Beginning

127 23 0
                                    

CASSIDY'S POV

Hindi ako nagkamali ng hinala, alam Kong gagamitin niya ako, pero pasensyahan nalang, ginamit ko din siya.

Ngayon ay mas madali na akong mahahanap ng kapatid ko, ngunit kung matatagalan pa siya sa paghahanap sakin ay baka mamatay na ako.

"Alam Kong alam mo kung paano gamitin ito! wag mokong paikutin!" sigaw niya at pinatamaan ako ng itim na mahika

Napaluhod ako dahil sa sakit nito

Pag ako nakawala dito sa puder mo, sisiguraduhin Kong isusunod kita sa ama mong hayop ka!

"Kung sana ako ang nagmamay ari niyan, matagal na sanang nasa loob ko yan, ngunit kita mong hawak mo kaya hindi isa satin ang nagmamay ari ng bato, at kahit anong pilit mo hinding Hindi iyan mapapasayo!"

"Kung ganon sino ang nagmamay ari neto!"

Ngumisi ako at tinignan siya

"Kung sino ang papatay sayo"

KENDAL'S POV

Sa lalong madaling panahon kailangan ko ng makuha ang batong yon.

Bukas na bukas ay pupunta na akong massacre land. Andito parin ako sa magical land

"Zero labas"

Agad naman na lumabas si zero at nagbigay galang sakin

"Pumunta ka sa mundo ng mga mortal at bantayan sila magesta, kung maaari...ilayo mo sila Kay Clint" nakayukong sabi ko

"Masusunod po master" sabi niya at nawala na siya

Bakit...Bakit parang ansakit? Kapag iniisip Kong kalaban ko si Clint...Bakit parang ang hirap, ang lungkot

Ay Ewan!

Humiga na ako sa kama at pinikit ang mga mata, hanggang sa tuluyan na akong nakatulog

PAGGISING Ay agad akong naghanda para sa pagpunta ko ng massacre land

Nang makitang ayos na ako ay gumawa ako ng portal patungo doon

Bumungad sakin ang isang napakadilim na gubat, naalala Kong walang liwanag ang mundong ito.

Mula sa di kalayuan ay makikita sa gitna ng kagubatan ang isang palasyong gawa sa bato. Parang pinatayo pa ang kastilyong ito Ilang daang taon na ang nakakalipas.

Naglakad ako papunta dito ngunit nagkapagtataka lang na maski isang bantay ay wala dito sa labas.

Apoy lang ang nagsisilbing liwanag dito sa kastilyong ito.

Pagpasok ko ay tahimik at iisang presensya lang ang nararamdaman ko, galing ito sa pinakailalim ng kastilyong ito

At sino naman kaya iyon? bakit iisang presensya lang ang nararamdaman ko?

Naglakad ako papasok at nagtataka talaga ako kung bakit walang ni nilalang na nakabantay dito

Is this a trap?

Kung patibong man ito ay masyadong propesyonal ang gawa. Talaga namang mahuhulog at mahuhulog ka.

Naglakad pa ako at sinundan kung saan ko nararamdaman ang presensya ng taong yon. Hindi ko kasi maramdaman ang kapangyarihan niya, siguro ay isa itong mortal?

Ngunit paano nagkaroon ng mortal dito?

Bigla Kong naalala si Clint. Bumilis ang tibok ng puso ko at agad na napatakbo ng Hindi oras habang sinusundan ang presensya nito.

Nakarating ako sa isang pinto, binuksan ko ito at bumungad sakin ang hagdan pababa, walang alinlangan ko itong tinahak at patakbong tinungo ang ibaba

Bumungad sakin ang limang selda, ngunit sa iisang selda lang ako nakatingin

Sa gitnang selda kung saan naglalaman ito ng isang taong gulat na gulat na nakatingin sakin...

I-imposible...

THIRD PERSON'S POV

Gulo gulo, wasak wasak at lahat ng natitirang nabubuhay ay nakakulong sa isang itim sa rehas sa ere.

Mula sa di kalayuan ay nagtatago ang apat na magkakaibigan kasama ang ibang mamamayan na prinoprotektahan ng kapangyarihan ni zero.

Si zero na lamang ang natitirang nakikipag laban sa mga nilalang na pinamumunuan ni clint

"Jusko mahal namin ama, iligtas niyo po kami sa nangyayaring ito" iyak na sabi ng isang ale

"Nakuha mo pang magdasal! tanggapin mo nalang! mamamatay na tayo dito!" sigaw naman ng isang lalaki

"Sshh wag po kayong maingay" mahinang usal ni magesta

"Magpatulong kana kaya sa mundo niyo magesta" umiiyak na sabi ni grey

Sino nga ba ang Hindi maiiyak?

Nababalot ng dilim ang buong paligid at tanging mga wasak na gusali at bitak na mga daan ang makikita at ang mga nilalang na kinakalaban ni zero ang tanging nakikita ng mga tao

Madaming namatay at madami ang sugatan

"S-susubukan ko" huminga ng malalim si magesta at hinipan ang kanyang palad

Lumabas ang isang katamtamang laki na bula

"Humayo ka at ipaalam sa aming mundo na kailangan namin ng tulong" sabi niya hinipan ito palayo

Pataas ng pataas ang bula at bigla itong naglaho

"Buhay pa ba si phoebe? mamamatay na ata tayo dito!" -locky

"Kumalma ka pre!" -liam

"Ayan na naman yang kalmang yan! look dude, sa mga nangyayari ngayon! sino ang Hindi matatakot!" -locky

"Pakiusap walang maitutulong ang inyong pag aaway" -magesta

"Isa ka pa eh! kung siguro wala kayo ni phoebe dito Hindi mangyayari ang lahat ng ito!" -locky

"Pre!" awat ni liam at grey

"Pasalamat ka nga! prinoprotektahan tayo ni Kendal tapos ganyan ang sasabihin mo! kung sana diba Hindi kayo naglaban laban sa mafia na yan edi sana walang ganitong mangyayari!" -magesta

"Protektahan? ni phoebe? asan siya!? ASAN ANG TAGAPGLIGTAS NG PUTANGINANG EARTH!? WALA DIBA! WALA! LAGI NALANG!" -locky

"Pre tama na yan!" -grey

"Wala kang utang na loo-" Hindi natapos ang sasabihin ni magesta nang biglang may tumamang napakalaking itim sa bola sa kanila

Hindi kinaya ng kapangyarihan ni zero iyon kaya lahat sila ay tumalsik

The Chosen One [COMPLETED]Where stories live. Discover now