Twin

202 25 0
                                    

Masayang naglalaro ang magkambal, phemie at Phoebe. Nang makita ko ay may lumapit na isang lalaki kay phemie.

Masama ang kutob ko dito, lumapit ako sa kanila

"Hi! ano ang pangalan mo?" sabi ng lalaki na Malabo ang mukha

"Hello po! ako po si phemie tapos eto naman ang kambal Kong si phoebe" sabi nito at tinuro ang batang phoebe.

"Gusto niyo ba makakita ng unicorns?"

Nagliwanag naman ang mukha ng dalawa bata "No! Wag kayong sasama!" kako at hinawakan sila ngunit tumatagos ang kamay ko

"Opo! Opo!" sigaw ng dalawang kambal

Hindiiiii!

Kinuha sila ng lalaking Malabo ang mukha at inakay kung saan

Sino ka?

Sinundan ko sila at nakitang patungo sa kagubatang buhay, ito ang kagubatan ni reyna Karina, ang reyna ng kalikasan.

"Bakit po tayo andito kuya?" tanong ni phoebe

"Malalaman mo" ngisi ng lalaki

Susunod pa sana ako pero biglang naglaho ang lahat, teka! si phoebe! baka iligaw nila sa kagubatan! SI PHOEBE!!!

"PHOEBEE!!!" Napabangon ako at naghabol ng hininga

"Hey sweetie are you okay?" nag aalalang tanong ni Clint

Hindi ako makapagsalita, kung nangyari man yon, bakit wala akong maalala? bakit Hindi ko maalala? asan ang mga magulang ko? asan ang kambal ko?

Napaiyak nalang ako, agad naman akong niyakap ni Clint "Hush baby. Its just a dream"

Madaling sabihin para sayo, pero...ang pamilya ko. Umiyak nalang ako ng umiyak sa dibdib ni Clint hanggang nakatulog ulit ako.

PAGKAGISING ay may nararamdaman akong mainit na hanging bumubuga sa may ulo ko, meron ding mabigat na bagay ang nakapatong sa bewang ko at meron ding nakadantay sa may binti ko. Pagmulat ko ay ang dibdib agad ni Clint ang bumungad sakin

The Chosen One [COMPLETED]Where stories live. Discover now