Massacre land

123 19 1
                                    

"Mula noong nawala ang iyong kambal ay kinuha mo ang kwintas at tumakbo ka paalis, sinubukan kitang habulin ngunit bigla kang nawala. Simula noon ay napalitan ng bagong hari at reyna ang mundong ito, Hindi ito suportado ng kapatid ko kaya't itinapon siya sa massacre land. Mula noon ay Hindi na kita nakita, ngunit pagdaan ng ilan pang taon ay nakita ulit kita ngunit ang pinagtataka ko ay Hindi na puti ang buhok mo at phoebe na ang tawag sayo, hindi ko sinabi sayo sapagkat natatakot ako na kapag naalala mo ako ay maaalala mo ang pamilyang siyang naglayo sa kapatid mo sayo..patawad Kendal"

Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko sa mga nalaman ko

Kung ganon totoong ako si phemie at Hindi ako si phoebe, kung ganon si phoebe ang nawala, kung ganon may posibilidad na nasa kwintas nayon nakakulong ang kambal ko

Kung ganon kami ang dahilan kung bakit nagkaroon ng labanan.

Pero..Bakit ngaba nakilala ako bilang phoebe kung ako si phemie? Ang tanging nag aruga lang sakin ang alam Kong makakasagot non

ano ba ang pwedeng reaksyon sa mga nalaman ko, kasi hindi ko din alam

"A-ang apat na crystal na bato?" tanong ko

"Tama ka Kendal ang apat na crystal na bato ay ang legendary crystal power"

Napanganga naman ako at hindi alam ang sasabihin.

Ano na ba ang nangyayari? can someone explain what the hell is happening? kung si phoebe ang nagmamay ari sa apat na crystal...

"Bakit kinailangan ko pa itong hanapin?"

"Dahil ikaw ang pinili nitong tagapangalaga, bago pa man magsimula ang unang digmaan ay kailangan mo ng mahanap ito"

"Bakit?"

"Dahil mamamatay ang bato at magiging permanenteng mortal ang kapatid mo kapag nagsimula na ang unang digmaan at Hindi pa ito nakukuha ng tagapangalaga nito"

K-kaya pala...all this time nakasalalay sakin ang kapangyarihan ng kapatid ko. Binalak ko pa namang ipatago nalang sa stone keeper ang mga batong yon

"Iligtas mo ang kapatid mo Kendal, hanapin mo ang kwintas kaparehas ng ibinigay namin sayo"

Ilang ulit akong huminga ng malalim at pilit na ipinapasok sa utak ko ang mga nalaman ko.

Ililigtas ko ang kapatid ko

"Ngunit..saan ko po sisimulang hanapin?"

"Magpunta ka sa kaharian ng massacre land" biglang sulpot ng hari ng dagat

"Po?"

"Duon namin nararamdaman ang supreme villainous gemstone"

Napakurap kurap naman ako

"S-sa massacre land?"

THIRD PERSON'S POV

Mahimbing na natutulog ang apat na kaibigan ni Kendal, ngunit ang isa ay maingat at dahan dahang pinasok ang kwarto ng dalaga

Tahimik din niya itong sinara upang Hindi makagawa ng kahit na anong ingay na makakagising sa apat na mahimbing na natutulog

"Ilang oras nalang ang natitira, kapag nahanap kitang crystal ka ay mananalo na ako sa labanang ito" mahinang sabi nito at agad na hinalughog ang kwarto ni Kendal

Mula sa mga kabinet, sa ilalim ng foam at mga unan, sa silok ng kama, sa mga sulok sulok, sa closet sa banyo maging sa lampshade ay tinignan niya, sa may ceiling at maging sa veranda

Ngunit wala siyang nakitang crystal na bato

"Asan kaba nakatago?" inis na tanong niya sa sarili

Padabog itong naglakad paalis sa kwarto

"Hindi bale ng Hindi kita makuha ang mahalaga nasakin ang panlaban sayo" ngisi nito bago isarado ang pinto

"Oh Clint! gising ka pa pala" gulat itong nakapatingin sa likod at nakita si magesta na nakatayo sa kanyang likuran

"Ano ginagawa mo diyan sa kwarto ni Kendal?" naniningkit na tanong nito

"Gusto ko lang siya makita"

Naningkit ulit ang mata ng babae

"Ganon ba? sige inom lang ako" tsaka niya nilagpasan si Clint

Napangisi naman si Clint "Uto-utong manggagamay"

Sa isip naman ni magesta "Kung ano mang pinaplano mong maligno ka, sumanib ka pa talaga Kay Clint, kailangan malaman to ni Kendal"

Pagkababa ni magesta ay siya ring pagkawala ni Clint

*SA MASSACRE LAND*

Inayos muna ni Clint ang kanyang damit at binuksan ang pinto kung saan sila magpupulong

Pagkapasok ay agad na yumuko ang kanyang mga tauhan

"Mayroong pagbabago ng plano" ngisi nitong sabi

"Ano iyon mahal?" nakangisi ring tanong ng kanyang kasintahan

"Ilabas si phoebe"

Mula sa isang pinto ay inilabas nila ang isang babaeng mayroong silver chain na nakapulupot sa leeg, magkabilang kamay at paa.

"Hindi na kita kakailanganin" nakangising saad nito

"Ibigay sakin ang bato" utos pa nito

"Isa kang traydor! para saan pa't pinalabas mo ako!?" sigaw ng babae

"Para kunin ang kailangan ko" nakangising sabi nito

"Ginamit mo ako!" sigaw nito

Hindi nito magamit ang kanyang kapangyarihan sapagkat Hindi pangkaraniwan ang mga kadenang nakapulupot sa kanya, pinipigilan nito ang paglabas ng kanyang kapangyarihan

Kinuha naman ng isa niyang tauhan mula sa kamay ng babae ang hawak niyang berdeng bato

Binigay niya ito kay Clint

"Paano ko makukuha ang kapangyarihan nito?"

Ngumisi ang babae "Ang kapangyarihan ng batong iyan ay nakalaan para sa taong tunay na nagmamay ari sa kanya, kaya kahit bali-baliktarin mo ang sikmura mo at patayin ako, wala nino man satin ang makakakuha sa kapangyarihang taglay niyan"

The Chosen One [COMPLETED]Where stories live. Discover now