Pink Crystal

252 29 0
                                    

Pahirapan pang makipag usap kila Clint para ituro sakin ang bahay ng babae, dahil iniisip nilang baliw ako. Balak pang idala ako sa isang mental facility

Kung Hindi ko pa ginamitan ng hipnotismo ay hindi nila ako iihatid sa lugar ng babae, nakarating kami sa isang village, parang walang sinag ng araw dito at parang pinaninirahan ng mga taong takot sa tao.

"This place is creepy as fuck" sabi ni liam, si Clint lang kasi hinipnotize ko

Wala namang umimik hanggang sa makatapat kami sa isang bahay na parang hunted house.

"U-uhm maiwan nalang ako dito" Sinamaan naman siya ng tingin ng dalawa, agad akong lumabas at dumeretso sa pinto at kumatok

Bumukas iyon at bumungad sakin ang babaeng may kapangyarihan

"Mahal na tagapagligtas kinagagalak Kong ika'y bumisita, ano ang aking maipaglilingkod?" magalang na sabi nito sakin

Ramdam ko ang pagtataka sa apat na nasa likod ko, pero hindi ko na pinansin

"Kailangan kitang makausap"

"Pumasok po kayo"

Pumasok namin kami at naupo "May gusto ba kayong kainin?"

"What the fuck!?" sigaw ni Clint pero Hindi namin siya pinansin

"Ako nga pala si magesta" pakilala nito

"Magesta hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, nagpalabas na ng unang atake ang mga itim na mahekero, may alam ka ba kung saan ko makikita ang makapangyarihang crystal?"

"T-teka ano ba ang pinag uusapan niyo?" takang tanong ni grey

"Ang magliligtas dito sa Mundo niyo" sagot ni magesta

"Gulong gulo na kami dito" sabi naman ni liam

"Hindi ito ang tamang panahon para magpaliwanag, kailangan nating magmadali" kako

"PWEDE BA! KAHIT KONTING IMPORMASYON MAN LANG!!" halos sabay nilang sigaw pero Hindi namin pinansin

"Ang unang crystal na green ay nakuha ko na, ang tatlong crystal ay hiwalay na nakalagay sa iba't ibang kaharian"

"Saang kaharian?"

"Ang kaharian ng mga higante, Kaharian ng mga dwende at kaharian ng kadiliman" napalunok naman ako

"I never knew those creatures exist" mahinang sabi ni Clint

"Pano ako makakapunta dun?"

"PUTANGINA ANO BA ANG NANGYAYARE!?" Galit tanong ni locky

"Mahal na tagapagligtas, mag iingat ka, sapagkat ang lugar ng kadiliman ay Hindi pwede ang kapangyarihan"

Bigla naman akong natakot "Mag iingat ako, Iiwan ko ang apat na ito dito at pakiusap ikaw muna ang bahala habang wala ako"

Tumango naman siya "isa pa mahal na tagapag ligtas, mabagal ang oras sa tatlong kaharian na yon, ang trenta minutos duon ay isang araw dito"

Nanlaki ang mga mata ko "Panu mo nalaman?"

Pinakita niya ang kanyang peklat sa may mata, napasinghap naman kami "Sinubukan ko na noon kahit wala sakin ang basbas ng mga hari at reyna, eto lang ang napala ko"

Agad ko naman siyang nilapitan at hinawakan ang kanyang mata, nagliwanag ang palad ko kasabay ng pagpikit ko, pagmulat ko ay wala na ang kanyang peklat sa mata

"Pasasalamat sa iyong pagtulong" kako at gumawa na ng portal patungo sa mundo ng mga higante, at iniwan silang gulat na gulat

Pagtingin ko sa paligid ay lahat ay dambuhala, para akong isang dwende sa kahariang ito, kailan pa kayo ako makapunta sa kaharian nila? psh. nagteleport nalang ako sa kanilang kaharian.

Andito ako ngayon sa napakalaking kaharian, para akong langgam sa kahariang ito. Lumipad nalang ako dahil letche sa sobrang liit ko baka pasko nasa pathway parin ako.

Habang palipad lang ako ng palipad na parang sipsip ay may biglang nagkulong sa akin sa isang glass jar

"Anong ginagawa ng isang diwatang katulad mo?" GRABE! MAS MALAKI PA ANG MATA NITO KESA SAKIN!

"Hindi ako diwata!" sigaw ko naman

Tumawa lang siya at inilagay ako sa isang kwarto, madilim ito ngunit kita Kong maraming glass jar sa bawat sulok ng kwartong ito at sa gitna ay ang umiilaw na crystal pink

Napakaganda, ang matingkayad nitong kulay, sadyang napakaganda

Inilapag ako ng higante sa pinakataas at umalis. Hindi ko magamit ang kapangyarihan ko sa glass jar na to, buong pwersa Kong hinampas ang ang katawan ko sa jar at bigla itong gumalaw. Nice

Kahit masakit sa katawan ay inulit ulit ko iyon hanggang mahulog ako, at mabasag ang jar.

Nagkaruon ako ng mga galos at sugat dahil sa mga basag na bote, Hindi din gumagana ang healing ability ko, shit naman

Paika ika akong lumapit sa may lumulutang na crystal at hinawakan ito pero nakuryente lang ako at agad na tumalsik.

"argh" daing ko dahil sa sakit, andami Kong sugat at galos tapos makukuryente pa ako

Lumapit ulit ako at hinawakan ulit pero tumalsik lang ulit ako at tumama sa isang bagay

"Argh!" ansakit ng likod ko, ganito pala ang feeling ng isang mortal

Panu ba kita makukuha?

"Create a world and you'll find it"

nag echo sa isip ko ang sinabi ni ama. Create a world? Pinikit ko ang mata ko at pinakalma ang sarili ko

Create a world.

Rinig ko ang bawat tibok ng puso ko, na nagiging huni ng orasan pabilis ng pabilis para akong babagsak. Napamulat ako at nakita ang ang sarili sa isang madilim na kwarto

Iisang liwanag lang ang makikita ang liwanag ng pink na crystal, lumapit ako duon at natatakot na hawakan ito dahil baka tumalsik na naman ako.

Dahan dahan ko itong hinawakan at biglang nagliwanag ang mga kamay Kong may hawak nito. Lumiwanag ang paligid at bigla ulit dumilim

Tinignan ko ang crystal sa kamay ko at ngumiti. Finally!

Pagkatapos ay bigla akong nagising at nakitang nawawala ang crystal na pink. Kung ganun ay ilusyon lang iyon? Naguguluhan man ako ay umalis na ako don, gumawa ako ng portal papunta sa mundo ng mga mortal.

"Mahal na tagapag ligtas!"

"Phoebe!"

"Naku anong nangyari sayo? andami mong sugat at galos?!" nag aalalang tanong ni magesta

Hindi ko iyon pinansin dahil gumagana na ulit ang healing ability ko. Agad na naghilom ang mga sugat ko, kasabay non ang pagkawala ng Malay ko

The Chosen One [COMPLETED]Where stories live. Discover now