Phoebe

128 20 1
                                    

A-ako?

Ibig sabihin, kung sino man ang makakatuluyan ko....isa sa amin ang nakatakdang mamatay

Oh! mga hari at reyna! bakit naman po ganito?

Napayuko ako dahil sa Hindi ko alam kung ano ang irereak ko o kung ano ang sasabihin ko.

Sadyang gulong gulo na ako ngayon

"May maliit na bayan sa kabilang bahagi ng kagubatan na prinoprotektahan ng mga bundok na ito, baka sakaling matulungan ka nila sa problema mo" kamo niya at pinagtulakan na ako palabas

Sinaraduhan pa ako ng pinto

Sana sinabi mo nalang na ayaw mo ko diyan sa loob diba! tch

Nalakad na ako paakyat paalis sa lugar na iyon habang iniisip ang mga sinabi niya

Kung ganon Scam na naman ang mga nalaman ko tungkol sa magical lovers stone. Ilang scam pa ba ang malalaman ko? jusko!

At ang gemstone, kung sino man ang nag mamay ari non, sigurado akong kalaban ko siya o kakampi.

Andito lang naman ako para maghanap ng tao eh! bakit kung ano ano ang nalalaman ko!? Argghhhhh!

Magdidilim na nung lumabas ako kaya no choice ako kundi magteleport papunta sa bayan na sinasabi nung stone keeper.

Napunta ako sa gitna ng daan, sa kabilang gilid ay mga bahay bahay. Lalakad na sana ako kaso may nagsalita sa likuran ko

"Sino ka!?"

tinignan ko naman ang nagsalita, base sa ayos nito isa itong sheriff ng bayang ito

"Sino ka ha!?" ulit nito sa tanong niya

"May nagsabi sakin na pumunta ako dito at matutulungan nila ako sa problema ko" mahinhin na sabi ko

"Ano ba ang problema mo?"

"Marami gusto mo share tayo?"

Nagkasa naman siya ng baril

"To'naman di mabiro, problema ko ang nakaraan ko" seryosong sabi ko

"Anong akala mo samin dito? mahekera? mahekero? wag mokong pinagloloko"

Ako nga ata ang naloko eh, Tangina sabi nung stone keeper matutulungan ako dito

Baka ibang bayan ang napuntahan ko, ngii.

"Sumama ka sakin, this is trespassing you need to be punished" kamo niya

"T-teka lang! di ba pwedeng nawala lang ako, trespassing agad"

"Oo, baka gusto mong isampal ko pa sayo ang mga batas namin dito"

Baka gusto mong isampal ko sayo tung lightning ball ko?

Punyetang sheriff walang manners

"P-pero naligaw lang ako"

"Sasama ka kung ayaw mong patayin kita dito"

"As if takot ako"

"Ganon?" ngumisi siya at naglabas ng revolver "Limang bala para sayo"

"Pfft. Ha! HAHA! HAHAHAHAHAHAHAHAHA revolver? WAHAHAHAHAHA Hindi naman sa pagmamayabang sheriff pero Hindi limang bala ng revolver ang tatapos sa buhay ko" pigil tawang sabi ko

Mukhang nainis naman siya at naglabas ng isa pang revolver "Kung ganon gawin nating sampu, sampung bala para sayo" ngumisi ulit ito

Umayos naman ako ng tayo at kunwaring pinagpag ang damit ko

"Ganon? sige meron din ako...Isang bola para sayo" matamis ang ngiti ko sa kanya

Ngayon siya naman ang tumatawa, bat ko nga ba pinag aaksayahan ng oras ang bwisit na to

The Chosen One [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora