Sa pagsisimula ng laban ay siya ring pag usbong ng galit ko.
Napakadilim parin kapaligiran.
Parehas naming inaatake si trevon, kapag magpapalit ako ng latigo Ay papalitan ni phoebe ang kanyang latigo at gagawing espada
Nagpakawala si trevon ng itim na apoy sinangga ko ito gamit ang espada ko
Ako naman ang umatake at nagpakawala ako ng fire ball, umiwas siya ngunit natamaan ang kanyang kanang braso
Nagpakawala naman si phoebe ng hot water ball at pinatama Kay trevon deretso ito sa mukha niya
"Arghh!" daing nito at napayuko
Agad siyang hinawakan ni phoebe sa kamay at binali ito
"AAAHHHH!" sigaw nito sa sakit
Hinawakan ko naman ang kanyang pulsuhan at dinislocate ang kanyang kamay
"AAAAHHHHH!!!" halos naiiyak na sigaw nito
"Bakit mo ba ginagawa to?!" Sigaw ko sa kanya
"Wag mong sasabihing nakatadhana to dahil sumosobra naman na si tadhana!" sigaw naman ni phoebe
Namimilipit man sa sakit ay nakuha pa nitong tumawa
"HAHAHAHA! BUHAY ANG KAPALIT SA BUHAY NA KINUHA!" galit na sigaw nito
Biglang ipinulupot ni phoebe ang kanyang latigo sa leeg ni trevon
Tinutukoy ba niya ang ama nito? kung ganon gusto niyang maghiganti at patayin ako para lang makapag higanti Kay phoebe
Napakasama!
Naalala ko ang mga nawalan ng buhay ng dahil lang sa paghihiganti niya para sa yumao niyang ama ilang taon na ang nakakalipas
Si Clint...na mismong napatay ko pa dahil sa kanya
Ang mga mahekerang nagsakripisyo para lang sa kaligtasan ng lahat, ang mga makapangyarihan na naghihirap para lang tulungan ako sa misyon
Ng dahil sa paghihiganti nito'y andaming nasayang na buhay, andaming nadamay na inosente, at andaming ngayon ay nahihirapan
Dahil lang sa punyetang paghihiganti!!
"Tama ka! buhay ang kapalit sa buhay na kinuha...kaya wag ka ng magtaka kung bakit pinatay ko ang iyong ama!" galit na sigaw ni phoebe
A-ano? Ano ang ibig niyang sabihin?
"Ano ang ibig mong sabihin?" kunot noong tanong ni trevon
Mas hinigpitan ni phoebe ang pagkakasakal ng latigo Kay trevon
"Kung tutuusin kulang pa! dalawang buhay ang kinuha pero iisang buhay lang ang tinanggal ko sa pamilya niyo" pigil galit na sabi nito
A-ano daw? hinawakan ko ang balikat ni phoebe at nakita ko ang namumuong luha sa kanyang mga mata
"Ang ama niya..." sabi nito at tuluyang tumulo ang luha niya
Hinawakan ko ang kamay nito ng mahigpit "Ang siyang kumitil sa buhay ng ating ama at ina"
Napaatras ako sa sinabi niya at napatingin Kay reyna tasha, ngunit nakayuko lang ito at para bang alam niyang titingin ako sa kanya at sisisihin ko siya.
Napatingin naman ako Kay trevon
"Napaka walangya" nanginginig na sabi ko at pinutulan siya ng isang kamay
"Aaaahhhhhh!!!!"
"Magulang ang kapalit sa magulang na kinuha pero...isa lang ang kinuha ko pero ngayon nagbabalak ka na namang kunin ang isa pa" napapikit sa inis si phoebe at ginawang espada ang kanyang latigo
"Ahahahaha-argh!" umupo ito at tinignan kami "Patayin niyo man ako isa lang ang magiging daan upang maayos ang lahat ng ito, dahil ngayon ay nasa ilalim kayo ng sumpa ko HAHAHAHAHAHA-"
Bigla siyang sinaksak ni phoebe sa dibdib ngunit nakangiti parin ito at nakatingin samin
"Ang siyang nakatakda ang kailangang magsakripisyo at lahat ay babalik sa dati..Hindi pwedeng ako lang ang maghihirap sa i-impyer-" Hindi na nito nasabi ang sasabihin ng ako na mismo ang pumutol sa kanyang ulo.
Humarap kami ni phoebe sa mga naglalaban ngunit Hindi padin ito matigil
May sumugod palapit samin kaya naman wala kaming ibang nagawa kundi lumaban
Bakit? bakit Hindi pa natatapos ang lahat? patay na ang kanilang hari at dapat ay tumigil na sila.
'Piliin mo ang Mali'
'Ang siyang nakatakda ang kailangang magsakripisyo at lahat ay babalik sa dati'
Bigla akong napatigil at napatingin sa paligid, si ate phoebe na nakikipaglaban
Ang mga legendary creatures na abala din sa pakikipaglaban ang mga nakakadena na nanonood lang sa nangyayari
Ang mga nasawi, si Clint na namatay at si...Nanlaki ang mata ko nung makita si locky na nakatusok sa isang kahoy
Hindi ko mapigilang mapaluha, ito ba ang tinutukoy ng yumaong tagapagligtas?
Namatay siya dahil nagsakripisyo siya, Hindi lang para sa kanyang mahal ngunit para sa ikakabuti ng lahat?
At ngayon...
Oras ko na...
Pigil luha akong tumingin sa kambal ko
Hindi pa kita nakakasama ng matagal na panahon pero ako na itong mawawala
"Mahal kita kambal ko"
Tumalikod ako sa mga naglalaban at tumingala sa madilim na langit
Kung ito lang ang paraan upang maging maayos ang lahat ay gagawin ko.
Napapikit ako at muling tumingin sa likuran ko
Ang mga hari at reyna, si magesta, sila liam at grey, ang kambal ko...
"Paalam sa inyo..." tumalikod ulit ako sa kanila at tumingala
"Ako si phemie Kendal Celeste, Ang tagapagligtas, isinasakripisyo ko ang aking sarili para sa ikabubuti ng lahat"
bigla akong umangat sa ere at nagsimulang lumiwanag ang lahat
"HINDII! KAMBAL KOOO!" huling rinig ko bago ako tuluyang kainin ng liwanag
YOU ARE READING
The Chosen One [COMPLETED]
FantasyWhat is love when you have a complicated life? Who am I? [Work of fiction] (COMPLETED✔) 🥇Ranked #1 in 'GEMSTONE' (11-10-20)(07/11/22)(01/21/22) 🥇Ranked #1in 'RAID' (12-10-20)(06/09/22)(06/19/22)(07/28/22) 🥈Ranked #2 in 'MAGICALCREATURES' (01/21...