Plan

151 18 1
                                    

Katulad ng plano ay nagpunta na kami sa aming pwesto pagkatapos ihack ni locky ang mga cctv camera's ng bahay ng matandang hukluban.

Busy ako sa pakikipag sapakan sa mga tauhan ng matandang yon ng maagaw ng atensyon ko ang isang kumikinang na bagay.

Kulay sky blue ang kinang nito kaya nakakaagaw pansin.

Siniko ko sa leeg ang hawak hawak kong lalaki at inagaw ang baril nito, nilagyan ko ito ng silencer at pinaputukan ang tatlong natitirang lalaki.

Tumakbo ako palapit sa kumikinang na bagay at lumuhod sa harap nito.

Kukunin ko na sana kaso bigla ay lumipat ito sa kabilang side. Nangunot ang nuo ko.

The fuck? "Wala akong balak makipag laro kaya magpahawak kana!" inis na bulong ko at sinubukan ulit na kunin ito pero parang umiiwas siya sa mga kamay ko

Napapikit ako at inis na tumayo, tch baka Hindi din yan mahalaga. Tinalikuran ko ito para akyatin na sana ang bintana ng bahay ngunit...

"Don't you dare look out window
Darlin' everythings on fire~"

Biglang nag echo sa paligid ang kantang iyon, na siya ring narinig ko noong hinahanap ko ang kambal ko

Napatingin ako sa kumikinang na bagay ngunit wala na ito. Hinanap ko ito

Ang kambal ko, ito na ba ang daan para mahanap ang kambal ko?

Halos kalbuhin ko na ang mga bulaklak sa may gilid ng bahay pero wala na talaga yung kumikinang. Ano ang ibig sabihin non?

"Phoebe!? asan kana?" biglang rinig ko sa earpiece na suot ko

"A-ah oo eto na" tumingin ulit ako sa paligid

Hahanapin ulit kita.

Nagmadali akong umakyat sa bintana at maingat na naglakad sa kung saang kwarto man ako ngayon

"Liam? Asan ako?" tanong ko

"Lumabas ka, mas malapit ka sa target phoebe" kamo niya

"Where the hell is the target?" inis na sabi ni Clint

"Boss nasa third floor ka, ang target ay nasa first floor" -liam

"Ano ba ginagawa mo diyan?" tanong ko

"I thought... argh okey fine, mag ingat ka diyan Phoebe" kamo niya

Ngii.

"Pagkalabas mo phoebe ay kumaliwa ka, sa pinakadulong pinto ng hallway andun sila magesta, Dalian mo mukhang balak ng sakalin ni magesta ang target"

"Okey. Copied"

Nagmadali akong lumabas at dahan dahang naglakad papunta sa pinakadulong pinto.

Yes I have powers pero gusto ko din maranasan ang intense part na ganito bilang mortal, kaya don't judge me.

"Locky since pinakamalapit ka sa main office, dumeretso kana don, kunin mo lahat ng mapapakinabangan" utos ulit ni liam

"K."

"Boss may cctv camera sa likod ng pader kung saan naroon ang family painting nila, try mo buksan baka sakali may mahalagang bagay don" kamo ni liam

Secret door I guess. Baka andun lahat ng droga at armas ng huklubang to.

Pagkalapit sa may pinakahuling pinto ay dahan dahan ko itong binuksan gamit ang powers ko, ayoko magkaroon ng finger print eh, para safe narin he he. Baka gawin pang ibidensya pag nagkataon

Pagkabukas ay ungol agad ang narinig ko.

Jusmiyo marimar, ano ba ginagawa ni magesta, kamo namin akitin lang ang target hindi makipag ano- yung ano too-toot basta ganon.

Sumilip ako at kita kong, nakapaibabaw na ang matandang hukluban Kay magesta

Ow shit!

"Liam matagal pa ba?" tarantang bulong ko

"Konti nalang" kamo naman niya

"Dalian niyo kung Hindi matutusta tayong lahat Kay magesta" bulong ko pa

Pag to dina birhen pagkatapos nito, baka tustahin kami ng babaeng to.

"Oo na! si Clint nalang hinihintay" kamo niya pa

Hindi na ako nagsalita, pero sa kasamaang palad ay natabig ko ang pinto at bumukas ito ng tuluyan, huli na ako gumamit ng invisibility dahil kita na nila ako

"SINO KA!? MGA TATANGA TANGA MAY NAKAPASOK!!" Biglang sigaw niya

Biglang nagred ang buong paligid, rinig ko ang pagpasok ng mga maraming tao

Shit! bat nabablangko ako! ano gagawin ko!?

"Ay shit!" rinig Kong mura ni liam

Bahala na!

Pinasok ko ang kwarto at umiwas sa bala ng baril ng matandang to tsaka ko siya pinaputukan ng tatlong beses sa ulo.

"ANG TAGAL NIYO!" inis na sigaw ni magesta

"Mamaya kana magalit Dalian mo hanapin na natin yung file" kako at naghalughog sa buong kwarto.

"File ba yon ng mga firearms at droga?" tanong ni magesta

"Oo"

"Nahanap ko na!" kamo niya

"Sari-sariling labas na mga gago!" rinig Kong sigaw ni locky

Agad Kong hinila si magesta at bumalik sa kung saang kwarto ako pumasok

"Dadaan tayo sa bintana Dalian mo" kako at pinauna siyang lumabas sa bintana

Biglang bumukas ang pinto at bumungad sakin ang tatlong tauhan nung matanda

Nagpaputok sila ng baril sakin, pero Hindi ko yon ininda at pinaputukan din sila. Agad na nakapagtago ang dalawa

"KENDAL HALIKA NA!" sigaw ni magesta

Tago tago pa kayo mga hangal! agad akong lumusot sa bintana at agad kaming tumakbo ni magesta palabas.

Ang mga nadadaanan namin ngayon ay purong bangkay, tandang dumaan na dito ang isa sa amin.

Pagkarating sa van ay kami nalang pala ang hinihintay.

"ANDAR NA!" Sigaw ni grey

"Kumpleto ba?" tanong ni Clint at tinignan kami isa isa

"Yung kaluluwa ko naiwan, putangina! bigla bigla silang umaatake eh naisipan ko pa namang tumae" sigaw ni locky

Binatukan naman siya ni grey

"Alam mong misyon to tatae tae ka! gago!"

Napailing nalang kaming apat. Ang mahalaga ligtas kami

Jusko ang hirap pala sumabak sa gyera pag mortal na tao ka.

The Chosen One [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang