Back

178 25 1
                                    

Two weeks have passed, at wala ni anino ng kambal ko ang nakita ko. Ni maski man lang sana kapirasong damit nito ay wala

Sabog na sabog akong gumawa ng portal papunta sa mansyon ni Clint.

Walang tao at ang tahimik ng paligid, perfect timing, gusto ko muna mapag isa.

Nagpunta ako sa kwarto ko at dun ulit umiyak.

Wala eh, iyak nalang magagawa ko, I just want to be with my sister. Gusto ko lang malaman ang totoo, gusto ko lang maliwanagan.

Sino ba ang pamilya ko? asan sila? kung ganon Hindi ko lolo si dean? Hindi ko kadugo si Clint? Ano ba ang naghihintay na kapalaran ko? Sino ba ang tunay na kalaban ko? Kung yung nangyaring digmaan ang opening war....

"Argh!" sumasakit ulo ko dito!

Para saan ba ang apat na crystal na bato? Ano ba talaga tungkulin ko dito? Ang maging tagapagligtas lang ba talaga?

Akala ko I can do anything with my powers pero nagkamali ako. Kung ano pa ang gusto Kong gawin yun pa ang wala ako.

Kaya Kong magpawala ng alaala pero Hindi ko alam tignan ang nakaraan at magpabalik nito.

Kaya Kong pabagalin ang oras pero Hindi ko kayang ibalik ito.

Kaya Kong pumunta sa iba't ibang lugar pero Hindi ko kayang bumalik sa nakaraan

Kaya Kong magbasa ng isip at makita ang kasalukuyang nangyayare pero Hindi ko makita ang mangyayari palang.

Kaya Kong mangtuntun ng lugar kahit Hindi ko alam pero hirap akong maghanap ng mga bagay bagay.

Akala ko pag may kapangyarihan ka makakaya mo ang lahat, pero Hindi pala. Dahil sa bawat meron akong abilidad ay hindi ko angkin ang bawat kasalungat nito.

Gusto Kong puntahan si Dean pero nahihiya akong humarap sa kanya. Tsaka ayoko na siyang gambalahin pa, payapa na ang buhay niya.

Sila Clint...Ligtas nga ba sila sa puder ko?

Andaming tanong pero walang sagot. Maski ako Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Ako kasi yung klase ng tao na kung ano ang kailangan Kong gawin gagawin ko, at hahayaan ko muna ang mga nakaraang ginawa ko at yun ang Mali ko, dahil Hindi ko pa lubusang naiintindihan ang isang bagay na nangyare sa akin ay nagpapatuloy na ako sa panibago.

Kaya ngayon ako mismo ang naghihirap sa mismong nga tanong sa utak ko.

Pano ba ako nawala? Pano kami nawatak? pano nakulong ang kambal ko?

Iyak lang ako ng iyak duon hanggang sa makarinig ako ng pagsabog

Nanlalaki ang mga mata kong nagpalinga linga

Umagang umaga nagpapasabog kayo kung saan saan, mga panira ng drama.

I made myself invisible at dumaan sa bintana at lumipad, hinahanap ko ang sumabog.

Nakita ko ito sa isang gusaling abandunado

Tinungo ko ito, palapit ng palapit ay nakikita ko ang mga taong nagpapalitan ng putok ng baril, naglalabanan at nagpapatayan

Anong nangyayari?

Nagpunta ako sa loob at lumapag sa may pinto, pagkalapat ng paa ko sa sahig ay ang isa pang pagsabog, mula sa itaas na bahagi ng gusali.

Tumakbo ako papasok at napagtantong mas maraming kalalakihan ang naglalabanan dito sa loob.

Tangina ano ba ang nangyayari dito?

Nagteleport ako sa pangatlong palapag, isa itong abandunadong ospital.

Nakita ko dito ang mga nagkalat na bangkay sa may hallway, nilakad ko ito at sinundan ang mga bangkay, napunta ako sa isang kwarto kung saan may naririnig akong mga boses

Bukas ang pinto kaya naman ay Malaya akong nakapasok

Nanlaki ang mata ko sa naabutan ko....

WHAT THE HELL!!!

MAGESTA'S POV

"Yung nangyari noon! alam naming totoo yon at napatunayan namin dahil sa babaeng ito!" sabi nung ama daw ni Richard at itinuro ako

Kasalukuyan akong nakakulong sa isang malaking aquarium, buti nalang at kaya Kong huminga sa ilalim ng tubig, ngunit hindi ko magamit ang kapangyarihan ko, first of all nasa tubig ako, pangalawa anything about heat ang kapangyarihan ko kaya boplaks ako ngayon, pangatlo walang ni kahit na anong sinag ng araw na pwede Kong gamitin

Pang apat boplaks din ang apat na to kasi tig lilima ba namang baril at naglalakihang lalaki ang nakatutok at nakapalibot sa kanila.

Nagmall kasi kami kanina, tapos bigla akong nadukot, then syempre to the rescue tung apat, then ayun na may labanan na.

Tapos ang main reason pala ay si Phoebe gusto siyang kunin ng matandang to dahil sa kapangyarihan niya

"Matanda kana kasi! kung ano ano naiimagine mo" -locky

"Baka naman ginagawa mong dessert ang krimstix, naku tigilan ang halusinasyon" -grey

"Ayan hit hit pa more ng droga" -liam

"Sa sobrang pagkatanda mo nakakabuo kana ng sarili mong fantasy land" -locky

"There's no such things" -Clint

Pagkatapos kasi ng nangyari tinanggalan ni Kendal ng alaala ang mga mamamayan mula sa nangyaring labanan at ginawa itong bangungot sa bawat isa.

Itong hukluban lang nato talaga ang ayaw patigil

"Hah! bigyan niyo ng eksplanasyon kung bakit Hindi pa nalalagutan ng hininga yan! dalawang oras na siya diyan sa tubig!" sigaw pa nito

"Eh may sa lahing dugong yan eh!" sinamaan ko ng tingin si locky

"Ulol ka!" walang tunog na sabi ko ngumisi lang ang gago

"Well trained yan, sumasali sa world longest hour under water, kaya wag kana magtaka" -Clint

"HAHAHA! you can't fool me ludicrous, walang ganong kompitisyon" -Papa ni Richard

"Meron! dika lang kasi mahilig sa sports!" -grey

"Basketball pa more!" -locky

Lumaki ang butas ng ilong nung matanda at tumingin ng masama kila Clint

"TAMA NA ANG SAT SAT! KUNG HINDI NIYO SASABIHIN AKO MISMO ANG HAHANAP SA ASAWA MO! PATAYIN SILA!"

Wait what!? NOOOOOO!

Napapikit ako at tanging putok ng baril ang narinig ko....

The Chosen One [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon