" kumuha muna ako ng saging sa may table

"Second of all, Hindi na yan maiiwasan dahil this past few days pansin niyo namang tulaley na yang si Kendal, over thinking I guess, third of all talaga namang nakakadepress ang kalagayan ni phoebe and last of all, Hindi nagsasabi si Kendal at hindi ko din alam ang mga problema niya kaya ikaw!" dinuro ko pa Kay grey ang saging na hawak ko

"Wag mokong mapagbintangan diyan dahil pare-pareho lang tayong walang alam sa nangyayari Kay Kendal! hmn!" mataray na sabi ko tsaka binalatan ang saging at kinain

"I understand how hard her responsibilities are, maybe she deserve some rest" sabi Clint

Napatingin naman kami Kay Kendal, napakarami nang nangyari, tama nga si Clint kailangan niya ng pahinga

PHOEBE'S POV

Rest? It means pahinga

Ang akala ko ang PAHINGA ay hihilata ako sa kama buong araw sa isang payapang kwarto, walang tao at mag isa ko, wala akong iniisip o ginagawa.

Pero iba ata ang ibig sabihin ng pahinga Kay ama...

Nakikipaglaban sa gitnan ng kagubatan na walang kahit na anong kapangyarihan.

Oo yan ang rest day para Kay ama

Dahil ngayon? eto ako nagtatago sa mga mangangaso, masyado silang marami at iisa ako, babae pa ako.

Kung sana alam Kong ganito ang rest day Kay ama, edi sana pinili ko nalang humilata sa hospital bed mas makakapagpahinga pa ako don

Kesa dito! pakiramdam ko dito na ako mamamatay

"Huluin ang babae! walang uuwi kapag Hindi pa nahahanap ang babaeng yon!" rinig Kong sigaw nila mula sa baba

Andito ako sa taas ng malaki at matabang puno nagtatago, pasalamat ko nalang Hindi ako nahuli dito, mukhang dito ako magpapalipas ng gabi

KINABUKASAN ay nagising akong nagugutom, mortal na tao ako ngayon kaya naman ramdam ko ang hirap ng isang mortal.

May mga galos din ako sa katawan at talaga namang medyo madungis na ako

Kailangan ko humanap ng pagkain

Mula dito sa taas ay naglinga linga ako baka sakaling may makita akong puno ng prutas mula dito.

Laking pasasalamat ko nung makitang may mga orange trees sa di kalayuan, kita ko mula dito ang mga hinog na bunga nito kaya wala na akong inaksayang oras

Dahan dahan akong bumaba sa puno at maingat na naglakad patungo sa dereksyon ng orange trees

Mukhang malayo na dito ang mga mangangaso kaya tinakbo ko na ito, gutom na talaga ako

Pagkarating duon ay pumitas na ako ng bunga at agad na binalatan at kinain

Patay gutom man tignan wala na kayong pake, gutom ako eh

Nakailang orange nadin ako at pipitas pa sana kayo may nakita akong babaeng nakaputi sa di kalayuan at tinitignan ako

"Uhm hi! is this farm yours?" tanong ko pero hindi siya sumagot at naglakad palayo

Out of curiosity ay tinakbo ko ito at sinundan. Pero pagdating ko sa nilikuan nito at wala na siya, hinanap ko siya pero wala na talaga

Ambilis naman niya makalayo?

Jusko! biglang bumilis ang tibok ng puso ko...minumulto ba ako?

"Pasensya naman sa pagnanakaw ng prutas mo, ginutom lang talaga ako" mahinang kako at nagpalinga linga

Nakita ko ulit siya sa di kalayuan na nakatingin sakin

Hindi ko mapigilang mag sign of the cross khit wala akong relihyon.

Tumalikod ito at nagsimulang maglakad. Ako naman tong kabang kaba na nga sumunod pa

Maingat ko lang siyang sinusundan hanggang sa mapunta kami sa isang pamilyar na lugar

Humarap siya sakin at ngumiti itinuro niya ang likod ko, nagtataka man ay lumingon ako sa likod ko ngunit wala namang tao o kahit ano

"May balak ka pang takutin ak-" paglingon ko ulit sa kanya ay wala na siya

Eh? nagpalinga linga ulit ako nagbabakasakaling makita siya pero wala talaga.

Nagkibit balikat nalang ako at aalis na sana nung bigla Kong naalala kung saan ko nakita ang lugar na ito.

Sa panaginip ko!

Kung saan ko nakita ang hugis pusong bato!

Tumakbo ako kung saan ang spot na nakita ko sa panaginig ko, ngunit walang crystal na bato.

Hinanap ko pa ito sa buong lugar na iyon ngunit wala talaga.

The Chosen One [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें