The war of two lands

138 19 1
                                    


mga bahay dito sa witches land ay purong malalaking pumpkins. Naiiba lang kaharian nila dahil isa itong palasyo

Sa paglalakad namin ni magesta ay hindi mapigilang pag usapan at tignan kami sa daan, ang iba'y iba ang tingin sakin, para ba akong kalaban

"Hayaan mo na sila, may ibang witches talaga na kinasusuklaman ang mga taga magical land dahil sa nangyaring labanan" kamo ni magesta

"Labanan?" kunot noong tanong ko

Wala akong kahit konting nalalaman tungkol sa labanang iyan

"Hindi mo pa alam?" gulat na tanong nito

Umiling lang ako

"Teka ilang taon kana ba?" biglang tanong niya

"Pinagloloko mo ba ako?"

"Hindi ah, ilang taon kana nga?"

"Nineteen bakit?"

Napatango tango naman siya " Kaya pala di mo alam dika pa pinanganak" kamo niya

"TAYO, tayo pinanganak, magkasing edad lang tayo, tsaka pano mo nalaman yan?"

"Sus Kendal di tayo magkasing edad"

Gulat akong napatingin sa kanya, magtatanong na sana ako kaso hinila niya ako sa isang bahay, hindi ito pumpkin, normal na bahay lang ito, pero parang haunted.

Pagkapasok ay bumungad sakin ang nakakatakot na ambiance ng paligid, mga potion bottle sa kanan, at mga magical things naman na pag aari ng mga witches sa kaliwa.

Sa gitnan ng bahay ay may hagdan paakyat sa taas, napunta kami don ni magesta

"Asan si phoebe!?"

Mula dito Ay rinig ko ang sigaw ng isang matanda, Parang hirap na hirap siya kung magsalita

"Si inang iyon, Dalian na natin" kamo niya pa at tumakbo kami papunta sa isang pinto

Agad naming pinasok iyon

"Ma! pa!" tawag pansin ni magesta

"Anak! Sino yang kasama mo?" tanong nung ama ni magesta

Yumuko naman ako "Ako po Phoebe"

Nanlaki ang mga mata nila

"Opo pa siya po ang hinahanap ni inang" kamo ni magesta

"O'siya maiwan na namin kayo" sabi ng INA ni magesta at umalis na sila

Lumapit naman kami na Lola ni magesta

"I-ikaw? sino ka?" biglang tanong sakin nung lola ni magesta na hirap na hirap na kahit nakahiga

"A-ako po si phoebe" magalang na sabi ko at umupo sa tabi nito

"P-phoebe? Sinungaling!" biglang sigaw nito

Nagkatinginan kami ni magesta

"Inang siya po si Phoebe" Agad na lumapit si magesta sa Lola niya at pinakalma ito dahil parang nag cocolapse na

napaatras naman ako, tumingin mismo sa mata ko ang matanda

"H-hanapin niyo p-phoebe, Hindi i-ikaw si phoebe! Ikaw s-si Kendal!" sigaw pa nito

May ipinapahiwatig ba ang matandang to?

"Inang si Kendal at si phoebe ay iisa" kamo naman ni magesta

"Naku pasensya na Kendal mukhang Hindi kami makakatulong sayo ngayon" kamo niya at pinatulog ang kanyang Lola

Hanapin si phoebe?

Hindi ako si phoebe?

Ako si Kendal?

Ngunit iisa lang si phoebe at kendal

Jusko mga hari at reyna, ano na naman bang palaisipan ito?

Arghhhhh!

Hindi ba pwedeng ibigay nalang sakin ang totoo at gagawin ko ng maayos ang responsibilidad ko?

Bakit ba kailangan ganito pa kasakit sa ulo ang mga pangyayari?

PAGKAALIS namin ni magesta sa witch land ay Panay ang hingi niya sakin ng tawad, kako naman ayos lang

Oo ayos lang talaga na panibagong sakit sa ulo ang sinabi ng lola niya. Napangiwi nalang ako

Kahit isang oras lang siguro, kalimutan ko muna yang mga sakit sa ulo na yan

"Magesta, ano ang nangyari sa magical land at witches land noon?" tanong ko para kahit papano makalimutan ko muna ang mga iniisip ko

"Ah yun ba? Ang nangyaring labanan?" tanong nito kaya tumango ako

"Isang hari mula sa magical land noon ang nag utos na patayin ang lahat ng sanggol na babae sa kanilang mundo, sa kadahilanang hindi malaman, ang Lola ko noon ay nagtatrabaho sa isang pamilyang may anak na kambal"

Nangunot ang noo ko "Ano na nangyari?"

"Dahil napamahal si inang sa kambal ay itinago niya ito at dinala sa witches land, pinalaki ni inang ang kambal at nung magdalawang taon ang mga ito Ay naisipan ni inang na ibalik ito sa mga magulang nila" Kumuha siya ng saging sa ref at binalatan ito

"Ilang taon na nawala si inang kaya naman ay nag alala kami, Noon kasi ay naipapatupad pa ang batas na ang apat na magical world ay bawal sa bawat isang Mundo, kaya sobrang nag alala kami Kay inang dahil bawal kami sa kahit na saan sa tatlong mundong iyon" ngumunguyang patuloy nito

Lumunok muna siya at nagpatuloy "Isang gabi ay sumalakay ang mga magical land sa aming mundo at pinagbintangan kaming dumukot ng bata at malayang naglalabas pasok sa kanilang mundo, syempre Hindi kami nag paapi kaya lumaban kami, may ibang nagpunta sa magical land para sumalakay, ang nangyaring labanan ay tumagal ng isang buwan" pagkaubos niya ng saging ay kumuha ulit siya

"Pano natapos ang labanan?" tanong ko

"Nung namatay ang hari na nagpatupad ng nangyaring labanan"

"Pinatay niyo ang hari?"

"Hindi, isang bata ang pumatay dito"

"Bata?"

"Oo ang balita ay isa sa kambal na itinakas ni inang ang pumatay sa hari"

"A-ano? anong nangyari sa bata?"

"Biglang nawala ang bata dahil sa batas na bawal pumatay ng nakakataas, Ang sabi ni inang ay may isang kwintas na crystal na hugis puso na kulay sky blue ang palatandaan na ang batang yon ay minsang nabuhay, ngunit Hindi alam kung nasaan ang kwintas na yon"

Crystal na hugis puso at sky blue?

Biglang sumagi sakin ang napanaginipan ko noon, ang mga lalaking nakaitim!

Ang walang buhay na batong crystal na hugis puso

The Chosen One [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon